20: ALL THE RIGHT PLACES

41 3 0
                                    

NOAH

Six Years Ago...

Hindi natanggal sa isipan at puso ko ang mga katagang iniwan ng Papa ni Selene. It warmed my heart to think that even if I didn't have the best childhood, and I grew up lacking of a father's love, but the love of my life had hers. I couldn't ask for more. All that I want now is to spend the rest of my life with her.

I started planning our future. I want to be a man she could be proud of. Kaya pagbubutihan ko ang pagtatrabaho ko. Hindi ko iniinda ang pagod sa pagsasabay ng trabaho at pagre-review dahil iniisip ko na para ito sa kinabukasan namin ng taong mahal ko. Ang taong nagmulat sa akin na may kagandahan pa ang buhay. Ang taong nagturo sa akin kung paano muling ngumiti sa kabila ng mga bagyong dumaan sa buhay ko.

I haven't heard from Dad again. Sa totoo lang ay wala na rin dapat akong pakialam, pero hindi ko naiwasang manlumo at malungkot. I know I should hate him for all the things he did to me, for the physical pain he inflicted and for breaking my heart repeatedly. But I guess, this is how it goes for the people that matters to us. Kahit hindi man natin gustuhin, mananatili tayong nangungulila sa pagmamahal nila. Mananatili tayong mapagpatawad sa mga kasalanan nila.

My Dad, he never asked for forgiveness, but I know in my heart that I will forgive him someday. Siguro hindi pa sa ngayon, dahil ngayon ay narito pa rin ang sakit. Pero alam kong darating ang araw na kaya ko na ulit siyang harapin nang walang sama ng loob na dinadala. Sana nga ay dumating ang araw na iyon.

It's tiring to work two jobs at a time, but having Selene made me forget all my worries and weariness. Siya ang pahinga ko sa mga panahong pagod na pagod ako. Ang isipin na lahat ng paghihirap ko ay magbubunga at magdudulot ng maganda para sa kinabukasan namin ang siyang nagtutulak sa akin upang lalong magpursige.

"Are you ready for tomorrow?" she asked.

Tumango ako. Narito kami ngayon sa simbahan, tahimik na nag-aalay ng panalangin para bukas. I prayed to God to give me knowledge and wisdom to answer the questions correctly. Hindi ko man aminin, nilalamon na ng kaba ang puso ko.

"I'm ready, but I'm nervous..." I told her honestly.

With Selene, I didn't have to lie about how I feel. Only Selene has the power to calm the storm in me, and make me at peace.

Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti siya sa akin. Just like what she does everytime, her smile could easily lift my spirits up no matter how foul my mood is. Ganoon ka makapangyarihan ang ngiti niya. And her words, it is always full of conviction, I never had a doubt.

"Bakit ka naman kakabahan? Remember, it's your dream, Noah. You gave everything for this dream, and tomorrow, I know you will do well. Naniniwala ako sa kakayahan mo. Alam kong makakapasa ka, kaya tiwala lang, Noah. I love you," mahina pero puno ng damdamin niyang saad.

Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. Kumalabog ito, at yumanig nang sobrang lakas na para bang sasabog ito sa labis na saya. How can I doubt myself when she believes in me?

"I love you, Selene. Thank you for believing in me always," bulong ko sabay patak ng isang masuyong halik sa kanyang noo.

Kinabukasan, maaga pa akong pumunta sa Testing Center. I was nervous, but I kept thinking about Selene and our future. It was what motivated me to go through the day. Mabilis na natapos ang araw na iyon. Kabado pa rin ako, pero kasunod noon ang kasabikan sa magiging resulta ng exam. Sa loob ng tatlo hanggang limang araw ay lalabas na ang resulta at malalaman kung nakapasa ba ako.

Break namin sa trabaho sa convenience store noon. Nakaupo kami sa bench na nasa labas ng store. Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang site kung saan naka-post ang listahan ng mga naka pasa sa board exam para sa Civil Engineering.

LDA #10: When The Last Petal FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon