28: THE AFTERMATH

49 2 0
                                    

NOAH

Six Years Ago...

"Noahhhhhhh..."

"Selene, no!" nanginginig na sigaw ko. I opened my eyes and realized I was dreaming. Bahagyang kumalma ang puso kong nagwawala, buti na lang at panaginip lang pala.

"How are you feeling?"

Lumingon ako sa nagsasalita at bahagya pang nagulat nang makita ko si Dad, nakaupo sa tabi ng kamang hinihigaan ko. Bakit nandito siya sa apartment ko? Paano siya nakapasok? I looked at him with confusion.

Why is he asking me if I'm okay? And what is he doing here?

The last time I remember, I told him to stay away from me. Kaya bakit siya nandito ngayon? Gulong-gulo ang isipan ko. Hindi ko siya sinagot, bagkus ay nilibot ko ang paningin ko. Puro puti ang kulay na nakikita ko. Mula sa ceiling ng kwarto, sa dingding at maging ang kurtina ay dirty white.

Teka, hindi ito ang kuwarto ko!

Tiningnan ko ang sarili ko. Nakasuot ako ng kulay asul na hospital gown, at mayroong IV sa kanang kamay ko. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Bumalik sa akin ang panaginip ko kanina. Masaya kami ni Selene sa ibabaw ng burol. She gave me a gift, it was a pregnancy test kit. It says positive. I was so happy, we were so happy!

Then we drove down the hill. There's a truck going in our direction. The car collided with the truck. I heard Selene's painful scream! I saw her bloodshot eyes! She wasn't moving!

Tumulo ang luha ko. It was just a dream, right?

Then why do I have a lot of bruises? May bandage sa ulo ko at mga paa. Marami akong sugat. Panaginip nga lang ba iyon?

"Anak..." Dad's voice cracked.

I looked at him. He was sad, and he looked sorry.

"B-bakit ako nandito, Dad? Nasaan si Selene? Bakit wala siya sa tabi ko?" nanginginig kong tanong.

Saglit siyang tumahimik at tila nag-iisip pa kung ano ang sasabihin niya sa akin. "Ano, Dad? Bakit ikaw ang nandito? Nasaan si Selene?" Sigaw ko sa kanya.

"She's gone, Noah. Wala na siya," mahina niyang sagot.

"Hindi! Hindi totoo iyan! Nagsisinungaling ka lang! Ayaw mo lang siyang ipakita sa akin dahil gusto mo kaming paghiwalayin! Para bumalik ako sa'yo!" Histerikal na sigaw ko.

Hinablot ko ang IV at tinanggal mula sa kamay ko. Agad itong dumugo.

"Noah! Calm down, don't do that!" natataranta niyang sigaw sa akin pero hindi ako nagpatinag. Aalis ako dito. Hahanapin ko si Selene. Pupuntahan ko siya, sila ng anak namin. Sinubukan kong tumayo, ngunit natigilan ako nang hindi ko maigalaw ang kanan kong paa. "Ano'ng nangyayari sa akin? Why can't I move my leg?" mas malakas kong sigaw.

"Noah, anak—"

"Shut up! Bakit hindi ka pa umalis dito, Dad? I don't need you! Si Selene ang kailangan ko!" nagpatuloy ako sa pagsigaw.

"She's dead—"

"Bawiin mo ang sinabi mo! She's not dead! She's not dead... W-we're going to have a baby, Dad! Bawiin mo!" umiiyak ako habang sumisigaw.

Ang sakit-sakit ng dibdib ko. Hindi totoo yon! Buhay siya! Magkasama kami kanina. I even proposed to her, right? Hindi ko napigilan ang magwala sa loob ng hospital room. Natatarantang lumabas si Dad.

Kinuha ko ang mga pagkain at prutas na nakapatong sa lamesa katabi ng kama ko. Buong lakas kong pinagtatapon ang lahat ng mahawakan ko! Fuck! Ang sakit! Parang hinuhugot ang puso ko sa sobrang sakit! Bumuhos ang luha sa mga mata ko. Hindi ito totoo!

LDA #10: When The Last Petal FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon