Chapter 6

1 0 0
                                    

Nang mag lunchtime ay naiwan ulit ako pinipilit nila ko sumama pero tumanggi ako. May baon naman akong biscuit yon nalang ang kakainin ko kasi maaga naman akong mag a-out ngayon since maaga din ako dumating kanina. And besides wala naman masyadong gagawin iisa lang ang nasa lamesa ko at nasa 55pages lang ito. Madali ko lang itong matatapos dahil sa taglay kong galing sa pagbabasa. At ito ang maganda dito sa pinagtatrabahuhan ko dahil kahit naman ganon kawalang puso si Boss ay kami parin ang may hawak ng oras namin. Hindi kami required mag over time, isa lang naman ang rules niya at yon ay matapos namin sa itinakda niyang deadline ang mga dapat naming gawin. Napatingin ako sa umubo, aba si Special andito pala ito akala ko ay sumama siya sa labas hindi pala. Kumuha ako ng isang snowbear at tatlong gummy candies sa bag ko.Oo tama kayo ng pagkabasa, itong dalawang to ang hindi  pwedeng mawala sa bag ko pati narin pala yong biscuit.

“Pang pawala ng ubo..” inilapag ko sa lamesa niya ang dala ko. Huwag kayong mag-alala dahil malinis ang kamay ko at binalot ko naman sa papel yong gummy candies at siniguradong walang bacteria na nakadapo.

“naku nag abala ka pa, pero salamat dito..” ngumiti siya so ngumiti din ako. Pasimple kong sinisilip kong ano ang isinusulat niya. Pero nahuhuli niya ako kaya nagkukunwari nalang ako na may ibang tinitingnan.

“Actually, peace offering yan kasi kanina nabangga kita, pasensya na ah nagmamadali kasi ako alam mo na ihing ihi na ko HAHAH..” nagawa ko pang tumawa kahit pakiramdam ko ay ang awkward ng atmosphere between the two of us.

“suss wala yon, no need to say sorry..” the way siya sumagot eh para bang matagal na kaming magkakilala. FC lang pre?choss

“ah ganon ba heheh, uhmm what's your name btw?..” Tama kailangan kong itanong kung sino ba tong nilalang sa harap ko at kausap ko ngayon.

“Psyche is the name Ma'am!..” nakangiti nitong sagot. Ako naman ay hindi napigilang hindi matawa. Legit natatawa talaga ako kasi bakit naman ganon ang pangalan niya? HAHAHAH maintindihan ko pa kung babae siya pero lalaki siya eh. Sa kakatawa ko sumasabay narin ito saakin tss epal din ako lang may karapatan tumawa aba!.

“So..HAHAH Psyche kamusta naman relasyon niyo ni Cupid?..” natatawa paring tanong ko sakaniya.

“Ayos lang naman palipad lipad lang..” natatawa rin nitong sagot. Gusto ko siya. I mean gusto ko ang vibes niya ganto ang mga taong madali kong nakakasundo.

“pfftt..bakit nga pala hindi ka sumama sa kanila mag lunch?..” pigil tawa kong tanong sa kaniya.

“Ah tatapusin ko muna itong tula na ginagawa ko, sabi kasi sakin ni Boss kanina since 1st day ko naman daw huwag ko na muna daw seryosohin ano kaya yon nuh?eh loyal ako hindi  ako mahilig maglaro ng mga babae..” kunwari pa siyang nag-iisip nakahawak pa talaga sa ilalim ng panga niya. Grabe! Trabaho ang usapan pero nakarating siya sa babae.

“Ah I see, sige gawa well Psycheeee. Fighting!.” itinaas ko pa ang nakakuyom kong kamay atsaka tumalikod ng medyo natatawa parin. Napakagaan ng loob ko sa kaniya to be honest.

After that short conversation with Special, ah- no I should start calling him Psyche HAHAH. Bumalik na ko sa area ko at ginawa ang dapat kung gawin. Nag scroll scroll nalang ako sa page namin at nagbasa ng mga comments doon. Natutuwa ako dahil ang gaganda ng mga comments nila, talagang mahal na mahal nila lahat ng ginagawa naming storya. Lahat ng pagod namin ay nasusuklian nila sa simpleng pagsuporta.

Tawa ako ng tawa sa kwento ni Grace tumawag ito saakin para lang maghatid ng chismiss. Kanina raw ay nabutas ang tubo sa may lababo niya kaya nagpapunta siya ng mag aayos nito. At inexpect niya na matandang lalaki ang pupunta pero isang gwapong nilalang ang dumating. Napakaganda raw ng pangangatawan nito nakita niya rin ang mga baon nitong pandesal dahil naghubad ito ng damit sa harapan niya mismo. Nasa point na raw siya ng pag imagine na kinakasal sila ayon nga naghubad ito ng damit at halos mahimatay raw siya sa amoy nito. HAHAHAH sayang daw ang gwapo pa naman kaso mayaman sa putok. Nanghihinayang pa talaga siya HAHAH.

Loving the Poet Where stories live. Discover now