5

16 11 0
                                    

Dedicated to; Klay-klay26

C

HAPTER FIVE

Rhian's POV

"Jim get in the car!"

Sigaw ko sa sobrang pagkainip ko. Childhood bestfriend pala kung makapag usap parang ngayon lang sila nag kita.

At grabe ang ekspresyon ng babae. Nakakaawa. Para bang nagmamakaawa siya kay Jim. At parang may malaking nagawang mali si Jim sa kanya.

Bagsak balikat siyang umupo sa tabi ko. Tiningnan ko siya at parang ang lalim ng iniisip niya hanggang sa bigla nalang niyang pinatigil ang kotse at sinabeng hintayin ko nalang daw siya sa mall kaya sinunod ko na lang din.

I am standing behind the mall waiting for him. And as I looked back, I saw him walking towards me. I waved my hand and smiled a bit.

Mas lalo pang lumapad ang ngiti ko ng tuluyan na siyang makalapit sa'kin ngunit nawindang ang buong sistema ko ng bigla niya akong hinapit sa beywang at siniil ng halik.

Medyo tinulak ko siya dahil nasasaktan ako sa marahas niyang halik, at para bang sa halik na iyon niya binubuntong ang galit niya.

Kunot noo akong tumingin sa kanya ng maitulak ko siya at bahagya siyang napaatras.

"What's wrong?"

Mahinahon kong tanong.

"Pasensya na..."

Mahinang sambit nito at napabaling na kami sa babaeng umieskandalo sa may mall at nanggigigil na nakatingin sa amin at pinipigilan naman siya ng isang lalaki.

Hindi nalang namin ito pinansin at dumiretso na sa Airport.

Alas nuwebe na ng gabi ng makarating kami sa Resthouse namin dito sa Roxas.

Pagbaba palang sa kotse napapikit na ako at napalanghap ng masariwang mapait na hangin.

Ang puso ko'y parang hinahaplos sa sobrang ganda ng dagat. Idagdag mo pa ang dami ng nagkikinangang mga bituin at ang bilog na buwan. Ang tubig ay tila crystal dahil sa ilaw na nanggagaling sa buwan.

Napabuntong hininga ako at muling nilanghap ang hangin. Jim beside me was speechless. He said nothing and stared at the beach with his eyes full of amusement.

"Tara na?"

Aya ko at kumapit sa braso niya. Kaya naman napalingon siya sa akin at napabaling sa kamay kong nakahawak sa braso niya.

"We will stay here, for sure magsasawa ka rin diyan sa susunod na mga araw."

Natatawang sambit ko. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at hinila na papasok. We had our dinner and after that I headed first in my room. I'm so tired. I need rest.

Tomorrow I will tour Jim here so I really need to boost some energy. I lay in my bed and stared at the ceilling. I smiled without showing my teeth and held my cheeks.

It's my first time to feel this attraction to a guy. Alam ko parang baliw lang na sa loob ng mahigit isang linggo naming pagsasama'y sasabihin kong gusto ko na siya.

Summer ThingWhere stories live. Discover now