Kinabukasan ay nagising ako dahil sa malakas na katok sa pinto ko kaya tinatamad akong bumangon at lumabas ng kwarto. Hula ko ay si Grace ito tskk wala naman ibang tao na mang i-sturbo ng tulog ko bukod sa babaeng yon. Nang buksan ko ang pinto ay humahangos ito at parang nakakita ng kung anong ligaw na hayop sa maliit naming bakuran. Panay turo rin ito sa baba pero hindi ko magets kung ano bang sinasabi nito.
"M-may gw-gwa-gwapo sa baba.." nauutal nitong sabi at tumuro nanaman sa baba. Tinaasan ko siya ng kilay at sinamaan ng tingin. Dahil lang sa gwapo ay inisturbo niya ang ilang mins. ko pa sanang tulog. Gagiks na to nahihilo tuloy ako ngayon ko lang din naramdaman na medyo may hang over ako.
"Ano ba? inisturbo mo ang tulog ko para lang sa kung sino mang nilalang na yan?!.." ungos ko sa kaniya pero tila wala itong narinig dahil bigla ako nitong hinila papasok at kinaladkad papuntang banyo.
"Bilisan mo ng maligo girl sinasabi ko sayo kailangan maganda ka ngayon at mabango..kaya I'm here ako bahala sayo.." naguguluhan man ay wala na akong nagawa dahil sinara na niya ang pinto. Ano ba nangyayari? Naligo nalang ako dahil wala naman akong choice kailangan ko narin talagang maligo dahil baka malate pa ako. Habang naliligo ay nag iisip na ako ng mga posibleng mangyari ngayong araw paniguradong puro panunukso ang matatanggap ko. Grr! kainis talaga!
"Seryoso ka pagsusuotin mo ko niyan?!" reklamo ko kay Grace dahil gusto niya na magsuot ako ng off shoulder na floral. Ito rin yong regalo niya sakin na hindi ko pa nasusuot.
"Yes! wag ka na ngang mag inarte male-late ka na tss.!" tamad na tamad kong isinuot ang damit na napili niya.
"eto na oh ano happy?!" nakabusangot kong tanong sa kaniya. Tumayo naman ito at umikot ikot saakin at pagkatapos ay huminto sa harap ko at umastang parang pinipicturan ako gamit ang mga kamay niya.
"off shoulder check, fitted skirt check, white shoes check na check, ang kulang nalang ay make up.." napabuntong hininga nalang ako sa hangin pero wala din akong nagawa hinayaan ko nalang siyang pakialaman ang mukha at buhok ko.
Nang matapos siya sa ginagawa niya saakin ay inabutan na niya ako ng salamin. She braided the half of my hair and put a light make up on my face. Infairness nagustuhan ko ang ginawa niya. Nag aayos naman ako at talagang mahilig sa ganon pero ng magkatrabaho ay tinamad na ako at nakuntento na lamang sa pulbos at liptint."Ano bang trip mo sa buhay kasi?.." pangungulit ko parin sa kaniya habang pababa na kami ng hagdan pero puro "secret" lang ang sagot niya saakin. Masasabunutan ko talaga to pag hindi ako natuwa sa kalalabasan nito.
"Surpriseee..! sinusundo ka ng pogi mong suitor..kyaaaa kainggit.!" pigil tili niyang sabi ng makarating na kami sa baba. Kinukurot niya rin ang tagiliran ko.
Halos mahulog ang dalawang eyeballs ko dahil sa panlalaki ng mata ko. Isang lalaki ang nakasandal sa cotse niya habang nakacross ang paa at ang isang kamay nito ay pinaglalaruan ang susi ng sasakyan ang isa naman ay nakalagay sa bulsa. Naka shades din ito kahit pa wala namang araw sa kinatatayuan niya. Ngumiti at kumaway ito saamin ng mapansin ang pagdating namin."Good morning pretty ladies..uhmm I'm here for Ms. Eftehia Haven MacQuid, I'll pick her up and make sure she'll get to her work safely.." nakangiti pa ring litanya nito. Ako ay halos walang imik at hindi parin makapaniwala.
"heheh sure po.! Ito nga at ready na ready siya sumabay sainyo.." at talagang nagawa niya pang magpa cute kay Boss. Palihim ko siyang kinurot at pinandilatan ng mata. Ngumiti lang ito ng alanganin at nag peace sign.
"So let's go Haven?. Baka malate ka na sa work mo ako pa naman ang Boss mo and you know I don't accept lame reasons HAHAH.." Hindi ako makapaniwala sa ginawa niyang pagbukas ng pinto sa front seat ng sasakyan niya pagkatapos ay lumapit saakin at kinuha ang bitbit kong bag na laman ang laptop at iba ko pang mga gamit.
"Go na girl bawal paghintayin ang grasya heheh.." tinulak tulak ako ni Grace hanggang sa makarating ako sa nakabukas na pinto.
"MAMAYA KA SAKIN.." pabulong kong sabi sa kaniya.
Habang nasa biyahe ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana bahala ng magka stiff neck ako wag lang magtagpo ang mga mata namin dahil hindi ko parin alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Wala rin naman itong imik at seryoso lang sa pagmamaneho. Out of curiosity pasimple ko itong nilingon at pinagmasdan. Isang kamay lang ang nakahawak sa manibela at ang isang kamay naman ay nakapahinga sa may handbrake. Napalunok ako ng makita ang mga ugat sa kamay niya na kusang nagsisilitawan."How's my driving skill?." napaiwas ako ng tingin dahil bigla itong lumingon saakin. Shocks! nakakahiya ka Haven bat kasi tiningnan tingnan mo pa!.
"Ah o-okay lang, salamat pala but you don't need to pick me up.." mahina kong tugon sakto lamang para marinig niya.
"Parte yon ng panliligaw ko sayo, to pick you up and send you home.. I want to make sure that my girl is safe.." nag init nanaman ang tenga ko dahil sa mga sinabi niya. Kahit naman matigas na ako sa usapang love babae pa rin ako at normal pa rin naman saakin ang makaramdam ng kaunting kilig.
"Seryoso ka Boss? b-bat kasi ako? Ang dami namang babae diyan eh..pls wag nalang ako.." tanong ko sa kaniya na ikinatahimik niya. Ayan siguro marerealize na niyang infatuation lang kung ano man ang nararamdaman niya para sakin.
"I know it's hard to believe.. pero gusto kong malaman mo na matagal na kitang gusto.." w-what?! Nanlaki ang mga mata ko at talagang napalingon sa kaniya pero tumawa lang ito ng mahina dahil sa reaksyon ko.
"See? Diba nagulat ka rin? Even me I'm also shocked when I finally found out that I like you..kaya palagi kitang pinapatawag sa opisina ko kasi gusto lang kitang makita.. madalas wala naman talagang error sa pinapasa mo sasabihin ko lang na meron para inisin ka, I just find it cute. HAHAH " hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya.
"What?!." Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o maiinis dahil sa pag amin niya. Gagu ang dami kong paghihirap na halos ikasira na ng kagandahan ko tapos malalaman Kong ang iba don ay kagustuhan niya lang?
"Well sorry for that, pero yon lang ang paraan para makita kita eh.. tanging pagsusungit, pang-iinis, at pagpapahirap ang magagawa ko para lang maitago tong nararamdaman ko.." medyo naiinis na nga ako dahil sa mga narinig ko. Akala niya ba ay matutumbasan ng isang sorry lang yong mga effort ko na nasayang dahil sa kagag*han niya?!
"It's hard for me to trust someone so easily.." sagot ko after ng mahabang pananahimik ko.
"I'll work hard to gain your trust.." Hindi ko na siya inimik hanggang sa makarating na kami sa trabaho. Kahit nong pinagbuksan niya ako ay hindi ko siya kinausap o tiningnan man lang.
Dire-diretso lang ako sa pagpasok at hindi pinapansin ang paligid ko. Umupo agad ako sa area ko at yumuko. Naririnig kong ang daming nagkukunwaring nauubo tssk mga chismosa't chismoso. Haisstt! nakakainis hindi ko nanaman tuloy alam kung paano haharapin ang mga katrabaho ko. Kasi alam na alam kong mahihilo lang ako sa mga tanong nila at maiinis sa mga panunukso nila. Siguradong sigurado ako na yan ang gagawin nila mamaya kapag nakita nilang okay na ulit ang mood ko.
YOU ARE READING
Loving the Poet
RandomMeeting him was my luckiest. Loving him is my easiest. Staying by his side is my happiest. But losing him will be my hardest. No one could ever make me feel the way he does. I am afraid to fall in love again, to trust, and to risk. But he's just so...