CHAPTER 10

4.7K 55 0
                                    

DAHIL WALA namang akong magawa sa condo ay nilinisan ko nalang ang buong condo unit kahit wala naman masyadong dumi dahul every week ay may pumupuntang maid dito para maglinis.

Pagkatapos ko linisan ang bawat sulok ng unit ay doon naman ako nag-linis sa k’warto namin ni Dalton.I even clean the closet kahit malinis naman ito at walang kahit anong dumi.

‘Yung mga damit naming dalawa ni Dalton na tapos ng labhan ay tinupi ko na at nilagay sa kanya-kanyang cabinet.

May sarili kaming space sa closet ni Dalton,’yung dress ko ay naka-properly arrange,mula sa mahahaba at maiiksi,patungo sa pare-parehas na kulay,’yung coat naman ni Dalton ay ganun din,naka-properly arrange,pare-parehas na magkakasama,’yung mga damit namin sa trabaho ay naka-ayos din sa pagsasalansan,kahit ‘yung mga damit lang namin pambahay.

Nang matapos na sana akong maglinis at lalabas na sa closet ay nahagip ng mata ko ang isang drawer sa closet area ni Dalton.Tinignan ko iyon dahil baka meron akong maitatapon dahil mukha nang puno,hindi na kasi maayos ang pagkakasara ng drawer.

And knowing Dalton,neat man s’ya sa mga gamit pero nasobrahan na ultimo ‘yung mga papeles na hindi na naman n’ya kailangan ay iniipon pa din n’ya.Hindi ko alam kung anong trip n’ya at kinokolekta pa n’ya iyon,plano atang mangalakal.

Kumunot ang noo ko ng makita ang isang picture frame pagbukas ko nito.Nakatalikod ito kaya hindi ko makita kung anong laman.

Nang kunin ko at iharap ay mas lalong kumunot ang noo ko at parang may kumurot sa puso ko ng makita kung anong laman niyon.

It was Dalton and a girl,Dalton was hugging the girl from the back and the girls arm was on Dalton’s  arm whose snake around the girls stomach.Parehas na malawak na naka-ngiti.

Habang naka-tingin sa litrato ay para akong unti-unting dinudurog,hindi ko na namalayan ang mga luhang naglalandas sa pisngi ko.

May nakita akong papel sa drawer,nakatiklop ito kaya kinuha ko.

Dear mahal ko,

Kamusta ka na d’yan?alam mo ba na malapit ng i-transfer ni dad sa pangalan ko ang kompanya namin.Sobrang saya ko dahil sa wakas mahahawakan ko na ang kompanya namin.

‘Di bale,kapag mas napalago ko pa ang kompanya ay papauwiin na kita dito sa Pilipinas,dito ka nalang mag-trabaho.O ‘di kaya ay p’wedeng hindi ka na magtrabaho dahil kaya naman kitang buhayin.

And our dreams,na magkakaroon tayo ng anak.Kahit ilan ang gustuhin mo handa ako,magta-trabaho ako ng mabuti para sa mga future anak natin.But for me,gusto ko ng sampung anak,kaya mo ba mahal ko?

Anyway,I just want to tell you I love you.Siguro mahal ko ito na ang last na letter ko for now kasi masyado na akong mabi-busy sa kompanya.But always remember that I love you.

Nagmamahal,Dalton

Napahagulgol na ako matapos mabasa ang sulat.Hindi ko alam kung sino ang babaeng ito,pero na-iingit ako sa kanya,dahil kahit man lang sa sulat nasasabihan s’ya ni Dalton ng I love you.

Samantalang kami na tatlong taon ng magkarelasyon ay hindi,ni kahit isang ‘mahal kita,Kiara’ ay wala.For those three years that we are together he never say to me that he loves me.

He was giving me mixed signals,but never say to me ‘I love you’,tatlong taon.Tatlong taon na akong naghihintay para sa I love you n’ya,pero wala.

NAKATULUGAN KO ang pag-iyak dahil sa sulat at litrato.Niligpit ko muna iyong mga nakita ko bago ako nahiga sa kama at umiyak ng umiyak.At dahil na rin siguro sa pagod ay nakatulog ako.

Billionaire 4:Dalton MadrigalWhere stories live. Discover now