CHAPTER 8 : NEW

16 4 0
                                    

NEW

_


(  SHANNEL'S POV  )

Si Thea, I think she's mad at me dahil umalis ako nakaraang araw para sumama sa mission. Kinabukasan after kong mag pahinga, she told me na kailangan kong bumalik sa trabaho. For a second there I thought, magiging madali lang siya. But I was wrong. When I entered her office, I found three more people inside. Seeing them work, I realise na hindi lang simpleng trabaho ng mga papeles ang ipapagawa sa amin. Base sa kanilang mga itsura, I know that there's something big, and serious going on.

"So how about this, we put some people in. And lure those shits, then kill them." Lorely suggested habang nakatayo sa harapan, may hawak na marker at gumuguhit sa white board.

"You wanna take the risk of sacrificing other people? You do know that we are saving and protecting lives, that's our job." Jeninea rebutted. Ngunit hindi nakinig si Lorely.

"Guys, any of you want some coffee?"

"I!" lahat kami ay napasigaw dahil sa tanong ni felix.

Nang marinig nito ang aming sagot, agad naman siyang naglagay ng mga kape sa aming harapan. We all look like zombies right now, mas malala pa nga yata yung itsura namin ngayon compared to those mimickers.

Ilang araw na ba kaming nandito sa opisina at hindi lumalabas?

We only have a few days left before dumating yung mga higher ups para pakinggan yung plano. At bago pa man maging huli ang lahat, kailangan na naming makapag-isip ng isa.

"Shannel, what do you think?" natigilan ako dahil sa biglang tanong.

"H-ha?" pagtataka ko.

"My plan? What do you think?" tanong ni Lorely.

' Don't tell me, kanina pa nila ako kinakausap?'

Napalunok ako at tinignan ang mga ginuhit nito sa white board. Her plan is luring the mimickers outside the building buy putting a few people within. Tapos ss labas ay ang mga sundalo that would fire at them kapag lumabas na sila. Maganda naman yung plano niya, but its too risky. Judging from my past experience, I don't think it would work. Some of them are fast enough to the point that it's hard to run away. Kung mag lalagay ka ng tao sa loob, may posibilidad na ma-trap sila at hindi na makalabas.

"Too risky, it might not work." ika ko that made Lorely give up sa pag-iisip ng plano nito. "But its a nice plan." pagbawi ko dahil hindi talaga ako magaling when it comes to saying stuffs.

"Told yah." tuwang sabi ni Jeninea. Since tapos na si Lorely sa pag-present ng naisip nitong plano. Siya naman ang tumayo at nagpaliwanag.

"My plan is like this." panimula nito at gumuhit ng box at ilang shapes sa white board.

"We will have five groups on the frontlines. Sa una, papasukin na'tin ang naunang grupo to the building para mabawasan yung bilang ng kalaban." then, binilugan niya ang naunang grupo.

"Two of the group will then guard the entrance of the gate. Para masigurong wala ng dadating. The rest of the groups well then, wait for the command of the first group. If they need back up, then the second group will launch." napapatango ang lahat habang nagpapaliwanag siya.

Tumaas naman ng kamay si Felix.

" How many individual are within the group? " tanong nito.

"Ten." maayos na sagot ni Jeninea.

"Ten? That means, we will be launching fifty soldiers?" tumango si Janinea. "Don't you think that's a lot?"

Umiling si Janinea. "No, they are enough. I've already calculated the possibilities, and that number is enough for us to take back that building." punalakpak kami ni Lorely dahil sa katalinuhang taglay nito.

LOVE ME LIKE YOU DO : SEASON TWOWhere stories live. Discover now