7:42 PM; Friday, 29 July, 2022
Pakiramdam ko sobrang lost ko na naman.
Hindi pa malalim 'yong gabi pero nilalamon na naman ako ng mga isipin ko.
Feeling ko napag-iiwanan ako. Hindi ko alam 'yong gagawin. Nalilito ako.
Nag-apply ako ng trabaho, naghihintay pa rin ako ng tawag para sa interview. Tapos, nag-open naman 'yong sa isang training program. 20 days lang. Ngayon, nalilito ako. Hindi ko kasi alam kung kailan tatawag 'yong sa trabaho. Ngayong paparating na buwan 'yong sa training program baka kasi kung papasok ako ro'n, magkaproblema kung sakaling tumawag sa trabaho. Iniisip ko rin kung ano bang mangyayari sa school.
Naghalo-halo na lang 'yong iniisip ko. Sa totoo lang, ayos lang kung 'di ako magta-trabaho. Kaso napi-pressure ako. Ang dami kong kakilala na may mga trabaho na. Ayoko rin kasing humihingi ng pangluho ko. Gusto ko ring makaipon para sa darating na pasukan. Kaya ako nagsubok na pumasok ng trabaho.
Importante rin 'yong sa training program. Makakatulong sa school ko. Samantalang 'yong trabaho, walang kinalaman sa program ko.
'Di ko alam gagawin 'ko. Nalilito ako't pakiramdam ko, wala na naman akong kwenta dahil pati 'yong ganitong bagay e, hindi ko alam ang gagawin.
Nagugulumihanan,
Lili
BINABASA MO ANG
Rants.
Ngẫu nhiênMga reklamo ko sa buhay o ka-drama-han. Baka maka-relate ka. Pwede ring mainis ka. 'Di 'ko alam. Ikaw bahala. Malaki ka na. Read at your own risk na lang.
