R-4

4 0 0
                                    

6:24 PM; Sunday, 31 July, 2022

Nakakatawa.

Nag-message pinsan ko sa akin sa password nila sa WiFi.

Last year, nakaka-connect pa ako sa kanila tas alam ko talaga password nila no'n. Ta's nagpunta kasi rito 'yong pamangkin ng tito namin, kinakasama ng tita ko. Bale 'yon, hindi namin kadugo.

Ayos naman 'yon. Walang problema sa akin. Nag-aaral 'yon, mahina signal sa kanila. Tapos mali lang, si mama nagsabi na pwede siya roon sa bahay ng tita ko kasi doon may stable internet. Wala kasi kami bale naglo-load lang. Pero nag-offer din sila roon na roon nga raw tuwing may pasok.

Tapos after ilang months, ayaw na nila. Dami nila nakikitang mali. Sinasabihan naman nila, ang problema, hindi naman nakikinig 'tong isa.

Hanggang sa pinapasabi sa akin na huwag na raw papuntahin doon 'yong pamangkin ng tito ko.

Bakit ako? Bakit ako magsasabi, 'di ba? Bakit 'di nila masabi ng sila.

Bale ang nagsabi, si mama. Tas 'yong tita ko na may WiFi  nga.

Dahilan nila, hindi na pwede maka-connect sa WiFi kasi imo-monitor na ng company ng ate ko 'yong sa internet. Kahit sa akin, gano'n sabi no'ng pinapasabi na huwag na papuntahin si E sa kanila.

Doon pa lang, alam ko na.

Nagsisinungaling sila.

I mean bakit 'di na lang nila diretsuhin 'yong tao na ayaw na nilang pumupunta roon sa kanila gawa ng hindi nga nakikinig. Hindi naman nila kailangan magsinungaling.

Tapos napunta ako sa kanila. Nagulat pa tita ko na nagamit ng cellphone at nag-i-internet na nandoon na ako. Linawin ko lang, pinapunta nila ako sa kanila. No'ng mga time na 'yon, hindi na kasi ako gumagawi sa kanila gawa nga ng alam kong nagsisinungaling sila.

E 'di nandoon ako sa sala nila. Tas binuksan ko WiFi sa phone ko, hindi na ako maka-connect. Buti na lang may data ako hahahaha. Sinubukan ko lang naman kasi 'di ba, malay mo same pa rin ng password.

Tas e 'di nakahiga ako sa sofa nila. Nakita ng tita ko naka-open Facebook ko. Sabi niya kung naka-connect daw ba ako sa WiFi. Sabi ko hindi at may data ako. Tas ang sabi niya, akala niya raw naka-connect ako at namo-monitor kasi ng company ni ate 'yong sa internet. Sabi ko lang ulit na naka-data ako.

Tas lumabas sila ate sa sala. Binati ako. Tas tinitignan nila ginagawa ko sa cellphone. Tas tinanong rin kung naka-connect ako sa WiFi nila. Kako hindi at naka-data lang ako. Hahaha.

Partida roon pa ako natulog sa kanila no'ng gabing 'yon. Naisip ko na lang habang nakahiga, ayaw nilang mahuli na nagsinungaling sila. Kahit naman pilit nilang itago, halata naman sa kilos nila. Kita ko naman kung paano sila tumingin. T'yaka una pa nga lang, alam ko naman na hindi totoo 'yong palusot nila. Grabe. Hahaha. Tas ayon, nagtatanong sa akin kanina kung ano raw password nila sa WiFi.

Nakakatawa.

Natatawa,
Lili

Rants. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon