WARNING: R-18
NOAH
Six Years Ago...
"Okay ka naman ba rito?"
Huminto ako sa ginagawa kong pag-aayos nang marinig ko ang boses ni Selene. Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit na dinala ko rito sa apartment. I thought about her question and smiled when I realized the answer.
"I'm more than okay, Selene. In fact, I've never been better. Ngayon pa lang ay nalalasahan ko na ang kalayaan," I grinned.
It was a tough decision, but it was worth it. Patago kong inihanda ang mga damit ko at unti-unting dinala rito. Little by little, I managed to transfer my things in the apartment without Dad's knowledge.
I was excited and giddy. Ngayon ko lang susubukan na tumayo sa mga paa ko, pero hindi ako natatakot. Lalo na at alam kong kasama ko si Selene sa desisyong ito. Kahit pa tumutol siya noong una, pero kalaunan ay naintindihan niya rin ako.
I'm positive that this will finally set me free. Ito lang ang nakikita kong paraan upang magbago ang takbo ng buhay ko.
"I'm happy for you, Noah. Basta ha, lagi mong tatandaan na nandito lang ako para sa'yo." Hinawakan niya ang kamay ko matapos niyang sabihin iyon.
Ngumiti ako sa kanya at dinala ang kanyang kamay sa labi ko. Ah! I love this feeling! Sobrang gaan ng puso ko sa tuwing kasama ko siya. Para bang wala ako'ng problema na iniinda, at sapat na ang presensya niya para makalimutan ko ang mga alalahanin ko.
"That's why I really love you, Selene," I whispered.
Pumula ang kanyang mukha, bago siya ngumiti sa akin at nagsalita, "Mahal din kita, Noah."
Bumaba ang mga mata ko sa labi niya, bago ko siya tuluyang hinalikan. Agad siyang pumikit at pinulupot niya ang kanyang kamay sa leeg ko.
Para ko na ring naabot ang langit sa tamis ng halik niya. Hindi ako magsasawa na angkinin ang mga labi niya kahit hanggang sa pagtanda naming dalawa. I know it's too early to say those things, but she's the only woman I can see in my future.
"I love you," I whispered again after releasing her lips.
"Mahal din kita, pero tapusin muna natin ang pag-aayos ng mga gamit mo. Mamaya, hindi ka na naman matapos sa kakahalik mo sa ‘kin," namumulang sagot ni Selene.
I let out a soft chuckle before I continued arranging my things. Of course, she's always right. Whenever our lips touches, it's almost like all my senses are leaving me. I'm lost, so lost in our kisses that I wished we'd never have to stop.
Habang abala ako sa pag-aayos ay nagluto naman si Selene sa kusina. Kanina ay namili na rin kami ng groceries at stocks para sa apartment. Hinayaan ko na lang muna siya sa kusina at tinapos ang ginagawa ko.
I was sweating when I was finally done with my chore. Kumuha ako ng simpleng V-neck T-Shirt at cotton shorts para pamalit, bago ako tumulak sa banyo at naligo.
Paglabas ko ng banyo ay agad na sumalubong sa akin ang mabangong amoy ng pagkain na niluluto ni Selene. Bigla tuloy humilab ang tiyan ko at agad akong nakaramdam ng gutom.
Tahimik akong lumapit sa kanya. She was so focused in cooking that she didn't even notice my presence. Pinulupot ko ang mga kamay ko sa kanyang baywang at pinatong ko ang baba ko sa kanyang balikat. I smiled a little when I heard her gasp.
"What are you cooking?" I asked.
"Adobo lang, Noah. Malapit na rin itong matapos," aniya sa mahinang boses.
BINABASA MO ANG
LDA #10: When The Last Petal Falls
RomanceLagrimas De Amor Series 10: When The Last Petal Falls A Collaboration Series. Have you ever wondered how deep you could peer into someone's soul, when you look into their eyes? When Astrid first laid her eyes on Noah Colton, she knew that instant th...