Chapter 21.1
Themesong for this chapter: Abot Langit by Silent Sanctuary
To Listen to it, play the video on the lower right corner of the page. Enjoy! :)
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
*5:15pm*
"Ano na kayang nangyari kay Kevin? Halos 15 minutes na ang nakalipas. Naiinis na ako ah. Ayoko sa lahat yung pinag iintay ako na parang t*[nga. ugh! di man lang magsabi kung nasaan siya. Hay nako! Makauwi na nga!" -Me
Naglalakad nako papunta sa waiting shed para makasakay na ako sa jeep ng biglang...
Umulan ng malakas -__-
"What the! pauwi na ko eh! ngayon pa talaga umulan?! uugh! wala pa naman akong payong, paano na ko makakauwi niyan? T__T" - Me
Bumalik na lang ulit ako sa tapat ng resto, papatilain ko na lang muna yung ulan
*5:30pm*
Hindi parin humihina ang ulan
"Des!" - Kevin
Napatingin ako sa taong tumawag ng pangalan ko ng may puno ng inis ang aking muka pero sa isang saglit, nagkaroon na lang bigla ng malaking ngiti sa aking labi. Nakita ko ang lalaking pinag intay lang naman ako ng isang oras at dahil sa tagal niya ay inabutan ako ng malakas na ulan. Siya yung lalaking dapat sinusungitan, kinaiinisan at inaaway ko pero ni isa dun di ko nagawa...
" :) " - Me
"Des! Kanina ka pa nag iintay dyan? Sorry!! sobrang late na kasi kami dinismiss nung prof namin. Sorry talaga! Wag ka na magalit..." - Kevin
"Okay lang, hindi ako galit :)" - Me
Hindi ako masyado nagsasalita, dahil ang daming tumatakbo sa utak ko ng mga oras na yun. Na-weiweirduhan ako sa sarili ko kung bakit di ko magawang magalit sakanya. Para bang mas importante sakin na nandito na sya kaysa sa dinanas kong pagkatagal tagal na paghihintay sakanya.
"Ano? tara na?" - Kevin
"Uhm..teka lang! wala akong payong eh... :|" - Me
"Meron ako! Ito oh :)" - Kevin
":)" - Me
Inabot sakin ni Kevin ang payong niya, ng di ko namamalayan, bigla na lang siyang tumakbo sa ulan.
"Kevin! wait lang! wag ka magpaulan!" - Me
"Okay lang ako! tara! :)" - Kevin
Nang makarating ako sa waiting shed, nandun na siya basang basa sa ulan. Pero kahit basang basa na siya, nagawa pa niyang ngumiti sa akin. Sinimangutan ko siya dahil naiinis ako sa ginawa niya.
"Ito na yung payong mo! Salamat! >:| " - Me
"Sabi na nga ba galit ka sakin eh.." - Kevin
"di ko naman talaga sinasadyang malate eh :(" - Kevin
"hindi ako nagagalit dahil dun!" - Me
"Eh dahil saan??" - Kevin
"Bakit kelangan mo magpaulan?! kaya nga nagdadala ka ng payong dahil ayaw mo maulanan diba? tapos pinahiram mo na nga lang, hinayaan mo pang mabasa ka sa ulan!" - Des
...Nginitian niya ako bigla...
"Bakit ngingiti ngiti ka pa diyan?!" - Me
"Eh kasi pinaghintay kita ng halos isang oras, pero di ka nagalit. Tapos naulanan lang ako, galit na galit ka na. hmm :)" - Kevin
"Tigilan mo ko sa mga ngiti mong yan ah!" - Me
"Ang suuuuuweeeeeeeeet! HAHAHA" - Kevin
"Di ako natutuwa Kevin ah! Bahala ka nga jan!" - Me
Sumakay nako ng jeep dahil di ko alam kung gaano katagal ko mapaninindigan yung simangot ko sa muka lalo na't nalulunod nako sa mga tingin niya
"Uy Des! Saglit lang! To naman oh! binibiro lang eh." - Kevin
Nang nakasakay na kami sa jeep...
"San ka bababa?" - Kevin
"Sa rivera street" - Me
"Manong! Bayad po, dalawang studyante. Isang sanco, isang rivera" - Kevin
"Ito yung bayad ko oh" - Me
"Di na, okay na :)" - Kevin
"Oh nakabawi nako ah! May kasamang libreng pamasahe at payong na yung sorry ko :)" - Kevin
"Sino bang may sabi na ilibre mo ko ng pamasahe at pahiramin mo ko ng payong??" - Me
"So galit ka parin?" - Kevin
"Kung gusto mo mag sorry. mag sorry ka lang! di yung kung ano ano pang ginagawa mo eh hindi ko naman hiniling sayo yun. and in the first place, di naman ako nagalit sayo ah" - Me
"Nagalit ka eh. Dahil sa payong.." - Kevin
"Sa susunod na magpapaulan ka. Sabihin mo sakin! Para dadalhin kita dun sa may baha pa! para malunod ka!" - Me
Sakto, nasa rivera street na kaya bumaba nako, pagka baba ko tinext ko siya. dinugtungan ko yung sinabi ko sakanya.
"...para malunod ka!...sa pagmamahal ko :"> HAHAH CHOS! ingat! :)" - Me (Sent)
" :"> " - Kevin
*Kinabukasan (uwian na eskwelahan)*
*Text Message Received
"Des...ang lakas ng ulan...wala akong payong, nakalimutan ko..San ka? pwede makisilong? :(" - Kevin
*Kevin Calling..
"Hello? Kevin! Wait lang, pupuntahan kita!" - Me
"San ka na?" - Kevin
"Uuuhmm... nasa jeep na ko, pero pababa nako! puntahan kita! wait lang" - Me
"aah wag na! okay lang. uwi ka na. ingat! :)" - Kevin
"Teka lang! Asan ka??" - Me
Biglang binaba agad ni Kevin ang telepono...
"Haay! Kevin! Pano kita mapupuntahan nyan! haaay nako!" - Me
Bumaba parin ako ng jeep. Hindi pwedeng iwanan ko si Kevin ng ganun ganun na lang. Kahit naman dumiretso ako pauwi, di rin ako matatahimik sa kakaalala sakanya. Mas mabuti ng puntahan ko na lang siya...
Pero saan??
*Calling Kevin Seval
"Kevin...sagutin mo yung tawag ko please...Asan ka na ba kasi?" - Me
*3 missed calls to Kevin Seval
"Ugh! Ano ba...sagutin mo na!! T__T" - Me
"Hello?" - Kevin
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Finally! Sinagot rin ni Kevin ang mga tawag ni Des. Magkita na kaya sila? Asan na kaya si Kevin? Figure it out on the next upcoming chapter!
BINABASA MO ANG
Crush nga lang ba o Pag-ibig na? (Ongoing series)
RomanceSabi nila may stages daw ang pagmamahal... 1st stage - Like 2nd stage - Crush 3rd stage - (severe na to) LOVE....