Chapter 5

1 0 0
                                    

Maaga akong pumasok sa trabaho pero mas maaga parin saakin si Mang Nestor pagdating ko ay saktong nagbubukas pa lamang siya. Nag time-in muna ako sa logbook na nasa gilid pagkapasok ng entrance. Ang sarap talaga pumasok ng maaga dahil wala pang masyadong pasahero hindi ako nakipag siksikan at nakipag unahan sa pagsakay. Ang fresh din ng paligid kaya ang sarap sa pakiramdam, nakakarelax. Pagkalapag ko ng bag at laptop ko ay pumunta muna ako sa coffee corner at nagtimpla ng kape kahit pa nagkape na ako kanina. Pasado alas sais pa lamang grabe masyado nga talaga akong napaaga. Pagkatapos magkape ay tumulala muna ako ng ilang minuto at dahil sa subrang kalutangan ko ay hindi  ko namalayan na may tao na pala sa tabi ko.

“Nag sleep-walk ka ba Ms. MacQuid?” literal na nagulat ako ng may magsalita sa tabi ko at napaiktad din ako ng may dumapong palad sa noo ko. Si Boss. Shotaaa! para akong aatakihin sa puso. Not so close please bulong ko nalang sa utak ko.

“Ah ikaw pala Boss, Magandang Umaga!” out of awkwardness na bati ko sa kaniya. Ngumiti pa ako ng subrang lapad para takpan ang mukha kong nahihiya. Ngunit tahimik lamang ito at diretso lang ang tingin sa mukha ko kaya mas lalo akong tinubuan ng hiya. Ang mga tingin niya! parang sinusuri kung may demonyo bang sumanib sa katawang lupa ko.

“M-may dumi ba ko sa mukha?” nauutal kong sagot at pasimpleng inaabot ang bag ko para kunin ang salamin ko. Ngumiti lang ito ng bahagya atsaka kinurot ng malumanay ang pisngi ko.

“Nothing, cute HAHAH” na estatwa ako at hindi nakagalaw sa ginawa niya. Ang tawa niya, parang kinukurot ang sikmura ko. Ngayon ko lang siya narinig na tumawa at nakitang ngumiti ng hindi  nang-aasar. M-may lagnat ba to? or kaya naman baka panis na yong nakain niyang breakfast?

“Di ka na nakaimik diyan Ms. MacQuid, akyat na ko. Good morning btw..” feeling ko ay namumula na ngayon ang buong mukha ko. Tumango nalang ako sa kaniya dahil hindi  ko mahanap kung ano ba ang irereact ko. Or dapat ba kong mag react sa ganong treatment niya sakin?

Baliw ka na Haven! siguro normal lang naman yon na makita sa Boss at sa employee niya? Tskk! hindi, Hindi yon normal Havennnn! Nagbalik lang ang katawang lupa ko ng may marinig na akong nag iingayan hudyat na andito na rin ang iba. Kaya bago pa nila ako makitang miserable ay esti puno ng tensyon ay kinuha ko agad ang bag ko at tumakbo papuntang CR. Nabangga ko pa nga si Vlad kanina dahil sa pagmamadali ko.

Nang maging normal na ulit ang takbo ng puso ko lumabas na ako at walang lingon lingon sa dinadaanan ko diretso upo agad ako sa area ko at nagsuot ng salamin para hindi halatang nanggaling ako sa makabagbag damdaming pangyayari. Pero parang nananadya ang tadhana dahil wala man lang nakatambak na papel sa lamesa ko. Natapos ko pala kasi lahat icheck nong Sabado. So no choice inopen ko nalang ang laptop ko at nagsimulang mag isip ng pang update sa story na ginagawa ko. Naririnig ko naman silang parang may mga pinag-uusapan pero hindi na ako nakisali pa.

“HAHAHAHA yong isang yon naman si Haven, ganda niya nuh..” rinig kong  pagpapakilala saakin ni Vlad doon sa bago naming katrabaho. Ito siguro yong lalaking nagpunta dito nong Sabado. Pero bat parang ang bilis niya naman atang nahired? Eh wala naman pasok nong Linggo kaya imposibleng magpunta dito si Boss. Ay ewan! ano bang pake ko eh emplayado lang din naman ako dito.

Nag iinit agad ang tenga ko mabanggit at marinig ko lang ang salitang "Boss". Grrrr! Kainis! ano bang nangyayari sakin?! Never naman akong nagka-crush don dahil pahirap yon sa buhay ko! Tsss siguro ay epekto lang ito ng kakagawa ko ng storya at kakaimagine ng mga bagay-bagay.

“Vlad, ano uhmm sorry pala kanina nagmamadali kasi ako eh ihing ihi na ko..” nangmakalapit ako kay Vlad ay yan agad ang nasambit ko.

“H-hah?..” takang tanong nito at tinuro pa ang sarili niya. Tssk tingnan mo tong isang to ang galing din magkunwari. Sapakin ko kaya to ngayon?

“Eh diba nga kasi kanina nabangga kita kaya humihingi ako ng pasens--” he cut me off by putting his indix finger in between of my lips. At ang isang kamay naman ay iniakbay saakin.

“Wag ka sakin humingi ng pasensya kasi hindi naman ako ang nabangga mo HAHAH..” hah?Hindi siya? eh sino? hindi na ko nakasagot pa sa kaniya dahil hinawakan niya na ako sa magkabilang balikat ko atsaka pinaharap sa nasa likuran ko.

“Siya ohh” turo niya sa lalaking nakatayo sa may gilid ni Viviane. Marahan itong tumatango tango sa sinasabi ni Viviane.

So siya ang bago naming katrabaho. Special. Atlast nakita ko na rin ang mukha mo. Pero mamaya na kita lalapitan dahil may papatayin muna ako dito sa likod ko na akala siguro ay hindi  ko napapansin na kanina pa siya nakaakbay saakin. Ang lapit lapit pa ng mukha niya sakin. At talagang feeling to masyado akala siguro ay natutuwa ako sa ginagawa niyang pagtango tango na akala mo eh may na accomplished siyang isang bagay at sa pag akbay niya saakin talagang naiirita ako.

“Kanina ka pa ah! Akala mo natutuwa ako hah?!” malakas kong tinapik ang kamay niya at pinandilatan siya saka ko piningot ng napakalakas ang kaliwang tenga niya.

“Arayyy! Huhuh Haven masakit! Aray! aray! arayyy naman!..” saka ko lang ito binitawan ng makuntento na ako. Pulang pula ang tenga nito at maluha luha rin itong tumingin saakin habang hinihimas ang tenga niya. Ako naman ay ngumiti lang ng napaka tamis bago tumalikod.

Nang makabalik sa upuan ko ay pasimple kong pinagmasdan si Special. Tama lang ang tangkad nito siguro ay matangkad lang saakin ng ilang dangkal ako kasi ay 5'6. Katamtaman lang din ang pangangatawan nito at maayos ang gupit hindi mukhang tambay sa kanto. Hindi siya gaanong maputi, hindi rin gaanong kayumanggi tama lang para masabing matino siyang tao. All in all mukha siyang may mataas na pangarap sa buhay. Nararamdaman kong masipag siya at may gustong patunayan. Ngumiti ako ng magtama ang paningin namin, ngumiti rin naman ito pabalik. At sa ginawa niyang pag ngiti para bang naramdaman ko nanaman na iba ang dating niya saakin. Katulad ni D.A, itong isang to pakiramdam ko ay may special kaming connection sa isa't isa. HAHAHAH nakakatawa siguro ay kailangan ko ng magpatingin sa Psychiatrist napapadalas na ang ganitong pakiramdam ko, baka mabaliw ako nito.

Loving the Poet Where stories live. Discover now