Hi. Sorry! Ilang months ba after nung last update? 5 months? :'(
--------------------------------------------------------------
June 7, Sunday 8:30AM
YANA's POV
"Ate I like your new hair color. Medyo brown na black. Ah teka, anong oras ba ang alis mo Ate?" Tanong ng pinsan kong si Nikki.
"Uhh, ala-una." Sagot ko sa kanya habang fina-finalize ang mga gamit ko.
A week has passed. Napakaraming nangyari. Simula ng makabalik ako dito sa bahay namin, hindi na kami nagkita nina Ate Nana though inadd ko na siya sa facebook niya dahil sa wakas naalala ko narin naman yung account ko sa facebook. Dalawang beses kaming nagvideo call dahil nung Wednesday ay bumalik sa Seoul sina Ate Nana at yung iba naman sa China. Nagbakasyon saglit sa kani-kanilang bansa.
"Okay. Hindi ka ba natatakot mag-isa? Samahan kaya kita?"
"Ano ka ba.. May pasok ka na bukas tsaka ano yun? Napakalayo kaya ng dorm ko sa school mo like 1 hour away? Tss." I said.
"Ehh diba nakakalungkot mag-isa?" Sabi niya at humarap sa salamin.
"Maghahanap ako ng roommate ko pag pasukan. Don't worry. Okay lang ako dun, siguro sa una mahome sick ako pero I can handle it. Tsaka secured naman yung dorm. May security guard dun since nasa loob sya ng subdivision." I explained to her since nagwoworry na siya.
"Okay. Idol na kita."
Sabay kaming tumawa dahil sa sinabi niya.Kinuha ko yung last na mga damit na ilalagay ko sa box ko.. Then I saw it.
Yung mga gifts nina Ate Nana sakin nung nagcelebrate ako ng birthday ko sa clubhouse which is ngayon naman talaga ang birthday ko."So saan tayo pupunta ngayon Ate? Mall tayo! Mag sine kaya tayo? Kainis naman. Birthday na birthday mo aalis ka na.." Tapos nagpout siya.
"Eww stop pouting! Let's just eat sa mall. Kakapusin ako ng oras pag magsisine pa tayo."
"Okay fine!"
"Well, may pupuntahan pa ako bago tayo magmall..."
"Saan?"
"May bibisitahin lang.."
"Okay.. Buti naman bumalik ka na sa dati. Parang three days ago di pa kita makausap ng maayos eh." Sabi ni Nikki tapos humiga sa kama ko.
Yeah. Three days ago.. No.. 7 days ago..
*7 DAYS AGO*
"Yana.." Lumapit si Baekhyun sa kin tapos niyakap ako. "Mamimiss ka namin."
"Ako rin naman eh.."
"Yana.. Magkikita pa tayo diba?" Sabi ni Chanyeol tsaka yumakap.
"Syempre naman!" Sabi ko.
"Hoy mga loko! Parang mawawala na talaga si Yana ah. Pwede naman natin siyang makita eh! 1 hour away lang!" Sabi ni Chen. "Pero mamimiss ka talaga namin!" Tsaka siya rin ang yumakap.
"Ikaw talaga.." I said tsaka yumakap rin.
"Yana.." lumapit si Kris.
"Boss.." Tsaka siya natawa.
BINABASA MO ANG
The EXO Clubhouse
FanfictionAng buhay ko noon, parang isang madilim na langit. Kakaunting bituwin na nagbibigay ng konting pag-asa at liwanag. Pero minsan may dumaang labindalawang bulalakaw sa madilim na kalangitang iyon. Maliwanag. Ngayon, natatakot ako. Dahil alam ko na..ma...