Errors Ahead
April 27, 2004"Mommy sama po ako"
"Wag na anak, you should stay here.. bawal ka sa office ok?" tugon ng isang babae sa kanyang anak na nangungulit dahil gustong sumama sa kanya sa trabaho.
Umiiyak ang isang maliit na bata habang paalis na ang kanyang magulang papunta sa companya.
"Anne ikaw na bahala kay Vhayn makulit talaga yan bantayan mo ha" sigaw na nakangiting sabi ng lalaki na ama ng batang umiiyak.
"Don't worry Vince di ko pababayaan ang pamangkin ko at mag ingat kayo" sagot naman ni Anne na tiyain ng bata.
Isang masiglang panahon at masayang nag mamaniho si Vince kasama ang asawa niya papunta sa companya kung saan sila ang nag mamayari. Masayang nag kwekwentohan ang mag asawa ngunit napagtanto ni Vince na nakalimutan niya ang isang napaka importanting dukyomento. Agad inikot ni Vince ang sasakyan pabalik sa kanilang mansion. Pag balik nila ng bahay nakita ni Vince si Vhayn na nasa labas ng bahay at may kinakausap na lalaking hindi niya kilala. Agad pinarada ni Vince ang sasakyan at nilayo ang anak sa isang hindi pamilyar na lalaki.
"Vhayn what did I told you? Wag kang lumabas kung mo hindi kasama ang tita Anne mo at wag kang makikipagusap sa hindi mo kilala". Wika ni Vince sa kanyang anak. "Hon wag ka nang magalit parang wala namang gagawing hindi maganda ang tao" Sagot ni Abegail na ina ng bata.
Agad umalis ang lalaking kumausap kay Vhayn nakasuot ito ng itim na pantalon at itim na jacket. Hindi naman kumibo si Vhayn at agad siyang pinapasuk sa loob. "Vhayn where is your tita Anne?" Tanong ni Abegail pero hindi sumasagut si Vhayn. Nag tampo ang bata sa kanyang mommy at daddy kasi palaging walang oras ang mga ito sa kanya. Palagi silang busy sa pagpapatakbo ng kompanya nila at hindi na nabibigyan ng oras ang kanilang anak. Hindi nila maparamdam sa anak ang pag mamahal ng magulang ni hindi nga nila kayang ipasyal ang anak sa magagarang mall at restaurant. Palaging nakakulong sa bahay at tanging laruan lang ang kaibigan ng kanilang anak. Ngunit ang nais ng mag asawa ay ang bigyan lang ng magandang kinabukasan ang anak kaya sila nag sisikap. Mahal na mahal ng mag asawa si Vhayn, kahit lagi sila nasa trabaho ay lagi padin nila iniisip ang kanilang anak.
"Vhayn where is your tita Anne?" Tanong ulit ni Abegail ngunit hindi padin siya pinapansin. "Oh sigi sama kana nga sa amin, basta wag kang makulit huh?" Bulong ni Abegail sa kanyang anak sabay ngiti. "Hon sino mag babantay niyan sa office?" Ngumiti lang si Abegail sa kanyang asawa na ngayon ay parang umaangal. "Isama nalang natin madami namang laruan sa companya" ngumiti siya sa asawa at napatango nalang si Vince dahil wala na siyang magawa.
Sa sasakyan habang nag mamaneho si Vince papunta sa kanilang companya ay may nararamdaman siyang kakaiba. Sa tingin niya ay may hindi tama at hindi siya mapakali. Tumingin si Vince kay Abegail na nakatingin lang sa daan habang si Vhayn ay masayang nag lalaro ng rubics cube. May malakas na busina ng sasakyan ang sumalubong sa kanila at nagulat si Vince dahil may isang malaking truck ang nawalan ng kontrol na papunta na sa ruta nila. Agad na ilagan ni Vince ang truck at ligtas na naka lagpas ngunit hindi namalayan ni Vince na may isang rutang paliko. Sinubukang mag brake at lumiko ni Vince ngunit napakabilis ng sasakyan nila at hindi na mapigilan ang mabangga.
Mainit ang sikat ng araw masayang nag aawitan ang mga ibon. Agad lumitaw ang isang misteryosong lalaking naka itim na may suot na kwentas na parang orasan. Tiningnan ng lalaking misteryoso ang orasan na nasa kwentas niya at kinuha ang isang libro at pluma. " So this is the start of chapter 1?" Tanong ng misteryosong lalaki sa sarili niya. Nasa gilid lang siya ng isang kalsada at nakaupo sa ibabaw ng puno. Walang reaksyon niyang tinitingnan ang paligid. Agaw pansin sa kanya ang isang truck na nawawalan ng kontrol, napansin niya na lasing ang nag mamaneho nito at agad niyang sinundan ang truck. Napakabilis niyang kumilos at agad agad siynang nag lalaho ng hindi namamalayan ng iba. Siya ay nag teteleport para masundan ang nag mamadalinh truck, pinitik niya ang kanyang daliri at napunta siya sa isang mataas na puno na kita ang isang malaking syudad. Kita niya din ang isang kotse ng isang mag pamilya. Malakas na nag busina ang isang truck at nawalan ng kontrol, napunta ang truck sa ruta ng kotse. Nailagan ng kotse ang truck ngunit hindi napansin ng nag mamaneho ng kotse ang isang rutang paliko. Nakita ng misteryosong lalaki ang kotse na nabangga at agad siyang napayuko.
YOU ARE READING
Cambiar Por Fe
Science FictionA mysterious author who wrote a novel similar to a real life story of Vhayn Velasquez. Vhayn Velasquez discovered his future because of that book and finds out that his bestfriend will die in a tragic way. Then Vhayn Velasquez meet the author of th...