Chapter 50

316 17 0
                                    

Sa pagdating palang namin doon halos umalon na ang buong paligid sa sobrang dami ng mga tao. Ma protestante man o mamamahayag kasali na din doon ang pulisya na pinipigilan ang mga taong lumapit sa'min.

Nakita ko ang iba't-ibang kartel na puro salita ng hustisya para sa mga biktima, para sa karapatan ng mga babae, para sa pagkamatay nina Mayor at Governor. Iyong iba nagsasabing, hindi purket may itsura si Dojun ay dapat ng bigyan ng tiyansang makalaya. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa determinasyon nila o matatawa sa mismong nakalagay sa karatula. May nag poprotesta ding dapat na iluklok sa kulongan si Villafermosa kasama si Dojun habang-buhay.

Napaayos ako ng shades ko bago bumaba ng sasakyan. Halos mabingi ako nung sumalubong sa'kin ang iyakan at sigawan ng mga tao. Matutuwa ako kung artista ako kaya lang iyong sigaw at iyak nila puro paghihinagpis. Tunay na kalungkotan.

One of the security guide us, sumalubong din si investigator Asuncion at nag bigay ng malimit na salita sa'min habang sumisiksik kami sa umaalon na tao. Kasama ko si Attorney Froude dito sa likod nila papa at investigator Asuncion habang pinapalibotan kami ng mga police force na ang iba ay nag pipigil ng mga nagra-riot. Papasok na kami nang bigla kong marinig ang mga kataga ng isa sa mga protestante.

"Halatang may pinagsamahan na kayo ng mam*m*tay tao na 'yun!"

"Oo nga!" Segunda ng isa.

"Hindi naman imposible lalo na sa itsura niya! Marami kaming nagluluksa sa mga pinap*tay niya kaya siguraduhin mo lang na ipanalo mo ang boses ng mga kababaihan! Babae ka rin! Huwag mong pangunahan iyang kalandian mo kaya pagharian mo ang katapangan at hustisya namin!"

"Hustisya!"

"Hustisya! Hustisya! Hustisya!"

Napatalim ang mga mata ko sa ilalim ng shades ngunit agad kong isinawala bago kami tuloyang pumasok sa bahay hukoman.

Some unidentified staffs with various of papers on their hands, greet us with plenty of details. Hindi na ako nakinig at sinunod lang ang apak ni papa. Kinausap pa niya ako ng kaunti at ni attorney bago kami pumasok sa mismong kwarto ng hukoman. Pinakilala pa niya sa'kin ang isang kasama niyang apprentice na magsisilbing taga-abay niya sa buong hearing, pinakilala din nito ang kanyang legal team na ramdam ko ang matayog nilang pananalig sa batas.

"Thank you Ms. Gracino" pagkakamayan namin at tumugon naman siya.

Pinag-usapan pa namin ang mga bagay-bagay tungkol sa kasong ito. Hindi nagtagal ay pumasok na ang naka posas na si Villafermosa, napalingon kami roon. Pagkababa ko ng shades ay saka naman ang pag-intrada ni Dojun. Agarang naglakbay ang mga mata niya sa buong kwarto at nung mahanap ako ng mga mata niya ay bigla siyang napangiti at binigyan ako ng saludo saka sinenyasan akong kaya ko raw ito.

Natatawa akong napailing-iling. Sa tanang buhay ko siya lang 'yong kilalang suspek na chinecheer-up ang kabilang panig.

Iginiya sila sa kaliwang hilera. Pumasok sumunod ang mukhang attorney nilang lalaki na medyo bata pa tignan. Ayon nga lang kahit bata pa tignan matigas na ang paninindigan sa ngalan ng hustisya. Sumunod ang kasama niyang lalaki din kaya bahagyang napataas ang kilay ko.

Women vs men ba 'to? Babae kasi kami lahat at lalaki sila.

Hindi nagtagal matapos ang mahabang pag-aantay ay pumasok narin ng tuloyan ang isang maitim na babaeng naka robang itim din na may dalang files. Dumiretso siya sa patutungohan niya at dun nalaman na siya ang tagahatol.

Napalingon ako sa gawi nila Dojun na ngayon ay parang chill lang ang gago. Nilalaro pa 'yung labi sa bibig at parang bored na pinanood ang tagahatol. Ngunit pansin ko ang nanlalaking mata ni chief na nakatingin dun sa harapan.

When The Killer Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon