Huminto kami ni Psyche sa isang magandang lugar. Pasimple kong pinagmamasdan ang paligid at inaalam kung safe ba dito. Lalo na sa ganitong oras. Kahit naman ang dami kong pinagdadaanan ay ayaw ko pang mamatay. Dinala niya pala ako dito sa Haven's Garden, kapareho pa talaga ng pangalan ko. Sikat itong pasyalan dito sa kabilang baryo dahil napakaganda ng mga bulaklak dito. Iba't ibang klase na sa subrang dami ay hindi kayang bilangin ng kung sino man. May mga upuan din sa gilid ng mga pathways at round table w/ an umbrella para kung araw ka mamasyal dito ay may masisilungan pa rin. Nakatingin lang ako sa mga bulaklak habang nakaupo hindi pinapansin ang kasama ko.
Hindi nag tagal ay natagpuan ko nalang ang sarili ko na umiiyak nanaman. That son of a bitch! kelan mo ba ako titigilan? kelan ka ba titigil sa pananakit sakin? Kelan ba kita magagawang kalimutan?!
"Hindi niya deserve ang mga luha mo" mahinang saad ng katabi ko at saka ako inabutan ng panyo na agad ko namang kinuha.
"If you need someone to talk to, I'm here. You can say anything to me.." pagkatapos niyang sabihin yan ay mahabang katahimikan ang dumaan saamin.
Huminga muna ako nang malalim bago magsalita. Siguro nga ay kailangan ko ng pakawalan ngayon lahat ng dinaramdam ko para matapos na rin ang pagdurusa ko sa kaniya. Para hindi na ako ganitong nasasaktan.
"He's a cheater." panimula ko sa sasabihin ko.
"Masyado akong nakampante sa mga salita niya, sa mga "iloveyou's" niya sa mga "hindi kita iiwan, hindi kita lolokohin".. sinungaling!" napatingala ako upang pigilan ang mga luha ko na nagbabadya nanamang tumulo.
"to sum it up..I failed the LET exam kasi nilagnat ako.. sino ba namang hindi lalagnatin at magkakasakit kung tatlong oras kang nasa ilalim ng malakas na buhos ng ulan.." napatawa ako ng mapakla at ibinalik ang tingin ko sa mga bulaklak.
"I need him that time, kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ng hindi ko maipasa ang exam..pero ayon nga hahah p*ta! nakipag break ang hayop..at nalaman ko nalang din na sila na nong Archi. student na pinagseselosan ko, 4 months na sila.." tahimik lang ang katabi ko kaya tiningnan ko siya kasi wala man lang siyang sinasabi.
"Poor him, sinayang niya ang kagaya mo.." natawa ako sa sinabi niya, legit na tawa at hindi plastic.
"tanga niya nuh? ang ganda ko pero sinayang niya pa.." kunwari ay dismayado kong sabi
"tama tama..." tumatango tango namang pag sang-ayon ni Psyche at binigyan ako ng naaawang tingin.
"Stop that, ang creepy mo.." I rolled my eyes and look away
"Naisip ko lang kung gaano ka lungkot ang buhay mo parang nalulungkot din ako.." naaawa siya saakin? oh c'mon I really hate it.
"Hoy! kung naaawa ka saakin pls lang hah! wag. I hate people na ipapakita saakin na nakakaawa ako.. kasi feeling ko I am a baby, not capable of doing anything na kailangang alagaan at protektahan. I once experience being cared and protected by someone pero siya rin ang dumurog saakin.." after ko sabihin ang mga yan ay tumayo na ako at nag stretch ng mga kamay ko.
"There will always be someone na talagang aalagaan at poprotektahan ka.." nakangiti niyang sagot, ngumiti nalang din ako at nagkibit balikat.
"Pareho kayo nang sinabi ng kaibigan ko.. hahah someone. nasaan na kaya yon nuh? Para naman magbago na takbo ng buhay ko at hindi ako mukhang nakakaawang tingnan para sayo.." seryoso naman ako sa sinabi ko pero tumawa lang siya. Ang mga tawa niya, kakaiba.
"Patience Haven. PATIENCE. Kasi hindi pa gumagaling si Cupid may trangkaso kasi kaya hindi pa mapana yong lalaking para talaga sayo.." this time siya naman ang seryoso at ako naman ang natawa.
"Hindi mo rin kasi inalagaan Psyche kaya siguro tinrangkaso nuh? scam ka rin eh tskkk..." napuno kami ng tawanan.
Sa isang iglap gumaan agad ang pakiramdam ko. Madami pa kaming napag usapan ni Psyche more on experiences namin sa trabaho. Nasa kalagitnaan kami ng kwentuhan ng mapansin kong ako lang ang nag kekwento ng tungkol sa buhay ko.
"Hoy! ikaw na scammer ka! bat ako lang ang nag k-kwento nang tungkol sa life hah?! ang unfair nito.." reklamo ko sa kaniya then I crossed my arms.
"eh kasi moment mo to HAHAH" inarapan ko nalang siya at tinapos na ang kinikwento ko.
Too much information about myself is dangerous for him chosss huhuh. Unfair talaga kasi halos pati storya ng kaluluwa ko ay na ikwento ko na sa kaniya pero siya? Not even a single blood.
"Thank you Psyche.." full of sincerity kong saad w/ matching ngiti pa.
"wala yon, maliit na bagay" pinalo ko naman siya sa balikat ng kumindat siya saakin.
"yakkk!" tumawa lang siya dahil sa reaksyon ko.
Hindi na rin kami nagtagal pa doon at napag pasiyahan na naming umuwi dahil late na rin naman at may pasok pa bukas. Naghiwalay lang kami sa may terminal dahil magkaiba naman kami ng sasakayan. Tskkk talagang ang misteryoso ng lalaking yon ultimong address ay hindi ko man lang nalaman. Medyo nahirapan lang akong makasakay dahil naiwan na ako ng last trip ng jeep. Kaya walang choice kundi mag antay ng UV Express. Hayyy ang mahal ng pamasahe doon mababawasan nanaman ng malaki ang ihuhulog ko sa ipon ko. Pero okay na to kesa naman mapabalita sa TV na may isang babae ang natagpuang palutang lutang sa may sapa. Saka ko lang narealize na may naiwan ako. Yong Pancit! sa kadramahan ko hindi ko na alam kung saan ko naiwan yon. Sayangggg! 35 pesos din yon special kasi. Kapag siniswerte nga naman.
YOU ARE READING
Loving the Poet
RandomMeeting him was my luckiest. Loving him is my easiest. Staying by his side is my happiest. But losing him will be my hardest. No one could ever make me feel the way he does. I am afraid to fall in love again, to trust, and to risk. But he's just so...