CHAPTER 2

5.5K 80 0
                                    

“KIA,what are you doing?”napabaling ako sa nagsalita sa likod ko.Pagtingin ko si Mrs.Madrigal pala.Nagma-mop kasi ako ng sahig dahil wala naman akong gagawin ngayon,tsaka mamaya ay aalis kami ni Dalton para doon naman ako sa condo n’ya.

“Naglilinis po mam”sagot ko.

Bumuntong-hininga naman s’ya “hija,how many times do I have to tell you that you don’t need to clean the house?and you always call me mam,nagtatampo na ako sa’yo”naka-simangot na sabi ni Mrs.Madrigal.

Mahina naman akong bumuntong-hininga bago ngumiti sa kanya “ma-m-mommy,ayos lang naman po na mag-mop ako kasi wala naman po akong ginagawa at tsaka sanay naman po ako sa ganitong gawain”magalang kong sambit sa kanya.At nakita ko pa ang pag-aliwalas ng mukha n’ya.

“Ayan,just call me mommy.At mabalik tayo,Kia hija,gusto ko mag-aral ka at hindi maglinis ng bahay”malumanay na sambit n’ya “tsaka nakapag-enroll ka na ba?”tanong n’ya.

Umiling naman ako “sabi po nila Cierra doon daw po ako mag-aaral sa university ng kakilala nila.Kaibigan po ata nila sir Dalton iyon”sagot ko.

“Oh”she nodded as if she already know what I want to tell her.”Yeah,maganda nga ang university na iyon.Balita ko next month ay enrollan na.Mag-enroll ka na doon and tell me the expenses para mabayaran namin,okay?”

“Pero—”

“Kia dear,Aaliyah already told me na napagkasunduan n’yo na paghahatian n’yo ang tuition mo doon.And my answer was no,ako ang magbabayad ng lahat,’yong pera mo ay ipunin mo nalang for your future”pagputol ni Mrs.Madrigal sa sasabihin ko.

“Pero naka—”

“No buts hija,ako ang magbabayad”pagputol n’ya muli.Wala na akong nagawa kundi ang umoo,mukhang hindi n’ya kasi ako titigilan kapag humindi ako.

SUMAPIT ANG dinner at tumutulong ako kila manang sa pag-aayos ng hapag.Maya-maya lang ay nagsidatingan na ang mag-asawang Madrigal,si Dexton kapatid ni Dalton,and Dalton himself.

“Hija,join us”alok ni Mr.Madrigal.

“Hin—”

“Join us,Kia”pagputol ni Mrs.Madrigak sa sagot ko.Wala na akong nagawa kundi ang umupo sa tabi ni Dalton,sa tabi n’ya kasi ang may bakante, although twelve seaters and dinning area.Nakakahiya naman kung lalayo ako sa kanila baka sabihing napaka-arte ko.

Katabi kasi ni Mrs.Madrigal si Dexton,si Mr.Madrigal naman ay nasa punong upuan,sa kaliwa n’ya si Dalton at katabi ako.

Nagsimula na kaming kumain,at sila naman ay nag-uusap tungkol sa mga business nila.Kahit magkapatid kasi si Dalton at Dexton ay may kanya-kanya silang negosyong pinapatakbo,sa pagkakaalam ko ay high-tech gadgets kay Dexton at si Dalton naman ay sa mga gasoline.’Yun talaga ang negosyo ng Madrigal ang mga gasolina,kaya ng magritiro si Mr.Madrigal ay si Dalton na ang humawak ng negosyo nila.

“Anyway mom,hihiram muna ako ng maid para linisin ang condo ko”sambit ni Dalton.Kumunot naman ang noo ko.

‘Bakit pa s’ya hahanap ng ibang maid?nandoon naman ako’tanong ko sa isip ko.

“Nandoon naman po—”

“You are coming with me but you are not the one who will clean my condo”pagputol ni Dalton sa sasabihin ko.

“O-okay”nauutal na sambit ko.

“Hmm,nangangamoy round”natatawang sambit ni Dexton.

“Dexton”saway sa kanya ni Mrs.Madrigal dahilan para tumawa ang huli.

Pagkatapos naming mag-dinner ay nag-aya na si Dalton na umalis patungo sa condo n’ya.Kaming dalawa lang dahil ‘yung maid na sinasabi n’ya ay susunod nalang sa amin bukas.

“Magpahinga ka na”seryosong sambit ni Dalton ng makarating kami kaya tumango ako at nagtungo na sa k’warto ko.

Agad akong naligo at nagbihis pagkatapos ay natulog na din ako.Pagod ako sa b’yahe kanina,malayo kasi ang mans’yon dito sa condo ni Dalton kaya matagal ang b’yahe naming dalawa.

PAGGISING ko kinabukasan ay wala na si Dalton at tanging maid nalang na kinuha n’ya sa mans’yon ang kasama ko sa condo n’ya.

“Tulungan na kita”ngiti ko sa maid.

“Naku ‘wag na po”tanggi nito.Nagma-mop s’ya ng sahig.Medyo madumi ngayon sa condo kasi halos isang linggo ng hindi nauuwian.Hindi kasi ako nakapunta dito noong nakaraang weekend dahil busy si Dalton eh sa kanya ako sumasabay.

“Ayos lang”ngiti ko at wala na s’yang nagawa ng tulungan ko na s’ya sa paglilinis.Isang oras din kaming naglinis bago matapos,tinulungan ko na din s’yang magluto ng lunch ko,niyaya ko kaya pang-dalawahan ang niluto namin.Nakakalungkot kasi kapag mag-isa ka lang kumakain.

Doon kasi sa mans’yon ay sumasabay ako sa mag-asawang Madrigal mag-lunch,tapos dinner kasama na namin ang kambal nila.Si Dexton at Dalton.

WHEN DINNER came the maid already  leave,kaya ako nalang mag-isa ang nagluto ng dinner namin ni Dalton.

Saktong 8:00 p.m. ng matapos akong magluto at oras ng pagdating n’ya,I immediately get his suitcase and put ut down on the center table in the sala.

“What’s our dinner?”tanong n’ya ng maglakad kami patungo sa kusina.

“I just cooked a beef steak”sagot ko.

“Hmm nice”sambit n’ya at bakas sa tono ng pananalita n’ya ang pagod.Madami na naman siguro s’yang trabaho ngayon,sa bagay hindi nauubusan ng trabaho ang isang ‘to.Kahit nga siguro hindi n’ya s’ya pumasok eh may pera pa din s’ya.

We started eating in silence until he broke it with a question.

“Did Cierra or some of your friends already tour you to the one of my friends university?”tanong n’ya.

“Ay hindi pa”sagot ko.

“Hmm,next week na ang enrollment.Magpasama ka kila Cierra para makapag-enroll ka.I can’t accompany you there because I’m busy”sambit nito.Oo nga pala,katapusan na pala ngayon ng buwan at next week na ang enrollan.

“Sige bukas sasabihin ko sila Cierra na samahan ako doon”ani ko at tumango naman s’ya.

Matapos naming kumain ay agad din s’yang nagpaalam na magpapahinga na,ako naman ay hinugasan ang pinagkainan namin.Nang matapos ay nagtungo na ako sa silid ko at naligo bago humiga sa kama at chinat ang mga kaibigan ko.

LION GIRLS 🦁

Kiara:Uhm guys,p’wede n’yo ba akong samahan doon sa university na sinasabi n’yo bukas?

Madeline:Hmm,hindi ko alam iyon pero sasama ako😂

Camilla:Me too also,I don’t really have an idea who’s  that owner of university you are looking for but sasama ko.

Bree:Sige,magpapaalam ako sa boss ko.Magha-half day ako para masamahan kita.

Cierra:🙋‍♀️ sasama din ako.

Aaliyah:(2)

Mara:Girls,raise your hand who are willing to accompany Kiara and others tomorrow.

Michelle:🙋‍♀️

Mara:Ay konti lang pala tayo😂

Cierra:Lutang much @Mara😂

The chat continue,nag-offline na ako dahil maaga pa akong gigising bukas dahil ako ang magluluto ng breakfast ni Dalton at mag-aayos ng gamit n’ya.After all I’m his maid.Nothing to complain with that.

KINABUKASAN AY simpleng breakfast lang ang niluto ko para sa aming dalawa ni Dalton,sasabay kasi ako sa kanya.Kaya lang doon ako sa coffee shop ni Cierra.

Ngayon kasi napagdesisyunan naming pumunta doon sa university na tinutukoy nila.Bale walo kaming lahat na nagtungo sa university na iyon.

The university looks luxurious.From the parking lot to the entrance of the gate,sa itsura palang mahahalata mo na na mayayaman lang ang may kakayahan na pumasok dito.

The gate was made from a steel but it looks like gold because of its color.Pagpasok palang namin ay agad na bumungad sa paningin ko ang marble pathway.Sa gilid ng mga pathways ay garden lights.

May guard din sa magkabilang gilid ng gate,sa labas at loob iyon.They will check your bags.At sabi ni Cierra hindi ka daw p’wedeng pumasok kapag wala kang id at hindi ka nakasuot ng proper attiere which is the universities school uniform.

All the buildings inside the school was all contain 4 floors.Kahit mga school building ay maghuhumiyaw sa presyo.

Nagtungo kami sa isang office,not the principal’s office but the owners office.

Pagkarating namin doon agad naming nakita ang isang babae “yes mam’s how may I help you?”she politely asked us.

“Uhm,nand’yan ba si Xander?”tanong ni Liyah.

“Yes mam,may appointment po ba kayo?”the girl asked.

“Wala eh,but just tell that someone was waiting him outside”sambit ni Liyah.

Agad namang tumalima ang babae at maya-maya lang ay lumabas ang babae kasunod ang isang matangkad at gwapong lalaki.He can surpass as a model because of his height.

“Who’s looking—“he was about to ask but when his eyes diverted to Liyah and Cierra’s  direction he immediately smiled “girls”ngiti nito at niyakap sila Cierra,Liyah,Bree at Mara.

Mukhang kilala n’ya ang apat,pinapasok n’ya kaming lahat sa opisina n’ya.Umupo kami sa sofa na nandoon sa loob samantalang s’ya ay sa pang-isahang sofa.

“So, what’s  brings you here,ladies?”tanong n’ya.

“Eh kasi kuya Xander,our friend here wants to study so we recommend your university tutal maganda naman dito”sagot ni Cierra.

“And we accompany her so she can enroll now”dagdag ni Liyah.

“Great,right choice of university”ngiti nito “who will be the student?”tanong nito at tinuro ako ni Bree.”What’s your name?”tanong nito sa akin.

“Kiara Alajar po”sagot ko at binigyan s’ya ng matamis na ngiti.Mukha namang mabait,pero mukha ding katulad ng kambal na Madrigal.Babaero.

“K-Kiara Alajar?the girl of Dalton?”hindi makapaniwalang tanong nito.Sasagot na sana ako kaya lang naunahan na ako ni Michelle.

“S’ya nga,kaya lang mahina ‘yung kaibigan n’yo kaya wala pang improvement.Ito naman masyadong inosente kaya walang improvement din”natatawang sagot ni Michelle at nagtawanan naman sila.

Kumunot nalang ang noo ko,wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila.Pero totoo naman ang sinasabi ni Michelle,masyado akong inosente,hindi nila ako katulad.

Eh wala naman kasi sa amin ang cellphone kaya noong unang beses ko magkaroon ng ganun ay nangangapa pa ako.Kahit ‘yung mga salita na hindi ko masyadong alam eh sa mga kaibigan ko lang din nalalaman.

“Tsk”the guy named Xander tsked.Ngayon ko lang nalaman na katulad din s’ya ni Dexton,happy go lucky.”Anyway,Madrigal already called and he enrolled you so wala ka ng ibang gagawin kundi ang maghanda nalang sa pasukan.And the uniform was personally made by Dalton’s tailor dahil masyado daw maiksi ang skirt at ‘yung blouse eh hapit sa katawan ng estudyante.Kaya s’ya na magpapagawa”mahabang lintaya nito.

“Pero—”

“No worries,pumayag na ako baka magwala pa ang gago kapag nakita ka na suot ang uniform ng school.Tsaka may karapatan s’ya dahil bukod sa investor s’ya eh kaibigan ko s’ya kaya magpasalamat s’ya”natatawang putol nito.Wala na akong nagawa kundi ang pumayag.

Pero unfair lang kasi iba ang magiging uniform ko sa mga classmates ko.Pero ‘di bale,kakausapin ko nalang si Dalton na iyong skirt at blouse nalang ng school ang gagamitin ko.Hindi din naman s’ya ang papasok at gagamit,ako.

PAGKATAPOS namin doon agad din akong umuwi,pagkarating ko palang sa condo ay naglinis na agad ako ng katawan at nagbihis ng cotton short at baby pink na t-shirt.Hinayaan ko na ding nakalugay ang buhok ko para matuyo.

Although meron namang blower pero hindi ako gumagamit noon dahil wala naman iyon sa amin,tsaka mas sanay ako na mano-mano kung papatuyuin ang buhok ko.

Nagluto ako ng caldereta at sinigang sa miso,nagsaing na din ako at pagkatapos ay inayos ko na ang hapag kainan.

Saktong alas-otso ng dumating si Dalton,nagpaalam muna s’ya sa akin na maliligo muna kaya tumango nalang ako.Pagkatapos n’yang maligo kumain na din kami.

Habang kumakain ay nagtanong s’ya sa akin “how was the university?”tanong n’ya.

“Ayos naman”sagot ko “pero p’wede bang—”

“My answer is no,the skirt of the university was to short that can now see your undergarments,’yung blouse naman…masyadong hapit”pagputol n’ya agad sa sasabihin ko.Mukhang alam n’ya ang tinutukoy ko.

“P-pero—”

“Shut it Kia,walang mangyayari sa sagot ko.Tumahimik ka na kung ayaw mong labi ko ang mismong magpapatahimik sa’yo”muli n’yang pagputol kaya napalunok at tumahimik nalang.Mukhang hindi ko na mababago ang desisyon n’ya.”And by the way,about your enrollment siguro naman nasabi na sayo ni Xander”

“Yeah”tango ko.Wala na daw akong iintidihin sa tuition fee dahil ang mga Madrigal na daw ang bahala doon.Kaya ayun,tuwang-tuwa ang mga kaibigan ko dahil hindi ko na daw kailangan magbayad dahil meron na naman daw ibang magbabayad ng tuition ko.”Pero babayaran ko kayo”sambit ko.

Kunot-noo naman n’ya akong tinignan “why bothered?”tanong n’ya.

“Nakakahiya kasi si—Dalton.Tsaka baka isipin n’yo pa na mukha akong pera dahil kayo ang—“nanlaki ang mga mata ko ng maputol ang anumang sasabihin ko.

He cut my words by kissing me on my lips.He was quick to move to reach my lips,nakaupo pa din s’ya pero ang lapit ng mukha n’ya sa akin dahil sa halik na ginagawad n’ya sa akin.

Pinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang tamis ng labi n’ya at kung gaano s’ya kasarap humalik.Ito ang unang beses na nahalikan ako dahil mula naman noon ay hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend at wala akong hinahayaan na kung sino man ang humalik nalang sa akin.

Pero iba si Dalton,iba din ang nararamdaman ko ngayon.It was new for me,I can’t recognize what I’m  feeling but I choose to close my eyes to savorn the new feeling that Dalton brought to me.

                         ★★★★★

A/N: PASENSYA NA KAYO KUNG MEDYO MATAGAL ANG UD KO,NAWAWALAN KASI AKO NG UTAK😂.CHAROT,MEDYO HINDI KO LANG KASI FEEL NA MAGSULAT MUNA KAYA TUMAGAL ANG UPDATE KO.
PERO TRY KO KUNG MAKAKAPAG-UPDATE AKO ARAW-ARAW.

And follow me on Instagram and Twitter fairies.

Instagram:Fairy Aloe

Twitter:Fairy Aloe

Thanks!

Billionaire 4:Dalton MadrigalWhere stories live. Discover now