Nakatingin lang ako kay Grace na hindi mapakali at pabalik balik ang lakad sa harapan ko. Dito kasi muna ako dumiretso sa kaniya para marinig ang opinion niya tungkol sa ligaw ligaw chuchu na sinasabi ni Boss. Medyo nahihilo na ako dahil naparami ang inom ko kanina at mas lalo pa akong nahihilo dahil sa ginagawa ng babaeng to.
“Gusto kang ligawan ng Boss mo?!” hindi pa rin makapaniwalang tanong nito.
“Pang sampung ulit mo na yan, ilang beses ba natin uulit ulitin ang part na yan?..” sagot ko sa kaniya. Umupo naman ito sa tabi ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
“Gwapo ang Boss mo diba?” tumango ako sa tanong niya.
“Hot, matangkad, matipuno,?” tumango ulit ako.
“Wala pa naman siya 30's diba?” tumango ako dahil 3 years lang naman ang tanda niya saakin I'm 24 so he's 27.
“Mabait?..” tumango ako pero agad ko ring binawi.
“No! hindi siya mabait!. Palagi niya nga akong pinapahirapan eh..” reklamo ko kay Grace.
“So ano pumipigil sayo? Bigtime na yon girlll! para ka ng namingwit sa karagatan tas nakahuli ka ng napakalaking Tuna.!” sagot niya naman at niyuyogyog pa ang balikat ko kitang nahihilo na nga ako.
“Eh wala naman akong gusto don.!” totoo namang wala akong gusto don tskk. animal na yon never ko magugustuhan yon kahit pa ano gawin niya.!
“Sure ka?..eh crush? don't tell me hindi ka rin nagka crush sa kaniya?” napaisip naman ako sa tanong niya. Talagang pinag isipan ko ang isasagot ko.
“uhmm...slight?..I mean 3% out of 10%. ganon lang kaunti..okay naman siya he's perfect but despite of his perfectness wala hindi ko talaga siya magustuhan. Siguro I'm admiring him because he's so passionate when it comes to his job. Napakagaling niyang mag handle ng mga trabaho. Oo minsan napakasungit niya pero minsan naman ay hindi.. aishhh! ewannn..!” ginulo gulo ko ang buhok ko after ko sabihin yan because at this moment para akong mababaliw.
“Hindi ka naman siguro minamadali, natututunan din naman ang love nuh!” magkaiba pala ang pinaniniwalaan namin ni Grace.
“You're wrong.. mas masarap sa pakiramdam yong kusa kang minahal kesa sa natutunan ka lang mahalin..the latter sounds so annoying kasi parang sinasabi nito na kailangan kang mahalin kasi wala ng ibang choice..” paliwanag ko sa kaniya. Tumango tango naman ito na parang sumang ayon din sa sinabi ko.
“Ayaw mo ba o natatakot ka lang?..” seryosong tanong nito saakin. Huminga muna ako bago sumagot.
“I'm afraid, yes. You know my last relationship it didn't go the way I wanted it to be. Ako yong labis na nagmahal tapos ako pa yong labis na nasaktan. My heart was whole that time but he broke it. And I have a hard time fixing it on my own, moving on, and moving forward. Until now I'm having a hard time. He made me realized that if no one got me, it's okay I got me. I will become that someone for myself coz I deserve all the love that no one can give..” bigla akong niyakap ni Grace kaya natigil ako sa pagsasalita. Siguro ay naramdaman niyang ito ang kailangan ko ngayon. Isang mahigpit na yakap.
“Mahirap na saakin ang magtiwala ulit. Kasi pwede namang mapeke ang salitang “Gusto kita o Mahal kita”.. words can be deceiving.” Ano ba to bat ako naiiyak?! naparami nga talaga ang nainom ko hayss.
“Magiging okay ka rin girl..someday someone out there will help you fix your broken heart, heal your wounds, listen to your soul, and will do his best not to hurt and lose you..” nakangiting saad ni Grace.
“Ang tagal niya naman dumating HAHAH..” pareho kaming natawa ni Grace dahil sa sinabi ko.
“Oh siya uwi na ko.. thank you have a good night.!” tumayo na ako at nagsimulang maglakad palabas.
“As always, don't think too much hah! clean your mind para makatulog ka ng maayos..” nginitian ko nalang siya at nag flying kiss ganon din naman ang ginawa niya.
Pagkarating ko sa space ko ay diretso agad ako sa CR at in-on ang shower. Nakaupo ako sa sahig habang yakap yakap ang sarili at hinahayaang dumaloy ang tubig saaking katawan. My thoughts are hurting me. Sinusubukan ko namang wag mag isip ng kung ano-ano pero kusa nalang silang lumilitaw. Hindi ko alam kung paano papasok bukas sa trabaho, kung paano ko siya haharapin. Ang gulo! ang gulo gulo ng isip ko.
Tinapos ko agad ang pagligo dahil gusto ko ng matulog. Alam kong mahihirapan nanaman ako makatulog pero pipilitin ko. After magpatuyo ng buhok pinatay ko na ang ilaw at nahiga na. Siguro ay 10mins. na akong nakahiga at nakatulala sa kisame pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Ayaw ko na siyang maalala pero napakalupit niya dahil pilit niya paring pinapasok ang isipan ko. Hanggang ngayon, sa tuwing maiisip ko siya, ang mga ginawa niya sakin, lahat lahat ng tungkol sa kaniya parang sinasaksak ng isang daang kutsilyo ang puso ko. Akala ko ay nakalimutan ko na siya, akala ko ay okay na ako, akala ko ay hindi na ako masasaktan ng ganito. Pero bumalik lahat ng yan dahil lang sa simpleng pag amin ng Boss ko. I know it would be unfair for him na maisali ko pa siya sa issue ko sa ex ko pero anong magagawa ko? it's so hard for me to believe what he said. Bahala na bukas! katulad ng lagi kong ginagawa pakitaan lang sila ng ngiti para wala na silang masabi pa.
YOU ARE READING
Loving the Poet
RandomMeeting him was my luckiest. Loving him is my easiest. Staying by his side is my happiest. But losing him will be my hardest. No one could ever make me feel the way he does. I am afraid to fall in love again, to trust, and to risk. But he's just so...