Chapter 8

4 0 0
                                    


Errors Ahead

Katatapus lang ng meeting namin kanina pero tulala pa din ako hanggang ngayon. Hindi padin maalis sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Miracle.

Napansin ko na nasa table ko ang librong Cambiar Por Fe kung kaya ay kinuha ko agad. I want to read it pero parang may pumipigil sakin na wag nalang basahin. I remember sabi ni Miracle na magiging guide ko daw ang librong to. Sa huli kong pag bukas sa librong to ay nawala ang mga salita. I'm not sure kung bakit bigla nalang nawala pero malakas ang kutob ko na may masamang mangyayare.

"Here goes nothing"

Binuksan ko ang libro at mag sisimula ng mag basa sa chapter one. Hindi ko mapigilan ang ma curios dahil sa mga sinabi sa akin ni Miracle. Namangha ako dahil naibalik na ang mga salitang nawala.

Dadating talaga sa punto ng buhay natin na kailangan nating ibigay ang lahat para lang sa pag mamahal, kahit ang sarili pa nating buhay in short kailangan nating mag sakrispisyo para lang sa ikasasaya ng iba. May isang babae at lalaki mag kaibigan, mag kakilala sila simula noong nasa High school at college. Parehong matatalino at pareho galing sa mayayamang pamilya. Parang mag kapatid na ang turing nilang dalawa sa isat isa pero lingid sa kaalaman ng babae na may tinatago na palang pag tingin ang lalaki. Hangang lumipas ang panahon na sila ay graduate na sa college nag disisyong silang mag hiwalay ng trabaho.

Napatigil ako sa pag babasa dahil subrang tugma sa buhay ko ang mga nakasulat. Hindi na ako nag taka dahil yan ang mismong sinabi sa akin ni Miracle.

Nagulat ako dahil may kumakatok ngayon sa office ko at sigurado akong si Lyca yon.

"Lyca is that you?"

"Ahmm sir may I come in?"

"You may come in Lyca, what is it?"

Agad siyang pumasok at ibinigay niya sa akin ang file na inaasikaso niya last week pa.

"Sir here is it I'm done with this file, it's the records of toys we sold last month"
naka ngiti siya habang sinasabi niya sakin ang mga salitang yon.

Napa tango nalang din ako at agad niyang pinansin na nakahawak ako ngayon sa libro.

"Sir are you reading that book? I thought you hate novels?" Gulat niyang tanong

Tiningnan ko lang siya at hindi ako kumibo at sininyasan siyang lumabas muna at agad siyang sumunod.

Nang makalabas na si Lyca mag papatuloy na sana ako sa pag babasa ngunit biglang nag ring ang cellphone ko.

"Oh shit si Aleah"

Hala! Birthday pala ni Tita Belle ngayon ang mama ni Aleah, muntik ko na makalimutan.

"Hello?"

"Vhayn punta ka mamaya sa bahay ha pinapapunta ka dito ni mama" tugon sakin ni Aleah.

"Oo naman, bakit hindi?"

"Ok good at kung may oras papuntahin mo din dito si Tita Anne"

Cambiar Por Fe Where stories live. Discover now