NOAH
Six Years Ago...
"Good afternoon, Mr. Colton. I'm Atty. Leandro Cortez, your mother's lawyer," the middle-aged man introduced himself as sat on our table.
Nandito kami ngayon sa Sweet Souls Coffee and Pastry Shop para pag-usapan ang mga habilin ni Mommy.
Tumayo ako at naglahad ng kamay. "It's nice to meet you, Atty. This is my girlfriend, Selene," pakilala ko kay Selene na nakaupo sa tabi ko at kumakain ng kanyang request na cheesecake.
Ngumiti sila sa isa't isa. "Good afternoon, hija. Anyway, hijo, narito ako para i-discuss ang Last Will ng Mommy mo. Lingid sa kaalaman ng Daddy mo, nagpagawa ang Mommy mo ng Last Will noong nabubuhay pa siya. Ito 'yong panahong nalaman niya ang tungkol sa kanyang karamdaman," panimula ni Atty. Cortez. Tumango-tango ako sa mga sinabi niya. Ang alam ko lang ay mayroon akong Trust Fund mula kay Mommy na makukuha ko lang pagtungtong ko ng edad na twenty-one. Hindi ko alam na mayroon pala siyang Will na iniwan.
Nagsimula na si Attorney sa pagbasa ng Will at isa-isa niya iyong pinaliwanag sa akin. "Mayroong beach property ang Mommy mo sa Surigao. Malawak iyon, at kung interesado ka ay pwede kang magtayo roon ng Resort. Narito sa akin ang Titulo at wala ka na ring problema rito dahil na-transfer na sa'yo ang pangalan nito." Aniya. Namilog ang mga mata ko sa narinig ko. I didn't know about that. Hinawakan ko ang kamay ni Selene, sa isip ko ay mayroon na akong plano para roon.
"About your Trust Fund, I will give you the account number and the passbook. I trust that you're already old enough to use your resources well," saad ni Attorney.
"Maraming salamat, Attorney. This is a big help for me. I already have plans on how to utilize my fund, and I'm thinking of investing it on business while I slowly establish my own Engineering Firm," nasasabik kong sagot.
"That's good. I'm sure your Mom will be proud of you, and of the man you've become," puri niya. Ngumiti lang ako dahil alam kong malayo pa ako roon. Marami pa akong plano at pangarap na gusto kong maabot. "Anyway, noon pa man ay pinagmamalaki ka na ng Mommy mo. I'm not only her lawyer, I am also her friend. I know of her sorrows, and her pain. And if only there was a way I could take it away, but only her can battle her demons. Pero sa kabila ng lahat, kahit noong unti-unti na siyang ginagapos ng karamdaman niya, ikaw pa rin ang inuuna niya. Iniisip niya kung ano'ng mangyayari sa'yo kung sakaling wala na siya rito sa mundo. And this is why she did all these things behind your Dad. She knows your Dad will only take away everything from you. To put it in a Last Will is the best way, because Wills are irrevocable. Walang magagawa ang Daddy mo kundi ang sumunod sa kung ano ang nakalagay sa Last Will ng Mommy mo." He explained.
Ngumiti ako. Sa totoo lang, hindi naman talaga ito ang kailangan ko. Kahit wala na itong mga kayamanan na to, basta buhay lang si Mommy, sobra pa ang kasiyahan ko. Pero hindi ko na maibabalik pa ang panahon. Siguro nga, mas mabuti na rin ito kaysa sa buhay nga si Mommy pero puro naman pasakit ang nararamdaman niya.
"Thank you, Attorney, sa pagdamay sa Mommy ko noong nabubuhay pa siya. She's an angel, and she didn't deserve to be married to a monster like Dad," my voice cracked. Lumungkot din ang mukha ni Attorney sa sinabi ko. "She's also selfless. I'm forever grateful to have her as my Mom. At kahit wala na siya rito ngayon, her love lives in me. Kaya salamat po, dahil nagkaroon siya ng tunay na kabigan noong buhay pa siya," sambit ko. Gumaan ang pakiramdam ko na malamang hindi rin nag-isa si Mommy noon. Selene held my hand, I smiled at her to tell her I'm okay.
"Your mother is a good person. She deserved the world, but you're right. She's an angel, and this world didn't deserve her. Anyway, it's nice to finally meet you, Noah. If you need anything, don't hesitate to contact me. I will be glad to assist you with anything." Aniya. Binigay niya sa akin ang briefcase na naglalaman ng mga dokumento. Nandoon ang kopya ng Last Will, ang Titulo ng lupa sa Surigao at ang passbook kung saan nakalagak ang perang iniwan ni Mommy sa akin. I still can't believe that it's really happening.
BINABASA MO ANG
LDA #10: When The Last Petal Falls
RomansaLagrimas De Amor Series 10: When The Last Petal Falls A Collaboration Series. Have you ever wondered how deep you could peer into someone's soul, when you look into their eyes? When Astrid first laid her eyes on Noah Colton, she knew that instant th...