𝐏𝐚𝐫𝐳𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 • 16

11 2 0
                                    

Ashrill's POV;


We spend our day yesterday at the bar of this island, I'm happy and I enjoyed the view, and foods with them.

Now— later rather we're going to the party, idk where but it's a party.

Sa Thursday pa ulit namin makikita si Max para sa pagdesign ng hotel.

So, ito nagluluto nanaman ako para sa kanila, at ewan ko ba sa boss ko na nakakainis parang wala lang sa kanya yung halikan namin!? Ano yun hayst! Well baka ganon talaga ang mga babaero grrr.

Sana karmahin sya.

"Oh bakit ka nakasimangot dyan?" Napatalon ako sa gulat ng marinig si Arkie.

"Ah, Ikaw pala, hindi naman ah?" Ilang akong tumingin sa kanya.

Tinaasan nya lang ako ng kilay ay ngumisi sya sa akin, umiling na lang ako sa pagka weirdo nya.



________________


Sumapit ang gabi at ready na kaming lahat pumunta sa party, well ready nga ba kami?

"Let's go." Boss said at pumasok sa SUV.

Ngayun si Hector naman ang mag mamaneho, pag uwian kaya ako nalang ang magmaneho? Kase baka lasing sila mamaya eh.

"Ang aga naman ata natin? Seven palang naman." Ani ni Arthur na may kinakalikot sa kanyang cp.

"Okay na yan para makahanap agad ng chiks." Ngising sabi ni Thaiver.

"Yan ba ang dahilan ng ipupunta nyo doon? Mag bago na nga kayo." Sabat naman ni Arkie.

"Makapagsalita ka naman akala mo hindi babaero," nangungulangot na sabi ni Wanter.

"Kuya mo ako diba? Wag mo akong sabihan ng ganyan, at pwede ba itigil mo yang pag sundot sa ilong mo!" Saway naman ni Arkie kay Wanter, pero bumelat lang ito kay Arkie.

Tago akong napa tawa sa mga tipaklong na ito.

"Tawa-tawa ka naman dyan Irah ah, ano sapakan na lang oh." Taas kilay na sabi sa akin ni Arkie.

"Eh kung sabunutan kaya kitang unggoy ka ano!?" Taas kilay ko ring sabi.

"Ahyy!?" Mala bakla nyang ani.

"Bunga-nga mo Irah, pero paano mo nalaman na unggoy yan?" Singit ni Thaiver.

"Malamang hindi sya mukhang tao eh-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng takpan ni Helenus ang bibig ko.

"Yang bibig mo, tss." Ani nito.

Inirapan ko na lang sya.

"Tangina sa gwapo kong to? mga ugok." Ani ni Arkie at ipinatong ang kanyang ulo sa upuan.

Kasabay noon ang pagtigil ng sasakyan, at nagsibabaan na kami at agad na pumasok sa isang hotel.

Napatingin ako kay Helenus ng bigla nyang hawakan ang kamay ko, taka akong napatingin sa kanya.

"Baka mawala ka pa." Bulong nito sa akin tila nabasa ang nasa isip ko.

Tumango na lang ako at sinundan ang mga kaibigan nya sa isang table, umupo kami doon at may wine nang naka hain doon at may mga pagkain narin.

Agad na kinuha ng mga kulogo ang wine at nagsi inuman.

Sinasabi ko na nga ba hayst...

Hindi paman umiinit ang pwetan namin sa upuan ay agad na may lumapit na tatlong babae sa table namin, napatingin ako sa mga ito at di namalayang tumaas na ang isa kong kilay sa kanila.

The Hunk | Parza Series O1 [Helenus Hailan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon