CHAPTER 12

4.3K 49 0
                                    

MAAGA AKONG gumising kinabukasan at nagtungo muna sa kusina para gumawa ng almusal namin ni Dalton.

I just cook a sunny side up egg and bacon,I also fry an fried rice.Nagtimpla na din ako ng kape at gatas.Pagkatapos ko ayusin ang lamesa ay saktong lumabas namin si Dalton na pupungas-pungas pa.Halatang bagong gising.

“Good morning,misis ko”he smiled at me before peck a kiss on my forehead and lips.

“Morning”tipid na sambit ko.Nagsimula kaming kumain ng hindi nag-iimikan.

“Papasok ka?”he asked after a minuteof silence.

“Hmm”I simply nodded.Kung inaakala n’ya na ayos na kami,nagkakamali s’ya.

Narinig ko naman na bumuntong-hininga s’ya “’wag ka munang pumasok”mahinang sambit n’ya kaya napabaling ako sa kanya bago ako nagpatuloy sa pagkain.

“Why?wala naman akong gagawin dito sa unit.Tsaka madami akong pasyente ngayon”balewalang sambit ko.

“But I promise to you yesterday that I will make it up to you.Hindi tayo nakapag-bonding kahapon”sambit n’ya.

“Madami akong pasyente,Dalton.Isipin mo ang mga tao na nangangailangan sa akin sa hospital.Tsaka and’yan naman si Izabella Ramos.Sa kanya ka nalang bumawi,tutal mukhang miss na miss mo naman s’ya”walang emosyon kong sambit at tumayo na.Nilagay ko ang pinagkainan ko sa lababo at nagtungo sa k’warto.may dadating naman mamayang maid para maglinis ng condo.

Naligo agad ako at nagbihis,I just simply wore an wrap beige skirt and white blouse,pinatungan ko lang din ito ng puting cardigan.

Bago ako lumabas ng k’warto hinanda ko na ang susuotin ni Dalton,isang itim na slacks,dark blue na blazer at itim din na long-sleeve.

Nakagawian ko na kasi na ako ang maghahanda at mag-aayos ng susuotin ni Dalton sa opisina.Kahit galit o inis ako sa kanya ay hindi ko nakakalimutan na ipaghanda s’ya ng damit na susuotin n’ya.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas matapos mag-ayos.Naliligo na si Dalton kaya hihintayin ko nalang s’ya sa sala.

After twenty-minutes lumabas na s’ya ng nakaayos.Sa kanya na ako sasabay dahil tinatamad akong maghintay ng taxi.

Habang naglalakad kaming dalawa patungo sa elevator ay nakasalubong namin ang mag-asawang Acosta.Ngayon ko nalang ulit nakita ang dalawang ito,hindi na kasi sila dito nakatira.Meron na silang bahay sa isang exclusive village.

“Bree”natutuwang sambit ko sa kanya.Malaki na ang t’yan n’ya na parang nakalunok ng pakwa.Sa bagay,twins ang pinagbubuntis n’ya.

“Anong ginagawa n’yo dito?”tanong ni Dalton sa mag-asawa.

“Nothing,na-miss lang namin kayo”si Bree ang sumagot at pinasadahan kaming dalawa ng tingin ni Dalton “papasok kayo?”malungkot na tanong nito.

“Ha?ah—hindi”agad kong iling.Alam ko na kung bakit nandito ang dalawa.

Naglilihi si Bree kaya paniguradong pumunta ito dito para makasama kami,isa pa namimiss na namin s’ya.

“Eh bakit naka-bihis kayo?”kunot-noong tanong nito.

“Ano,ahm—”

“We will just buy a grocery”putol ni Dalton sa sasabihin ko sana.Tumingin naman sa akin si Bree at naka-ngiti akong tumango.

TUMULOY MUNA sa unit namin ni Dalton ang mag-asawang Acosta,nandito pa naman ‘yung unit nila pero gusto kasi ni Bree na may kasama kaya dito sila sa unit namin.

“I will just chat the girls”paalam ko sa kanila at pumasok sa loob ng k’warto.

Kinuha ko ang laptop ko at umupo sa dulo ng kama bago nagtipa doon.

LION GIRLS🦁

Kiara:Girls,Bree is here!

Aaliyah:Yeah,she already texted us.

Cierra:Oo,ihahanda lang namin ‘yung terrace.Doon tayo kakain para makalanghap ng sariwang hangin ang buntis.

Michelle:Ows,I already miss that preggy woman🥺

Mara:Eh kung umuwi ka na kasi dito.Tsk!

Michelle:Hahaha,you are funny @Mara.Note the sarcasm please 😒

Mara:😂

Madeline:Miss ko na din si buntis.

I already bid my goodbye para tumulong sa kanila.Lumabas ako ng k’warto at nakita ko ang tatlo sa sofa.

“Pupunta lang ako kila Liyah.Sama ka?”tanong ko kay Bree.

“P’wede?”nagniningning ang mga mata n’ya kaya natawa ako.

“Oo naman”ngiti ko.Inalalayan ko ito papunta kila Aaliyah.Malaki na kasi talaga ang t’yan n’ya kaya baka mapano at ako pa ang masisi.”Kailan ka daw manganganak?”tanong ko.Hindi kasi ako ang OB ni Bree.Dahil bago pa ako maging ganap na doctor eh buntis na s’ya.

“Uhm,sa December pa”sagot nito kaya tumango ako.Seven months palang pala ang t’yan n’ya.

Nang makarating kami sa unit ni Aaliyah nandoon na ang lahat,maliban kila Michelle at Madie na MIA.

“Bree!”nangingiting salubong nila kay Bree at niyakap ito.Hindi nga lang ganun kahigpit at kalapit dahil sa t’yan n’ya,baka maipit pa.

“Upo ka muna doon Bree.Aayusin lang namin ang food natin”sambit ni Cierra.Pinaupo ko muna si Bree sa sofa bago ako tumulong sa kusina.

“Ang laki na ng t’yan n’ya ‘no? samantalang dati eh nagkakalabuan pa sila ni Kuya Maximo”natatawang sambit ni Aaliyah.Hindi naman lingid sa kaalaman naming lahat ang nangyari dati kay Bree at sa asawa nito.

“Oo nga eh,parang nakalunok ng pakwan”natatawang sambit ni Mara.

“Yup,I wonder what’s her baby’s gender”sambit ni Camilla.Hindi alam ni Camilla ang gender ng baby ni Bree dahil wala ito dito sa Pinas ng pahanon na iyon.

“She have a girl and a boy”sambit ni Mara.

“Oh really?”hindi makapaniwalang sambit ni Camilla kaya natawa kaming lahat.

After naming magluto dinala na namin ang pagkain sa terrace.Kanya-kanya namang tawag ang mga kaibigan ko sa mga nobyo nila dahil wala ang mga ito dito sa unit,nasa trabaho.

Ako naman ay nagtungo sa unit namin at tinawag na ang dalawang lalaki.Naabutan ko sila na seryosong nag-uusap.

“She is back”rinig kong sambit ni Maximo.Tumikhim ako para malaman nila na may iba pa silang kasama.

“Why,cupcake?”tanong ni Dalton.

“Kakain na”sagot ko pero ang atensyon ay na kay Maximo.

“Sige”tipid na ngiti nito at lumabas na ng unit.Akmang susunod na ako pero agad nahawakan ni Dalton ang braso ko at pinihit ako paharap sa kanya.

He was looking at me seriously,with his brows furrowed.

“Tell me,Kia.Anong problema mo?”seryosong tanong nito.

“Wala”taas-kilay na sagot ko kaya malakas itong napabungong-hininga.Napasinghap nalang ako ng isandal n’ya ako sa likod ng pinto na sarado.

Nilagay n’ya ang dalawang braso sa magkabilang-gilid ko,kinukulong ako sa matipuno n’yang katawan.

“Cupcake….”he trailed and took a deep breath “kahapon mo pa sinasabi sa akin na walang problema.Pero ilag ka naman sa akin”sambit nito.

“Problema mo na ‘yan.Basta wala akong problema”mataray na sambit ko at tinaasan ko ito ng kilay ng makita ang inis sa mukha n’ya.

“You know how much I hate silent treatment for you,right?”he asked and I just nod.

Bahala s’ya sa buhay n’ya,naiinis at nagagalit ako kaya wala akong pakialam kung ano n’ya sa silent treatment.Problema ko pa ba ‘yun? Samantalang  s’ya yung may kasalanan.

“Then why?”he ask “from yesterday up to now you are just silent.You never talk to me”sambit n’ya.

“Kung naiinis ka dahil sa ginawa ko doon sa elevator.Okay fine,sorry.Kakausapin ko si Cooper na ipapaayos ko nalang iyon,but please misis ko.Kausapin mo naman ako”pagsusumamo nito at ramdam ko ang init sa magkabilang pisngi ko ng ipaalala na naman n’ya ang nangyari sa elevator kagabi.

He was about to kiss me ng iiwas ko ang mukha ko sa kanya.Nang tignan ko naman s’ya mas lalong nagsalubong ang kilay n’ya.

“What?”inis na tanong nito.

“I was still annoyed to you”sagot ko at umalis sa harap n’ya.

“Misis—”

“Don’t call me that”putol ko sa kanya.

“Ano?”naguguluhan n’yang tanong.

“Umalis ka na.Alam ko naman na kikitain mo ngayon ‘yung kaibigan mo”pagbibigay diin ko sa dalawang huling salitang sinabi ko.Isa pa iyon sa kinaiinis ko.

Hindi naman sa tsismosa ako pero nahagip lang naman ng mata ko kanina naka-text n’ya si Izabella Ramos at magkikita daw sila.

“W-what?”nauutal na tanong n’ya.

“Don’t act like a fool and don’t  make me stupid,Dalton.Hindi ako pinanganak kahapon lang para lokohin mo ako”walang emosyon kong sambit sa kanya “kung gusto mong makipaghiwalay sa akin,sabihin mo.Hindi ‘yung hihintayin o malalaman ko nalang isang araw na wala na pala akong karapatan sa’yo.P’wede mo akong kausapin,p’wede”dagdag ko bago ako tumalikod at nagtungo sa k’warto namin.

Nilock ko muna ang pinto bago ako umupo sa kama.Napahilamos ako ng kamay sa mukha.Hindi ko alam kung bakit nagiging ganito ako.Alam ko namang kaibigan n’ya iyon,but the fact that his friend was a girl was annoying.

The fact will still remain,na kung sino man ang makakakita sa kanila ay mapagkakamalan na sila dahil babae ang kaibigan ni Dalton.Masyado akong kinakain ng selos dahil sa kaalaman na iyon,at galit dahil sa sulat at litrato na nabasa at nakita ko.

Masyadong akong nasaktan ng gabing iyon kaya ganito ang reaksyon ko sa lahat ng bagay at ganito ang trato ko kay Dalton.

I immediately get my phone when it vibrate,I immediately answered it when I saw who is calling.

Tita Diane calling…

“Tita”salubong ko sa kanya ng sagutin ko ang tawag.

“Hija”ramdam ko ang galak sa boses n’ya kaya napa-ngiti ako.

“Bakit po?”tanong ko.

“Nothing,nangangamusta lang”sagot nito kaya napatango ako kahit wala namab s’ya sa harap ko.”Anyway,I call you talaga to ask you kung kailan n’yo pala ni Dalton ang pumunta sa province n’yo.Namimiss ko na kasi doon”dagdag n’ya.

Nakapunta na kasi si Dalton sa amin noon,kasama ang mga Madrigal.Kahit sila Madie at Dexton.Paniguradong namimiss na ni tita ang sariwang hangin sa probinsya.

Ahm,siguro po kung kailan kayo available.Kakausapin ko po si Dalton at tatanungin kung kailan din s’ya available tsaka namin pag-uusapin kung kailan po tayo aalis”sambit ko.Hindi naman gaano ka-busy sa ospital ,isa pa meron namang ibang OB doon.

“Great”rinig ko pa itong pumalakpak “sabihin mo si Dalton and I just hope that we will go there before the month ends”sambit n’ya.Ilang minuto pa kami nag-usap bago ako magpaalam dahil tumatawag sa akin si Liyah.

Aaliyah calling…

“Yes?”bungad ko ng sagutin ko ang tawag n’ya.

“Halika na dito kakain na.Nandito na din ‘yung jowa mo”sambit nito at agad pinatay ang tawag.

“Bastos”bulong ko sa hangin bago ako lumabas ng k’warto at unit.Nakita ko silang lahat sa terrace.Kahit ‘yung mga lalaki ay nandito na.

Nang makita ako ni Dalton ay pinaghila n’ya ako ng upuan kaya umupo ako,baka mahalata pa nila na nag-aaway kami o ‘di kaya ay ilag ako sa kanya.Nandito pa naman si Cooper,Ashton at Maximo,baka masapak pa si Dalton.

We started eating,si Dalton ay panay naman ang lagay ng pagkain sa plato ko kaya mahina akong bumuntong-hininga at tinignan s’ya.

“Kaya ko na.Kumain ka na”mariing sambit ko kaya tumango s’ya at nagsimula na din kumain.

Kumakain kaming lahat habang nagku-kwentuhan,matapos naming kumain ay nag-inuman naman ang mga kalalakihan.

“Hey,maaga pa”saway sa kanila ni Liyah ng magpaalam sila na pupunta sa tindahan nila Leigh.

It was 3:00 in the afternoon.

“Hayaan mo na Liyah.Maaga din kaming uuwi ni Maximo mamaya”ngiti ni Bree kay Liyah na wala nang nagawa.

Umalis na sila Dalton para pumunta sa tindahan nila Leigh.

“Sasama ako”paalam ni Dalton sa akin.

“Go ahead.’Wag ka lang masyadong magpakalasing”sambit ko.

“Okay”he said and peck a kiss on my lips and forehead before he followed his friends.

“Nag-away kayo?”napabaling ako sa likod ko ng marinig na nagsalita si Mara.

“Huh?”maang ko.

“Come on,Kia.Kanina ko pa kayo napapansin na hindi nagpapansinan.Anong nangyari?”tanong nito.

“Hindi kami nag-away.Wala lang talaga ako sa mood na makausap s’ya”sambit ko.

“Kia,kilala kita at kilala ko din si Dalton.Hindi ‘yan makakatagal ng hindi ka kinakausap.And base on his face,I think you gave him a silent treatment,am I right?”she ask and I nodded.”So tell me,what happened?”pagpupumilit n’ya pero umiling ako.

Alam ko naman na kaibigan ko sila at mapagkakatiwalaan,pero ayaw kong ikwento sa kanila ang nakita at nabasa ko kahapon.

“Wala”simpleng sagot ko.

Bumuntong-hininga naman ito“If you say so”kibit nito at tiningnan ako ng matagal bago umalis.

Hindi ko p’wede o hindi pa ako handang magkwento kila Mara.Masyado pa akong nasasaktan ng makita iyon.

Ni hindi nga sinabi ni Dalton sa akin ang tungkol sa bagay na iyon,he never tell me about his exes.Ni hindi ko nga alam na meron s’yang girlfriend na paniguradong mahal na mahal n’ya dahil hindi s’ya katulad ng iba na parang open book sa mga karelasyon n’ya.

I know that he was honest on me.Pero parang napaka-importante ng bagay na iyon para sa kanya dahil hindi n’ya sa akin sinasabi.

Kahit nga ‘yung makikipag-kita s’ya kay Izabella Ramos ay hindi n’ya kinuwento sa akin kung anong nangyari.Kung anong ginawa nila.If he have sex with her or what.

Nang araw nga na iyon ay hindi s’ya nagpaalam sa akin na makikipagkita s’ya dito kaya nasasaktan ako ng sobra at nagseselos dahil pakiramdam ko ay hindi ako ganun kaimportante sa kanya para hindi n’ya sabihin sa akin ang bagay na iyon.Sabihin sa akin na makikipagkita s’ya sa kaibigan n’ya na babae.

Masyado lang akong nasasaktan pero alam ko naman na darating ang araw na papansinin ko din si Dalton,pero hindi muna ngayon dahil masakit pa at galit ako sa kanya.

                           ★★★★★

A/N:KAYO FAIRIES,TO THOSE WHO HAVE IN A RELATIONSHIP AND SINGLE.WHAT DO YOU PREFER?

A PARTNER WHO IS LIKE AN OPEN BOOK TO YOU?OR A PARTNER THAT IS ALWAYS SECRETIVE TO YOU?

Billionaire 4:Dalton MadrigalWhere stories live. Discover now