2:40 AM; Saturday, 30 July, 2022
Nilalamon na naman ako ng pag-o-overthink ko.
Nakakita kasi ako ng confession/rant sa page ng school ko, e. Malamang binasa ko. Dapat pala hindi na. Haha.
Kasi totoo naman 'yong mga binanggit n'ya doon. Sobrang bulok ng sistema. Ika nga ng iba e, "maliit na Pilipinas" ang eskwela na 'yon. Kagabi, naguguluhan ako kung trabaho o training program. Ngayon, pino-problema ko naman sa school. Siguro para sa iba, 'di nila 'to kailangang problemahin pero kasi, ito lang 'yong nakikita kong magsasalba sa amin, sa akin sa hirap.
Gusto kong umiyak, mag-breakdown pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko, may pumipigil. 'Di ko alam kung pag-iinarte ko lang ba 'to o valid 'tong nararamdaman ko.
Nabablangko ako. Para akong walang laman na ang gaan ng isip pero ang bigat ng katawan. Sa totoo lang, 'di natigil isip ko sa pag-iisip mula kagabi. Kahit anong pilit ko na huwag isipin 'yong mga bagay at ibaling 'yong atensyon sa iba.
Nahihirapan ako kasi bigla na lang akong mapapahinto sa ginagawa ko tas mamamalayan ko na lang, may ino-overthink na ako.
Gusto kong tumakas. Gusto kong mawala na lang bigla. Gusto kong patigilin na lang 'yong utak ko sa pag-iisip. Gusto kong huminto na pero parang may pumipigil. Ang dami kong gustong isulat, sabihin pero ang gulo sa isip ko. Pahinto-hinto nga 'yong pagtitipa ko rito kasi hindi ko alam kung anong uunahin. Bigla na lang akong nahihito't natutulala, iniisip kung ano bang unang ilalagay rito ta's mapupunta sa ino-overthink ko.
Ayoko na. Grabe.
Pagod na,
Lili
BINABASA MO ANG
Rants.
RandomMga reklamo ko sa buhay o ka-drama-han. Baka maka-relate ka. Pwede ring mainis ka. 'Di 'ko alam. Ikaw bahala. Malaki ka na. Read at your own risk na lang.