Chapter 2

3 1 0
                                    

Pagkarating ko sa paborito kong kainan ay umorder agad ako ng pancit gisado na iniimagine ko kanina. Sinamahan ko narin ito ng isang pirasong empanada. Paupo na ko ng mapansin ko ang isang pirasong papel na nasa ibabaw ng lamesa pero dahil sa gutom ay kumain na muna ako. Mamaya ko nalang titingnan kung ano ba nakasulat dito. Syempre dakilang chismosa ako eh heheh.


-HEART BROKEN
Pag ibig na walang hanggan pero bat may katapusan
sa kwento ng pagmamahalan laging may iniiwan,

Yung salitang tayo ngunit ako nalamang ang natira
Pinanghawakang pangako bakit lumisan ka ?

Sa akin ka sumaya pero sa iba ka napunta,
Hindi naman naka dikit pero bakit
Kumabit ka?

Di naman masakit pero tumutulo ang luha
Habang iniisip handang magpa katanga,
Sa aking mga kwento makinig ka naman sana.

—D.A

Hindi maalis ang tingin ko sa papel na hawak ko. Wala akong ibang masabi bukod sa salitang MAHUSAY. Subrang napakahusay ng gumawa nito sayang lang at mukhang iniwan lang dito. Kinuha ko ang black notebook ko kung saan ako nagsusulat ng mga notes at kung ano-anong ka dramahan sa buhay. Itinupi ko ang papel at inipit sa notebook ko.

Nag stay pa ako roon ng ilang minuto at pinagmasdan ang mga sasakyan na dumadaan. Ganito pala ang buhay mag-isa. Boring. Malungkot. Inayos ko na ang mga gamit ko after mag muni-muni at umuwi na.

“Sis eto oh nagluto ako ng adobo medyo naparami kaya naisipan kong bigyan ka alam ko namang dakilang matipid ka baka mag de-delata ka nanaman mamaya..” natawa nalang ako sa sinabi ni Grace. Talagang nag effort pa siya umakyat dito para lang bigyan ako ng ulam.

"Baka nga hindi na ko mag dinner eh, lam mo na nagtitipid..” napairap ito sa sinabi ko. At saka lumapit saakin at nakipagtitigan.

"Gaga! Pag ikaw nagkasakit walang mag aalaga sayo maawa ka naman sa sarili mo.!” ngumiti nalang ako sa kaniya. Well that's the reason why I like her. Masyado siyang matalas magsalita atleast totoong tao, hindi plastic.

Nakatira lang naman kasi kami sa iisang apartment. Siya sa baba at ako naman dito sa second floor kaya talagang masasabi kong agad kaming nagkapalagayan ng loob.

“Oo na po ma'am, kakain po ako. Makakaalis na ho kayo. Maraming salamat sa libreng ulam. Pagpalain pa nawa kayo ng poong may kapal..” binigkas ko ito na parang nagdadasal. Umirap ulit ito bago lumabas. Ako naman ay nilagay na muna sa maliit kong dining table ang ulam na bigay niya.

I need to freshen up. Gaya ng nakasanayan ko hinubad ko na lahat ng saplot saaking katawan bago pumasok ng CR. Wala namang makakakita saakin kaya malaya akong gawin lahat ng gusto ko. Wala akong bathtub pero may shower naman patunay na di pa ako ganon kahirap. Umupo ako sa sahig at hinayaang dumaloy ang tubig sa aking katawan.

Here I am again lost for a moment. Reminiscing all the things that happened to me and letting myself cry. Iiyak ngayon, tatawa at ngingiti bukas. Babagsak ngayon, ngunit tatayo at lalaban ulit bukas. Yeah ganiyan na lagi ang daily life routine ko simula ng mag-isa nalang ako sa buhay. Ang hirap mag isa dahil everytime na mag b-breakdown ako wala man lang akong malapitan, walang maiyakan, walang mapagsabihan ng mga nararamdaman ko. Tanging pagsusulat na lamang ang nagiging kanlungan ko.

Lola kung andito ka lang sana ay hindi ako mahihirapan ng ganito. Sambit ko sa isip ko habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. Miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na ang Lola ko pero wala akong magawa para makasama ko na siya ulit dahil maaga siyang kinuha sakin ng mga bituin.

After maligo ay kumain muna ko but I lost my appetite so unti lang nakain ko and then tiningnan ko lang ang laptop ko kung may nag email ba sakin na kailangan kong trabahuhin pero wala naman so I closed it and get my notebook instead. May munting  ngiting gumuhit sa aking mga labi ng makita ko ang piraso ng papel na nakaipit dito. Isang MAKATA, kung sino ka man nais kitang makilala. Wala naman akong pake pero there's this feeling inside of me na curious sa kaniya na para bang ikatutuwa ng puso ko kung makikilala ko siya. Parang pagod na pagod ako ngayong araw kaya hindi  muna ako nag update sa story na ginagawa ko. I want to sleep.

“Ms. MacQuid since may importanteng lakad ako ngayon pwede bang ikaw na muna ang mag interview sa kaniya?” naguluhan ako sa sinabi ni Boss. Katatapos lang ng meeting namin and ito agad bungad niya saakin pagkaupo ko sa area ko. Interview? we're not hiring for any position.

“Hiring na ba tayo Boss?” takang tanong ko sa kaniya. Umiling lang siya bilang sagot at medyo inilapit saakin ang mukha niya. Napaatras ako ng kaunti dahil sa ginawa niya.

“He's special..” nakangiti niyang sabi at nagsimula ng maglakad palabas ng building. Ako naman napahawak sa puso ko gosh! bat ganon yon? Ang bango ng hininga niya parang ininom niya yong mouthwash.

So dahil ako nanaman ang inutusan niya wala akong choice kundi hintayin yong sinasabi niya kahit pa tambak pa sa table ko ang mga papel na kailangan kong idouble check. Asan na ba kasi yon? Special talaga siya ah ang tagal dumating pinanindigan niya talaga ang salitang "Special" tskk.

Ang pinaka ayaw ko pa naman sa lahat pinaghihintay ako ng matagal naiinis ako kapag ganon pero wala nga akong choice dahil utos ito ng magaling kong Boss. Baka pag hindi ko ginawa ay tanggalan ako ng trabaho wala pa naman awa yon.

Loving the Poet Where stories live. Discover now