04

8 7 0
                                    

04

Mom gave me my own privacy. Nakakulong ako sa aking silid habang inaalala ang lahat ng sinabi ni Dad kanina. Napasandal ako sa gilid ng kung saan walang naaanigan na liwanag. Nakatanaw ako sa kawalan. Why Dad need to slap on my face that I'm not worth it for being her daughter? Why do I need to be perfect as he wanted? 

I lost. In just one mistake.

Nabasa ang aking pisngi dahil sa luha na namuo sa aking dalawang mata. Nanlalabo ang mga mata ko na tinanaw ang kumpol-kumpol na mga medalya at certificate. Useless. I did that for him not for me. 

Nagsimula ng manginig ang aking mga kamay. Natagpuan ko na lang ang aking sarili na walang tigil na humahagulgol. Saksi ang bawat sulok ng silid ko kung paano ako mag luksa, kung paano ako madurog at mangapa sa dilim. Naliligaw ako ng landas dahil sa gustong tahakin ni dad para sa akin. Ni minsan hindi niya tinanong kung okay lang ba ako, kung maayos ba ako o kaya kung anong gusto ko. 

Ilang minuto ay dahan-dahan na ding bumalik sa normal ang pagtibok ng puso ko, nawala na din ang panginginig ng kamay ko pero ang mga mata ko ay nanatili paring namumula. 

Hindi ko tinignan ng diretsyo si Dad. Nasa hapagkainan kaming tatlo. Walang umimik o nagsasalita. Ang mga atensyon namin ay nasa kanya-kanya naming mga pinggan. Ng nakaramdam ako ng busog ibinaba ko ang aking kubyertos at tumayo na. Handa na sana akong umalis ng magsalita si Dad mula sa likuran ko, "Beat him, do it for me," he clearly said. Natigil ako ng ilang sandali. 

"Yes dad," I simply answered. 

Sinalubong ako ng ilang student kasama ng kani-kanilang mga tanong kung bakit hindi na daw ako ang nangunguna sa lahat bakit nasa pangalawang rank na daw ako. Nilagpasan ko silang lahat sa tulong ng mga pinadalang bodyguards ni Dad. Tumigil ako sa paglalakad ng maabot ko ang bungad ng hallway kung saan makikita ang ranking. Dumako ang tingin ko sa walang emosyon na mukha niya. Heewon Chua, 1st rank in 4th year high school. I remember what's my Dad said earlier. Did he mean that? 

Nagtungo kay dean dahil pinapatawag niya ako. Sinabi niya na luluwagan nila 'yung schedule namin sa aming mga ginagawa to make sure na mabibigyan namin ng pansinin ang aming mga grado lalo na't may kalaban na daw ako. Napailing na lang ako doon, alam kong kinausap siya ni Dad, he's making sure that I'm not going to repeat the same mistake that I did. 

"Do you have a plan to take your rank back?" vessy asked. Sabay kaming naglalakad sa hallway papunta sa kanya-kanya naming subject. Nakisabay lang siya sa akin to make sure that I'm okay.

I gave her a glaze. "I will take what's mine. It's just a piece of cake.'' We continued walking and we parted our way when we reached the second floor. Inayos ko ang aking suot na blazer before entering our classroom.

Bumulaga sa akin ang tahimik na silid, ni isa sa kanila ay tila hindi makapagsalita. Nagtaka ako dahil araw-araw ay hindi sila nawawalan ng topic o pagkakabakahang kwento. Wala sa sarili akong napatingin sa labas ng bintana bago napatingin sa kanya. Payapa siyang nagsusulat sa puti niyang notebook. Tumatama ang sinag ng araw sa kanyang pwesto kaya kumikinang ang kanyang salamin. 

He looks innocent and uneasy to read. I'm still not done with him. I deadly glare at him. He's the reason my Dad pushed me to be on top. Starting that day dad's comparing me to that guy. 

Nagtama ang mata namin. Ilang sandali pa'y binalik ko ang dating emosyon sa aking mga mata. He was still looking–no staring at me. I stopped when I sank what just I did, I rolled my eyes at him! Oh geez. That's not me anymore, I'm not visible for a guy especially when it comes to emotion but now–I want to punch him right now!

We finished our lecture. As usual, perfect is the same as him. Hindi ko maiwasan na umirap when it's turn to recite his explanation and conclusion. 

Patungo ako sa aking driver kung saan siya nakabantay sa aming sasakyan sa parking area. Tumigil ako sa paghakbang ng napansin ko na may katabi ako sa paglalakad. "Are you following me?" nakataas ang kilay na tanong ko. 

Achievement Of Yesterday [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon