02

13 8 0
                                    

02

Tumunog ang alarm na nasa gilid ng aking kama. Kinapa ko ito at pinahinto. Dahan-dahan akong umupo sa aking higaan, kita ko ang magulo kong buhok sa repleksyon ng salamin na nakaharap sa akin. Nagtungo ako sa bathroom at sinimulan na alisin ang pyjamas. Pumasok na ako sa loob ng shower at sinimulan na basahin ang buo kong katawan. 

I wore our uniform as usual. White blouse, black box pleats skirt, black ribbon and our dark blue blazer. Nakaharap ako sa salamin habang pinapatuyo ang aking buhok gamit ang blower. My hair is not that long, hanggang sa balikat ko lang ito. Magaan ang bawat galaw ko habang hinahawi ang hibla ng buhok ko. 

I can clearly see the dark circle in my eyes. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa mga iniisip ko, I can't properly think. I just need some powder to cover it. Kailangan kong maging presentable sa harap ni Dad. I don't want to be scolded because of the way I look. 

Mabilis kong natapos ang routine ko kada umaga. Bumaba ako sa hagdan papunta sa dining area namin. Naabutan ko si Mommy doon na nag aayos ng mga pagkain. When she saw me, she immediately went to me and gave me a big hug. She kissed me in my checks before leading me in the chair. 

"Jixie, you need to eat before going to school. I noticed that you're not eating your breakfast in the morning or even taking some food for your snack. So I decided to make your favorite dishes and snacks," she said with full of love. My face softened when I stared at my Mom's lovely face. 

Her smile widen when she caught me looking at her. "I know I'm pretty, kanino ka pa ba magmamana kundi sa mommy mo hindi ba?" pabiro niya. Napatingin ako sa mga nakahaing pagkain sa hapagkainan namin. Sa hindi inaasahan napatingin ako sa isang upuan na naka posisyon sa gitna kung saan laging umuupo si Dad. 

Tumingin muli ako kay Mommy at nagtanong, "Does dad had an appointment or meeting?" natigil siya sandali. Napapansin ko nitong nakaraang araw ay napapadalas na ang pag alis niya. 

She smiles sweetly as if I don't have to worry about it. "He had a business trip so don't worry about your dad, he's always safe there." Nilagyan niya ng pagkain ang pinggan ko.

Lumapit naman ang isa naming kasambahay at inilapag ang aking baso na puno ng gatas. Bago pa kami magsimulang kumain tinawag ni Mommy ang mga kasambahay namin at inayang kumain. Ang iba ay nagaalangan pa pero kalauna'y nakisabay na sa amin. Ang kaninang hapagkainan na puno ng bakanteng upuan ay napuno. 

I looked at my Mom na nasa tapat ng malaki naming pinto at nakatanaw din sa akin. Inalis ko ang tingin sa kanya at pumasok na sa van namin. "May pagbabago ba sa schedule niyo ma'am?" my driver asked. Tumingin ako sa rearview mirror kung saan nakatingin din siya. 

"Wala, same schedule," I simply replied. 

I cross my arm at diretsong nakatingin sa harapan. I looked at my wrist watch before looking outside. Dadalo kami mamayang gabi sa isang pagtitipon, pinaalala ito ni Dad sa akin. He said ayusin ko daw ang pakikisalamuha ko sa iba dahil baka mapahiya ko lang siya. Minsan naririndi na ako sa paulit ulit na sinasabi niya pero wala akong magagawa dahil anak lang ako. I never dreamt to be flawless I just want to be me. 

Huminto ang sasakyan sa harap ng malaking gate ng academy. Bumaba ang driver ko at pinagbuksan ako ng pinto. Kinuha ko ang gamit ko at nagsimulang maglakad paloob. Nakasalubong ko ang ibang magaaral na nakapapasok lang. They smiled at me and greeted me a good morning. 

I just nodded at them. Napahinto ako sa gitna ng malaking field at luminga sa paligid. Gumaan ang pakiramdam ko ng napansin ko na wala na akong nakikitang pang bubully o magdidiscriminate sa mga scholar. I saw peace in every corner in my surrounding. Free from caos. 

Achievement Of Yesterday [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon