21: LOVE IS A GAMBLE

42 2 0
                                    

Astrid's POV

Hindi ko alam kung ano'ng oras ba ako nakatulog, pero nagising ako na mataas na ang sikat ng araw. Bumalik ang pinong sakit sa puso ko nang naalala ko ang nangyari kanina.

Ginising ko si Noah dahil alam kong nananaginip siya. Hingal na hingal siya, at halos tuliro pa. Bakas din ang gulat at pagkalito niya nang makita niyang ako ang kasama niya. Hindi ko maintindihan, pero parang kinurot ng pinong-pino ang puso ko dahil sa nangyari.

"O-Okay ka lang?" maingat kong tanong.

"Yes, Astrid," malamig niyang sagot.

Bigo ako nang marinig ko iyon. Parang bumalik kami sa dati, pero agad ding napalitan ng kaunting saya nang hilahin niya ako palapit sa kanya at ikinulong sa kanyang bisig.

"I'm sorry, it's just a bad dream. I didn't mean to wake you up. Let's go back to sleep," bulong niya sabay halik sa noo ko.

It should have made me feel better, but on the contrary, lalo lamang bumigat ang nararamdaman ko.

Narinig ko ang mahihinang hilik ni Noah. Sinubukan kong matulog, pero parang sirang plaka na paulit-ulit sa isipan ko ang pangalan na binanggit niya.

Sino si Selene?

Humikab ako at kinusot-kusot ang mga mata ko. Wala na si Noah sa tabi ko, at hindi ko alam kung umalis na ba siya. A part of me wished he stayed because I still want to see him. And a part of me wished I wouldn't see him today dahil ayaw kong maalala ang pangalang 'Selene' kapag nakita ko ulit ang mukha niya.

Nagtatalo ang isipan ko kung tatanungin ko ba siya o hindi. Pero sa huli, pinili kong huwag na lang dahil ayaw kong malaman ang sagot niya. Duwag na kung duwag, pero natatakot akong may matuklasan ako sa sagot niya, at natatakot ako na baka makaramdam ako ng sakit kapag nagsabi siya ng totoo. Natatakot akong masaktan, dahil alam ko na wala akong karapatan.

Whatever we have, it's just lust. We gave in because the tension was too strong. Unang araw ko pa lang dito ay naramdaman ko na iyon. At hindi ko siya masisisi kung pinatulan niya rin ako. Ginusto ko ito. I initiated this so I shouldn't be complaining.

I tied my hair in a ponytail and walked out of the room. The aromatic smell of fried rice and bacons hung in the air, immediately filling my nostrils. Agad akong nakaramdam ng gutom, kaya dumiretso na ako sa kusina kung saan naroon si Noah. Nakatayo siya sa harap ng kalan habang nagluluto.

Ilang beses kong kinurap-kurap ang mga mata ko para siguruhin na totoo ang nakikita ko. When I opened my eyes again, he's still there. Standing topless, dressed only with a boxer shorts and an apron. Basa pa ang kanyang buhok, senyales na katatapos niya lang maligo.

My heart started beating involuntarily. Sabi ko kanina, okay lang na wala siya rito. Pero ang totoo, unconsciously ay mas gusto ko pala na narito siya. Parang hinaplos ang puso ko sa isiping hindi niya ako iniwan pagkatapos na may nangyari sa amin.

He turned his head and saw me standing near him. Bigla tuloy akong na-conscious dahil hindi pa pala ako naliligo. Unlike him, he looked so fresh and he smells damn good.

"Good morning," he greeted and smiled.

"Morning. Ano'ng oras na?" I asked.

"Alas nuwebe. Gutom ka na ba? Umupo ka na, malapit na rin naman ito." He motioned for me to sit.

Tumango ako at lumapit na sa upuan. Hindi ko maiwasan na pagmasdan ang kanyang katawan. His shoulders were broad, and his body is muscular. Siguro ay dahil nagsu-surfing siya kaya ganito ka ganda ang katawan niya. Umiling ako dahil kung saan-saan na naman ako dinadala ng mga iniisip ko.

LDA #10: When The Last Petal FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon