13: TEMPORARY HAPPINESS

48 4 0
                                    

Astrid's POV

"Here, eat this."

Tahimik kong kinuha ang mangkok na naglalaman ng noodles na niluto ni Noah. I couldn't stand looking into his eyes without feeling embarrassed.

Ngayon lang nag-sink in sa akin ang lahat ng mga salitang binitiwan ko kanina, and it made me feel so low. What does he think of me now? Iniisip niya kaya na sobrang desperada ko? Hindi ako mapakali.

Sunod-sunod ang naging paghigop ko, habang pilit na iniwasan ang kanyang mapanuring mga mata.

"What are you thinking?" his voice was hoarse.

I looked at him, and saw him staring at me intently. Bumalik na sa dati ang kanyang mga mata. Halos matunaw ako sa lamig ng kanyang titig, malayo sa mainit niyang titig kanina habang magkahugpong ang mga labi namin.

"W-wala..." nauutal kong sagot.

Tumaas ang kilay ni Noah, na para bang sinasabi niyang hindi siya naniniwala sa akin. Umirap ako sa kanya at bumalik na lang sa pagkain. Hindi ko pa rin kayang makipagtitigan sa kanya, lalo na at muli ko na namang naaalala ang mga pinagsasabi ko kanina.

Gaga ka talaga, Astrid!

Muli akong nag-angat ng tingin nang maramdaman ko ang mainit na kamay ni Noah na nakahawak sa kamay ko.

"Don't think about anything for now. We'll talk about it later," aniya na para bang alam na alam niya ang laman ng isipan ko.

Hindi ako sumagot, dahil pakiramdam ko ay lalo ako'ng napapahiya sa tuwing bubuka ang bibig ko. Kahit ako ay hindi makapaniwala na sinabi ko ang mga bagay na iyon. I mean, since when did I became that aggressive?

Pagkatapos naming kumain ay magkatabi kaming umupo sa maliit na kawayang sofa na naroon sa maliit na sala. Noah slowly moved, eating the space between us until our skins touched. Agad na tumindig ang balahibo, para akong kinukuryente at unti-unti kong naramdaman ang init ng braso ni Noah. Napatingin ako sa kanya, iniisip kung nararamdaman din ba niya iyon. Umawang ang labi ko nang natanto kong nakatitig din siya sa akin.

Ang kanyang mga mata ay malamlam, kakaiba sa paraan ng kanyang pagtitig kanina. Ngayon ay kinakain ako ng matinding kaba dahil sa kanya. Matagal nang tumila ang ulan, ngunit ang puso ko ay patuloy pa ring nagrarambulan. Tila ba hindi na ito hihinto sa pagtibok ng malakas kapag si Noah ang kaharap ko.

What is this? Am I really falling for him?

Ilang beses kong tinanong ang sarili ko sa isipan ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko, pero hindi ko pa rin alam ang sagot. Wala akong maisip na ibang sagot, maliban sa posibilidad na baka nga nahuhulog na ako sa kanya. Gusto kong kontrahin ang sarili ko. Ilang araw pa lang kaming nagkakilala, at hindi rin ganoon ka ganda ang naging mga tagpo namin noong una. Pero hindi ko rin maisasawalang bahala ang obvious na tension sa aming dalawa. At ngayon nga ay tuluyan kaming nagpadala sa tensyong iyon.

"Nagsisisi ka ba?" He asked.

"H-Ha?" gulat kong sagot.

Para akong hinugot mula sa panaginip. Sinubukan kong tumingin sa kanya, ngunit sa huli ay binawi ko rin ang tingin ko dahil nahihiya ako. Inulit ko ang tanong sa isipan ko, pilit na hinahanap ang pagsisisi sa puso ko ngunit wala akong makapa. Alam ko sa sarili ko na hindi ako nagsisisi. Nahihiya siguro, pero hinding-hindi ako nagsisisi.

"I said, nagsisisi ka ba? Did you finally realize that I'm not worth it? That you shouldn't have said those words earlier?" malamig niyang tanong.

Umawang ang labi ko. Ganoon ba ang iniisip niya sa pananahimik ko?

LDA #10: When The Last Petal FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon