Chapter 10

5 0 0
                                    


Aleah's POV

Masayang nag tatawanan ang mga bisita at masaya ding nag kwekwentohan si mama at si Mike. Mabuti nalang naintindihan agad ako ni mama, mabuti nalang natanggap niya din agad ang relasyon namin ni Mike. Ang kulit ni Vhayn hindi agad pumunta dito, na miss niya siguro ng subra ang luto ni mama dahil mas inuna ang Adobo. Mabuti nalang hindi kj si Lyca, nakakapagtaka lang kung bakit parang hindi na masungit si Vhayn sa ibang tao. Nagagawa niya nang magkaroon ng mga kaibigan hindi ko akalaing magiging close sila ng Secretary niya.

Nakita ko si Lyca na masayang nakikipag kwentohan sa mga pinsan ko. Masasabi kong maganda siya na parang may lahing espanyol. Makinis ang kutis at ang ganda tingnan ng kanyang mga ngiti at medyo may katangkaran.

"Lyca" tawag ko sa kanya at agad siyang napa lingon.

"Halika ka dito" agad siyang nag pa alam sa mga pinsan kong bata at nag madaling pumunta sakin.

Ngumiti siya sa sakin pag dating niya. Nandito kami ngayon sa silya sa living room. Habang sila mama at Mike ay nasa mesa at masayang nag kwekwentohan.

"Lyca masungit ba si Vhayn bilang boss?"

Napatawa ng kunti si Lyca sa tanong ko

"Oo masungit talaga yon lagi niyang sinusungitan mga ka trabaho ko. Pero hindi naman siya masungit sa akin"

"Wow, so may favouritism pala ang boss mo?"

Napangiti si Lyca ng bahagya sabay tinging sakin.

"Hindi naman sa ganon, pero madaming beses niya na akong pinagalitan. Ayaw niya kasing may pumalpak na mga employee niya kaya ganon"

"Ang taray naman ng boss mo perfectionist"

Napansin ni Lyca na may wine sa lamisa malapit sa sofa na inuupuan namin. Kinuha niya ang wine at binuksan.

"Aleah umiinom kaba?, inom tayo kunti"
Saad niya sakin sabay kinuha ang baso at nilagyan ng wine.

"Nako Lyca hindi ako pwede eh bawal sakin ang alcohol"

Napakunot siya sa noo at sabay lagay ng baso sa lamisa.

"Bakit naman?
Kita kita ko sa mga mukha niya ngayon ang pag tataka.

"Hindi ako pwede uminom ng Alcohol dahil may sakit ako sa Puso"

Nagulat si Lyca sa sinabi ko at agad niyang nilagay ang wine sa mesa.

"Sure kaba? May sakit kaba talaga sa puso?"

Napatango ako sa kanya at kita kita ko sa mga mata niya ang pag aalala.

"I have a heart disease, bawal ako mapagod, malungkot at maging masaya ng subra"

"Hala? Familiar ang sakit mo"

Nag taka ako sa sinabi ni Lyca, Familiar daw ang sakit ko?

"Huh? What do you mean?"

"Your disease is dangerous. It can lead you to coma if you don't be careful. Aleah eat more Bananas and drink more pineapple it's healthy"

Cambiar Por Fe Where stories live. Discover now