Chapter 12

2 0 0
                                    

Iinumin ko na sana ang huling tagay ko ng may umagaw saakin ng bote. Seriously?! hah! inis akong napatingin sa kung sino mang hinayopak ang gumawa noon. Isang lalaki ang nakatayo sa harapan ko at madilim ang mukha. Seryosong nakatingin saakin at naka tiim-bagang. Sa paraan ng pagtingin niya ay para bang may nagawa akong isang napakalaking kasalanan na hindi mababayaran ng isang sorry lang o kahit ng kagandahan ko na lang. The fvck with him. Hindi ako nagpatalo at matalim siyang tiningnan habang pinapatay ko na siya sa isip ko. Hayop.

“Why are you drinking at this hour? in this kind of place?” parang instant na saksak saakin ang bawat salitang binitawan niya. Ano bang pake niya?!

“Answer me.” Walang emosyon sa sinabi niya katulad ng wala rin siyang karapatang magtanong at makialam sa gusto kong gawin. Naikuyom ko ang palad ko bago malamig na sumagot.

“Ano bang pakialam mo?!” sagot ko at pinagdiinan ko pa ang salitang PAKIAALAM dahil mukhang nakakalimutan niya ng wala siyang karapatan makialam saakin.

“You're not like this. What happened to you?” halos maisuka ko ang ininom ko at ang isaw na pulutan ko dahil sa nakakabobo niyang tanong.

“Ayos ka lang?” balik tanong ko sa kaniya.

Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at mabilis ng naglakad paalis doon. Pero para siyang aso na sumusunod pa rin saakin. Inuubos niya talaga ang pagtitimpi ko. Of all people! bakit siya pa ang makikita ko?! Yong taong ayaw na ayaw ko ng makita.

“Haven wait! Pwede ba tayong mag usap?" malakas na sabi nito dahil medyo malayo ang agwat namin. Napahinto ako at galit siyang tiningnan.

“Wala na tayong dapat pag usapan.” I said firmly and coldly atsaka ako nag iwas ng tingin.

“K-kamusta ka na?..” huwaw! Ang lakas ng loob niyang magtanong kung kumusta na daw ako. Bilib na talaga ko sa taong to.

“As you can see, I'm alive.” tipid kong sagot. Nasasaktan nanaman ako. Naalala ko nanaman kung gaano kasakit ang ginawa niya saakin. Kung gaano niya ako dinurog.

He tried to hold my hands ng maabutan niya ako but I refused. Ang makita nga lang at makausap siya ngayon ay halos hindi na ako makahinga pano pa kaya ang mahawakan niya ako.

“Y-you graduated BS Education, but why did you end up working in that company?.” napabuga ako sa hangin at hindi makapaniwala sa tanong niya. I smiled bitterly.

“You know what? Nakakabobo kang kausap! Curious lang ako saan mo kinuha yang kapal ng mukha mo? inorder mo ba yan sa Shopee?” kalmado ngunit puno ng diin kong tanong sa kaniya.

“I-I just want to know..” bigla ay maamo nitong sagot. Tskk! walang bago napakagaling niya pa rin umarte. Mas lalo lang kumulo ang dugo ko.

Gusto niya kong makausap? Then fine! pagbibigyan ko siya siguro ito na rin ang tamang oras para mailabas ko lahat ng sakit, galit, at kung gaano ko siya kinamumuhian.

“You don't have to know.. pero sige I'll tell you for your "peace of mind" baka kasi hindi ka makatulog..” I paused for a second then I look straightly to his foolish eyes.

“The day before my LET, it's our 7th monthsarry. Instead of staying in my space and reviewing my notes, I've decided to surprise you. We agreed na magkikita tayo dito mismo sa Lugar na to but what happened? I've waited 3 fvcking hours under the strong rain but even your soul didn't came!” I shouted the last words before my tears fell down. Traitor. He tried to hold me again pero agad akong nakaiwas at umatras.

“I-I'm sorry” I laugh at him sarcastically trying to be strong.

“Sorry? huwaw! Sorry for what? sorry for hurting me? sorry for cheating on me?. Well! Your sorry is not enough! That day, naniwala at umasa ako na darating ka..kaya kahit nilalamig na ako I'm still waiting patiently..k-kasi kailangan kita..k-kailangan kitang makita dahil kailangan ko ng inspirasyon..I need a motivation... You want to know more? I didn't make it. I failed the exam!! then you broke up with me when I needed you the most.. you just didn't BROKE ME!, YOU HURT ME, Y-YOU DESTROYED ME!.” puno ng hinanakit kong sigaw sa kaniya. Oo sumisigaw na ko at wala akong pakialam sa kung sino mang makakakita at makakarinig saakin.

“I know sorry is not enough but still I want to say s-..” I cut him off. Tama na sa pang gagago saakin. Hanggang ngayon ba naman ay pagmumukhain mo pa rin akong tanga sayo?

“I won't forget the night I cried so much, gasping for breath because of you. Fvck you!.” and with that tinalikuran ko na siya.

Pero hindi pa nga ako nakakabawi ay nagulat nanaman ako sa kung sinong nakita ko pagkaharap ko. PSYCHE. He's staring at me na may naaawang tingin. Then inilipat niya ang mga tingin niya sa hayop kong EX na hindi umalis sa likuran ko.
Pagkatapos ng ilang segundo ay ibinalik niya ang tingin niya saakin at saka ako nilapitan. Taka akong napatingin sa kaniya ng hawakan niya ang kaliwang kamay ko at tinulungan akong makaalis sa lugar na yon. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Ganon pa man hinayaan ko na lamang na tangayin niya ako.

Loving the Poet Where stories live. Discover now