Chapter 3

2 0 0
                                    

So dahil nga ang tagal dumating nong sinasabi ni Boss sinimulan ko na munang magbasa at mag check. Ang dami nito malamang sa malamang ay mag oovertime nanaman ako nito. Yong mas makapal ang inuna kong tingnan na nasa 70 pages. And nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ng may umupo sa harapan ko. Hindi ko ito tiningnan dahil base sa pakiramdam ko bago lamang ito dito. Marahil ay ito na ang mag aapply. Tinigil ko muna saglit ang pagbabasa at binaba ang salamin ko tiningnan ko na rin ang orasan. 11:11 AM. Malapit ng mag lunchtime.

“Good morning po Ma'am ” kakaiba ang boses niya para itong isang musika, napakagandang pakinggan. Wala naman akong pake inilalarawan ko lamang ang lalaki sa aking harapan.

So siya si special bagay nga sa kaniya ang salitang yon. Hindi ako nag abala na tumingin sa mukha niya. Gaya nga ng sabi ko wala naman akong pake.

“What is your genre?” diretsong tanong ko sa kaniya referring sa kung anong genre ng story ang ginagawa niya.

“Not a story writer po Ma'am. I write poems.” magalang nitong sagot na bahagyang nagpataas ng kilay ko. A poet? but we don't need that here.

“I see, but hindi kasi kami nag p-publish ng mga tula. More on comics and fictitious stories ang ginagawa namin.” paliwanag ko sa kaniya and still I never bothered looking at him. Nakatingin lang ako sa salamin ko.

“uhmm ang sabi po kasi ni Sir kagabi ay magpunta na lang ako rito para magsubmit ng resume ko and ng sample ng mga gawa ko.” si Boss talaga ano naman kaya pumasok sa isip non tssk.

“Ah okay so may I have your resume and your samples?” inilapag niya naman agad sa table ko ang isang envelope. Kinuha ko ito at mabilisang tiningnan ang loob pero hindi ko na binasa pa. Ibibigay ko nalang ito kay Boss at siya na ang bahala dahil masyado akong busy para sayangin pa ang oras ko magbasa nito.

“Thank you. So we will just send you an email if you are qualified.” after ko sabihin yon ay tumayo na siya.

Napansin kong naka hoodie siya kahit pa ang init init ng panahon. Special nga siya. Baka ayaw niya mainitan at umitim. I slightly bite my lower lip to stop myself from smiling dahil sa mga naiisip ko.

“Maraming salamat Ma'am, alis na po ako.” tinanguan ko nalang siya. Saka lang ako nakatingin sa kaniya nong malapit na siya sa pinto. Tiningnan ko ng maigi ang likod niya weird but he is somehow familiar.

“Hoy te! di na masama 8/10. POGI.” nagulat ako dahil sa biglang pagsulpot ni Yza sa tabi ko. Basta talaga usapang pogi napaka active nito.

“Weh? talaga? sayang di ko nakita” sagot ko sa kaniya at nagkunwari pa akong nadismaya.

“Tssk! paano mo naman kasi makikita ni hindi  mo man lang nga sinulyapan yong tao! Ang rude mo hah! ” natawa ako hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa nakasimangot niyang mukha.

“ewan ko sayo Yza si Vlad na lagi mong katabi pogi din naman ah” pang aasar ko rito at pinabalik balik pa ang tingin ko sa kaniya at kay Vlad. Success! naasar siya dahil umirap nalang ito at nag make face saka lumayas sa tabi ko.

Ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko at hindi na pinansin ang mga nag aasaran sa paligid ko. Kung wala lang akong gagawin ay makikisali rin ako. Hindi nagtagal ay nagsipag alisan na sila lunchtime na kasi at heto gaya ng nakasanayan naiwan ulit ako dahil tambak pa ang kailangan kong basahin. Kinuha ko nalang ang biscuit na dala ko at saka ako tumayo at nagpunta sa may coffee corner. Ayos na to! Kape sa umaga, kape sa tanghali, buti nga at hindi na kape sa gabi atleast nakakapagtipid ako at mas malaki ang naiipon ko. After magtimpla bumalik na ako sa table ko at nagsimula na ulit.

Masaya naman ako sa ginagawa ko, I'm contented doing this work. Napatingin ako sa cellphone ko ng mag vibrate ito. Nag message si Boss at sinabing hindi na siya ngayon makakabalik ilagay ko nalang daw sa opisina niya ang mga papel. Tss ngayon lang ata tinamad yon pero wala naman akong pake buhay niya naman yon.

“Biscuit at kape nanaman girl?”. reklamo ni Viviane, nakabalik na pala sila.

“Okay na to para kapag magka boyfriend ako kaya ko ng ipaglaban kahit pa hanggang kamatayan..” sagot ko sa kaniya na may kasamang natatawang mukha.

“eh kung ako nalang kaya ipaglaban mo Haven, willing ka ba?” biglang sambit naman ni Vlad with matching taas-baba pa ng kilay niya. Umasta naman akong kinikilabutan

“In your dreams..” bulong ko sa kaniya ng makalapit ako. Hindi naman agad ito nakareact marahil ay nagulat. Nagsimula namang magtawanan ang iba naming mga kasama.

Madilim na sa labas at halos puro ilaw na ng mga sasakyan ang nakikita ko. Ako nalang din ang naiwan dito at si Mang Nestor ang guard namin dahil nagsipag uwian na ang mga katrabaho ko. 8:45PM na ang oras pagtingin ko sa relo ko. Ang sakit ng mata ko dahil sa maghapon na pagbabasa buti nalang at panay kape ako kaya hindi  ako inaantok. Nagsuklay muna ako bago pumunta sa opisina ni Boss at nilapag sa lamesa niya ang mga papel. Sinigurado ko talagang wala ng error ang mga iyon dahil sa pagkarami non ay ayaw kong ibuwis ang buhay ko kung may ipapaulit nanaman siya. Sinigurado ko ring nasa ibabaw ng mga iyon ang envelope na sinubmit nong applicant kanina. Nang masiguro ko na maayos na ang lahat lumabas na rin ako bahala na si Mang Nestor doon.

Nagmadali na akong pumunta sa paborito kong kainan sana naman ay hindi  pa ito nagsasara.
Ayon! Bukas pa! Agad akong pumasok sa loob at umorder ng log-log with egg ito yong parang pancit na puti na sinasabawan ng pinakuluang sabaw ng baka at nilalagyan ng mga panimpla. Subrang paborito ko ito kaya ito narin ang magiging dinner ko. Ng matapos na ako kumain ay nakigamit muna ako ng CR nila. Pabalik na ako sa table ko ng madako ang paningin ko sa table malapit sa may bintana. Mayroon nanamang kapirasong papel na nakapatong doon. Out of curiosity nilapitan ko ito at tiningnan.

-SUICIDE

Sa harap ng salamin habang nakatingin
BULONG ng BULONG na animoy naaaning
Mga problema sa buhay iniisip ko parin
Gulong gulo na sa sarili, matatakasan ko rin
Ngiting pinalitan ng kalungkutan
Sa bisyo nalang kumapit at ginawang kasagutan
Sa Mga katanungan pwede ko bang malaman
Anong meron sa kabila ng kamatayan?
Habang sinusulat ang pamamaalam
Iniisip san banda ako nagkulang?
Patawad ang tugon sa aking paglisan
Aking sarili, di ko na lubos na kilala
Humantong ang lahat sa wala
Nagmistulang tulala at natapos ang talata
Habang naka bitin sa gitna sa pagkapos ng hininga
Na kumitil sa kanya
Heto ang buhay hindi ka sasantuhin
Tunay na kulay sa harap ng salamin
Hirap at hukay habang nakatingin
Ano ang buhay kung kamatayan lang din.

—D.A

Agad kong kinuha ang notebook ko at tiningnan ang piraso ng papel na nakaipit dito. D.A? ito rin ang gumawa ng tula na una kong nakita dito. For the second time namangha nanaman ako sa galing niya. Kinuha ko ito at pinagsama ang dalawa. D.A bakit parang napaka familiar mo saakin? Inisip kong mabuti kong sino sa mga kakilala ko ang may initials na D.A pero walang pumapasok sa isip ko. Baka subra lang akong nagagalingan sa kaniya kaya naiisip ko na familiar siya saakin kahit hindi  naman talaga.

Loving the Poet Where stories live. Discover now