CHAPTER 13

4.3K 52 3
                                    

Finally!after 12 chapters nagawan ko na din si Dalton ng POV n’ya.Although nagawan ko na naman at noon,hay ewan.Basta masaya lang ako na mukhang masasakop ng POV ni Dalton ang kalahati ng chapter na ito.

                           ★★★★★

“MAY PROBLEMA kayo?”napabaling ang tingin ko kay Cooper ng tanungin n’ya ako.Nasa tindahan kami nila Leigh at nag-iinuman.Ngayon nalang kasi kami mag-iinuman na kumpleto.Although,kulang kami kasi wala si Brian pero at least nandito si Maximo,nakasama na naman namin si Brian noong birthday ni Asher kaya ngayon si Maximo muna.

“What?”maang ko.Alam ko kung ano ang tinutukoy n’ya pero gusto ko mismo sa labi n’ya iyon manggagaling.

“Kanina ko pa kayo napapansin ni Kiara.She never talk or even glance at to you.Is there any problem between the two of you?”seryosong tanong n’ya.

“Wala”iling ko.Alam kong may problema kaming dalawa,pero hindi ko alam ang dahilan n’ya.

Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pag-alis ko na hindi nagpapaalam sa kanya o ano.

“Kilala kita Madrigal kahit si Kia.Pero kahit kaibigan kita at matagal na tayong magkakilala,hindi kita sasantuhin oras na saktan mo si Kiara”seryosong banta nito kaya lihim akong napalunok.Ganito din naman ako kaseryoso sa buhay at ayaw kong masaktan ang mga babaeng kaibigan ni Kiara dahil parang mga kapatid ko na iyon.

Pero mas nakakatakot si Cooper dahil kung gaano ako ka-over protective sa mga kaibigan ni Kia eh triple naman si Cooper.Na kahit mismo kaibigan n’ya eh hindi n’ya sasantuhin.Walang kai-kaibigan sa kanya oras na masaktan sila Kia.

“Walang kaming problema.Mis-understandin lang ito”sambit ko.

“Problema nga,tsk”iling nito.

“Hoy,ang aga-aga napaka-ingay n’yo”parehas kaming napabaling ni Cooper sa sumigaw.It was Leigh at sinusungitan ang iba naming kaibigan na parang kiti-kiti.

“Leigh,my love”ngiti ni River dito.

“My love mo mukha mo!”singhal nito.

“Leigh ganda,hapon na”sambit ni Asher.

“At paki ko,napak-iingay n’yo!”taas kilay na sambit nito.

“Tsk,tsk,tsk.Laging nakasigaw”iling ni River dito.

“Alam mo Ilog Trinidad kahit sinong tao na makakaharap ka eh sasakit ang ulo dahil sa kakulitan n’yong lahat!”singhal nito kaya mahina akong natawa.Naiiling na pumasok sa loob ng tindahan si Leigh.

“Gusto mo ba si Leigh,Trinidad?”natatawang inakbayan ni Asher si River.

“Hmm”he nod “she was a badass.Malay mo may future kami”natatawang dagdag ni River kaya napailing nalang ako.Napaka-babaero talaga.

Nagpatuloy kami sa pag-iinuman at ‘yung iba ay nagvi-videoke na.

“Hoy hoy hoy,mga babae.Meron nv jowa ang mga ‘yan,kaya layuan n’yo!”napabaling kami kay Leigh ng muli itong magsalita.She was talking to the girls who is ogling to us.

“Eto naman si Mareng Leigh parang others.Titingin lang naman”sambit ng isang babae na sa palagay ko ay kanina pa ang tingin kay Asher na wala namang pakialam dahil busy sa kakakanta.

Leigh’s sari-sari store was located to a village.Kaya dito sila nagtitinda dahil madaming mga mayayaman o mga nakatira.

Dito din sa village na ‘to nakatira sila Maximo kaya mabilis lang silang nakarating ni Bree sa condo building kanina.

At hindi na ako magtataka kung maya-maya lang ay may kapit-bahay nang lalabas sa mga bahay nila at irereklamo kila Leigh na ang ingay ng tindahan nila.Layo-layo naman ang bahay,pero sadyang malalakas lang talaga ang bunganga ng mga kaibigan ko.

“Hoy babaeng mukhang clown,una sa lahat ‘wag mo akong tawaging mare dahil hindi tayo close,pangalawa others talaga tayo dahil ikaw mukhang clown ako mukhang VS model at pangatlo.Uulitin ko baka sakaling tumahimik ‘yang pepe sa kakalandi…may girlfriend na ang mga mokong na iyan!”singhal nito at sadyang binigyan diin ang mga huling salita.

Ewan ko ba sa babaeng ito kung bakit napaka-talakesa ng bunganga,hindi naman ganun ‘yung nanay n’ya.

“Hoy hindi ako clown!”sigaw ng babae kay Leigh.

“Tanga,hindi ko naman sinabi na clown ka ang sabi ko mukha kang clown.Know the difference between that two”irap ni Leigh dito kaya napailing nalang ako.Hindi talaga nagpapatalo.”At teka,para sa peace of mind mo,ako na ang magpapaliwanag sa iyo ang ibig sabihin ng dalawang iyon”dagdag ni Leigh at nilapitan ang babae.

“Ang ibig sabihin ng mukha kang clown ay p’wede ng ihalintulad ‘yang mukha mo sa clown dahil sa kolorete mo sa mukha.At ‘yung sinabi mo naman na clown eh sa bibig mo nagsabi na isa kang clown”kibit-balikat nito.Nakita ko naman ang mukha ng babae na namumula na sa inis.

“Sinasabi mo bang bobo ako kaya mo pinapaliwanag ang ibig sabihin no’n?”singhal ng babae.

“Oo na hindi”balewalang sambit nito “umalis ka na nga.Baka ipalapa pa kita sa aso namin—ay kaya lang ayaw no’n lumapa ng babae karengkeng at higad.Allergic kasi s’ya”natatawang sambit nito at ‘yung babae naman ay umalis na.

Umalis din si Leigh at nagpatuloy kami ng mga kaibigan ko na parang walang nangyari.

It almost 6:30 p.m. ng mapansin namin na dumadami na ang iniinom namin at si Maximo ay naalala ang buntis n’yang asawa.

“Mauuna na ako sa inyo mga kaibigan”paalam ni Maximo kaya tumango nalang kami.Umalis na s’ya para puntahan ang asawa sa condo.

Ako naman ay kinuha ang phone sa bulsa ng pantalon at tinignan kung may message.

Karamihan doon ay secretary ko na sinasabing may mga important meetings akong kailangan attendan bukas.

Pero hindi iyon ang hinahanap ko,kung hindi text ng misis ko.Wala s’yang isang text o miss calls.

‘Galit nga’sambit ko sa isip ko.

To:Misis ko

Kumain ka na ba,misis ko?

Hinintay ko na mag-text si Kiara pero wala,minuto na ang lumilipas ay hindi pa rin s’ya sumasagot.

To:Misis ko

I will just finish drinking with this men’s and I will go home.

To:Misis ko

I already miss you,cupcake😘

“That’s gross”napabaling ang tingin ko sa nagsalita sa likuran ko.And it’s none other than Ilog.

Napapailing na tinago ko ang cellphone sa bulsa ko bago ako muling uminom.Tinignan ko ang mga kaibigan ko,ang iba umiinom at ang iba nasa videoke at kumakanta.

“Cheers for the broken man!”sigaw ng mga siraulo kong kaibigan at nag-toast ng bote ng alak.

“Sinong broken-hearted?”tanong ni Dexton.

“Ikaw”natatawang sagot nila Asher kaya binigyan sila ng matalim na tingin ni Dexton.

“Fuck you”mura ng kapatid ko at binato sila ng tsitsirya.

Oh well,Dexton was literally broken.Iniwan ba naman ng babaeng mahal dahil sa katarantaduhan.

“You okay?”tanong ko kay Dexton ng umupo ito sa tabi ko habang umiinom.

“I am”pilit itong ngumiti “I just remember when we are on the vacation.Ako ‘yung nagbigay sa’yo ng advice na ‘wag mong lolokohin si Kia.Pero sa akin pala dapat iyon dahil niloko ko ‘yung babae na mahal na mahal ko”dagdag pa nito.

I suddenly remember the time where he gave me advice.No’ng nagbakasyon kaming pamilya sa resort nila Kade kasama sila Kia at Madeline.

“Bro, always remember that I am just here when you need a crying shoulder”tapik ko sa balikat nito.Tumango lang ito bago nakihalubilo sa mga kaibigan namin na nagkakasiyahan.

“You have your own problem too”nabaling ang tingin ko kay Cooper ng magsalita ito sa tabi ko.

“I have.Pero mas masasaktan ako kapag nakikita ko ang kapatid ko na nasasaktan.At ‘yun ang ayaw kong mangyari”sambit ko at tumungga ng alak sa bote.

“Pero ayos lang na masaktan ka?”tanong nito.Nagkibit-balikat ako bago ito sagutin.

“Ayos lang,kung ang kapalit no’n ay kasiyahan ng mga taong importante sa akin”seryosong sambit ko.

“Maximo told me that she’s  back.What are you going to do?”he ask.

I shrugged my shoulders “I don’t know”muling sagot ko.

“Sinabi mo na ba kay Kia?”

“Hindi pa”sagot ko at napatingin sa kawalan.Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ng hindi s’ya nasasaktan.Sa nakalipas na taon,Kia was the only girl that was important to me that I can even sacrifice my life for her.

She was my strength,my life,my everything.Pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang mga bagay na bumabagabag sa akin.Ayaw kong makitang nasasaktan si Kiara.

Pero alam ko,hindi man n’ya sabihin sa akin,may alam s’ya.Ayaw n’ya lang sabihin sa akin dahil alam n’ya ang ugali ko.

HALOS ALAS-NUEBE na din kami umuwi,as usual lasing na naman ang mga mokong.

“Leigh,uwi na kami!”paalam ng mga kaibigan ko kay Leigh na naglilinis.

“Oh taps?”pagtataray nito at pumaywang “ang mga utang n’yo,kailan n’yo balak bayaran?”mataray na tanong nito kaya napakamot kami sa batok.

“Magkano ba?”tanong ni River.

“Teka”sambit ni Leigh at pumasok sa tindahan,pagkalabas may bitbit na maliit na notebook.

Binuklat n’ya ito at kinuwenta sa amin ang mga bayarin “dalawang case ng beer 1,000—”

“1,000,ang mahal naman!”angal ni Asher.

“Aba,natural wala ng mura ngayon.Mura pa nga ang 1,000 eh.Tsaka barya lang iyon sa inyo ‘no!”singhal nito at umirap muna bago nagpatuloy “tapos ‘yang mga tsitsirya na pinakukuha n’yo 50 ‘yan—”

“50 agad?!eh 20 nga lang ‘yan doon sa kabila!”angal ni Dexton.

“Eh kung aangal ka doon bumili!”mataray na singhal nito “tapos ‘yung barbecue 100”dagdag nito.

“Magkano na?”tanong ni Kade.

“1,150”sagot nito “meron pa”dagdag nito.

“No’ng nakaraan kumuha kayo ng isang case ng beer 500 ‘yun,tapos kumuha kayo ng barbeque 200 ‘yun.Tapos bumili kayo ng coke na apat 100.Tapos no’ng linggo kumuha kayo ng isang bote ng red horse 150 ‘yun tapos barbeque 150 din ‘yun…kaya 1,100”sambit nito at tumingin sa amin “kaya ang babayaran n’yo ay 2,600”bilang nito.

“Ang mahal”bulaslas namin.

“Aba,natural umuutang kayo”irap nito at humalukipkip “magpasalamat nga kayo wala interes”mataray na sambit n’ya.

Bumuntong-hininga naman kami at napatingin kay Asher ng harapin n’ya kami.

“Aminan mga 100 n’yo”sambit nito.Nagtataka man ay inabutan namin s’ya ng 100.”Oh eto”binigay n’ya kay Leigh ‘yung perang hininga n’ya sa amin.

“Ano namang gagawin ko sa 700?”tanong ni Leigh kay Asher.

“Bayad namin”sagot ni River.

“Bayad?eh kung isampal ko kaya ito sa mukha mo?wala pa nga ‘to sa kalahati!”singhal nito.

“Ito naman,utang muna ‘yung tira”ngiti ni Kye,wala ng nagawa si Leigh kundi umoo.

“Pasens’ya ka na,gipit kasi kami ng pera”ngiti ni Kade.

“Hayst,ang sarap n’yong kutusan.Gipit?eh ang yayaman n’yo nga!”muling singhal nito.

“Para sa future inaanak at anak namin ‘yun”natatawang sambit ni Dexton at umalis na kami.

Nang makarating ako sa unit namin ni Kia ay agad akong dumeretso sa k’warto.And there,I saw my cupcake sleeping peacefully in our bed.

Tahimik akong lumapit sa kanya at inayos ang kumot sa katawan n’ya bago ko s’ya halikan sa noo at nagtungo sa banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako ng banyo na nakatapi lamang ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan ko.

Nakita ko pa si Kia na bahagyang nakaawang ang labi at mahinang humihilik.Mahina akong natawa at lumapit sa kanya.

“You’re so cute when you’re snoring,cupcake”ngiti ko at bahagyang dinampian ng halik ang bahagya n’yang nakaawang na labi.

Kung hindi lang talaga tulog at galit sa akin si Kia malamang inangkin ko na s’ya ngayon,kahit tulog pa.My cupcake was really irresistible.

Napapailing na naglakad ako papasok sa closet para kumuha ng damit.Habang nagdadamit ako ay napansin ko ang bahagyang nakaawang na drawer sa space ko.

Sinuot ko agad ang damit ko at binuksan ang drawer.Kumunot ang noo ko ng makita ang isang picture frame nakalagay doon.

Kinuha ko iyon at bigla nalang kumalabog ng mabilis ang puso ko sa nakita.

Hindi imposibleng makita ito ni Kiara dahil lahat ng sulok ng unit ay gusto n’yang linisin sa t’wing maglilinis s’ya.

Matiim kong pinakatitigan ang litrato.I was on training in the company that time.I was just 20 and she is 19.

Naka-ngiti pa kami sa litrato at masayang-masaya,you can see happiness in our eyes.But something happened that suddenly happiness on my eyes disappear.

Kinuha ko ang papel na nasa loob din ng drawer at binasa iyon,mas lalong kumalabog ang puso ko ng makita ang sulat kamay ko doon.

Dagdagan pa ng mga sernaryo na maaaring mangyari oras na makita ito lahat ni Kia,o maaaring nakita na n’ya pero nagpapatay malisya lang s’ya.

‘No,hindi pa ito nakikita ni Kia!’iling at singhal ko sa isip ko.Hindi ito p’wedeng makita ni Kia dahil paniguradong masasaktan s’ya at iyon ang ayaw kong mangyari.

Kia was my everything,and hurting her was not in my option.Ang saktan s’ya ang nasa pang-huling listahan ko na p’wede kong gawin sa kanya.

And never in my dreams or in my wildest dreams that I will hurt my life,I will and I don’t  want to hurt Kiara.She was my everything.Ayaw ko s’yang masaktan.

Agad kong nilukot ang papel at tinanggal sa lagayan ang picture tsaka iyon tinapon sa basurahan.

Agad akong lumabas at pinatay ang ilaw,tumabi ako ng higa kay Kia at niyakap ko ang braso ko sa bewang n’ya bago s’ya hapitin palapit sa akin at bahagyang halikan ang batok n’ya.

“Dalton,pagod ako”walang emosyon n’yang sagot bago tinanggal ang pagkakayakap ng braso ko sa bewang n’ya at lumayo sa akin.

Agad namang kumunot ang noo ko dahin doon.It have a possibility that he was mad at me because I didn’t  tell her who will I meet yesterday,or because she already saw the photo and the letter.

                            ★★★★★

A/N:TO MY OTHER FAIRIES THAT DIDN’T  READ THE OTHER SERIES AND ALREADY JUMP IN BS4.’YUNG SCENE PO NA TINUTUKOY NI DALTON WHICH IS ‘YUNG BINIGYAN S’YA NG ADVICE NI DEXTON ABOUT SA RELATIONSHIP N’YA WITH KIA EH MABABASA N’YO PO IYON SA BS3,HANAPIN N’YO NALANG.

DAHIL KAHIT AKO EH NALILITO NA TUNGKOL SA K’WENTO.HINDI KO NA ALAM KUNG PAANO KO ITO GAGAWIN😂.

CORRECTION DIN,TO THE OTHER READERS D’YAN NA MASYADONG NAGMAMAGALING.I WILL TELL TO ALL OF YOU, HONESTLY ‘YUNG PART NG CHAPTER NA NASA TINDAHAN NILA LEIGH EH KUMUHA AKO NG IDEA SA PS.

BUT FAIRIES,FOR YOUR INFORMATION I TRIED MY BEST PARA HINDI MAGKAPAREHAS IYON.AND HOPEFULLY SANA NGA HINDI SILA MAGKAPAREHAS KAHIT KUMUHA AKO NG KONTING IDEA SA PS.

KAYA SA INYONG MGA IBANG READERS NA MASYADONG NAGMAMAGALING.INUNAHAN KO NA KAYO DAHIL BAKA MAGREKLAMO PA KAYO😒.KESYO KAPAREHAS LANG NG PS KEME CHUCHU.

Billionaire 4:Dalton MadrigalWhere stories live. Discover now