R-0

3 0 0
                                    

Hello.

Kumusta ka?

'Di ko alam kung ba't ka napadpad rito pero sana okay ka lang.

Sulat ko lang rito mga kaartehan ko sa buhay.

'Di ko sigurado kung may mapupulot kang aral o maiinis ka lang sa mababasa mo pero bahala ka. Malaki ka na. Read at your own risk kumbaga.

Ba't ko ba 'to naisipan gawin? Tas nilagay ko pa rito sa Wattpad. Wala lang. Trip ko lang. Ikaw ba't mo binabasa? O 'di ba, kasi trip mo lang.

Ayon nga, madalas kasi magulo talaga isip ko. Ang dami-dami kong iniisip. Parang ang dami kong problema na hindi naman talaga problema. Naisip ko, kung sakaling isulat ko, e baka mabawasan o gumaan 'yong pakiramdam ko. T'yaka baka mamaya, e mayroon akong kapareho. E 'di baka maka-relate rito.

Ulitin ko lang, pwede kang maka-relate rito o kaya mainis kasi bakit pati 'yong maliliit na problema, e pino-problema ko. Kung 'yong pangalawa ka e, problema mo na 'yan. Bakit pati 'to pino-problema mo? Gulo mo, ha.

Rants. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon