11:16 PM; Thursday, 11 August 2022
These past few days, payapa 'yong isip ko. Nakapag-crochet ako ng isang sunflower head, nakatapos ako ng isang libro, at inaalagaan ko 'yong sarili ko. I mean, pansin ko kasi kapag puno ako ng isipin, parang tinatamad akong asikasuhin 'yong sarili ko. Hirap ako bumangon at gawin 'yong mga dapat kong gawin.
Laking tulong talaga ng online shopping hahahaha. Parang napaka-therapeutic lang. Char. Tama ba gamit ko sa word? Hahaha. Wala na akong time i-search. Pagod na pagod kasi ako ngayon kasi galing akong gala. Hahaha.
Ayon, sana araw-araw ganito. Free 'yong utak ko. Masaya ako.
Kahit alam ko namang imposible pero malay mo, 'di ba?
Nga pala, 'yong libro ay Orchards by Holly Thompson. Ang galing lang kung paano naisulat 'yong nobela na 'to. Patula. 'Di 'ko akalain na makakaramdam ako ng emosyon dito. Hahaha. Kasi sa unang mga pahina parang wala lang. Highly recommend! Lalo sa mga gusto ng parang slow burn. Galing nga lang pala 'tong libro na 'to sa Book Sale. Hahahaha. Fifty pesos ko lang nabili.
Payapa,
Lili
BINABASA MO ANG
Rants.
РазноеMga reklamo ko sa buhay o ka-drama-han. Baka maka-relate ka. Pwede ring mainis ka. 'Di 'ko alam. Ikaw bahala. Malaki ka na. Read at your own risk na lang.