Chapter 18: My Rockstar

208 4 3
                                    

Chapter 18: My Rockstar

Ilang weeks na lang before graduation, nagkaroon ng "huling birit" ang mga 4th year students para sa school year 2010-2011. Nagpasikat ang mga talentadong estudyante ng aming eskwelahan. May mga kumanta, sumayaw at mga bandang nagsitugtugan.

"Des! Mamayang hapon ng 4pm dalhin mo naman si Melissa sa harap ng stage oh. Please!!"- Kevin

"Bakit? ano meron at nang-iistorbo ka?" - Me

"Basta!! Dali na! Pumayag ka nanaman sa favor ng pinaka-cute mong crush!! ;D"- Kevin

"Ay! wag na! Ang kapal eh! Kapal lang ng muka. haha" - Me

"Ito naman oh! Minsan lang ako manlambing eh. Dali na please!! Ako na ang pinakamasayang lalake pag ginawa mo iyon ;)" - Kevin

"Okay, Fine! Ano pa bang magagawa ko kung yun yung ikasasaya mo? haha" - Me

"Yes!! The best ka talaga Des!!" -Kevin

"Oh! umalis ka na sa harapan ko baka magbago pa isip ko"- Me

"Sige, aalis na po. basta mamaya hah! dapat nandoon ka rin hah. kayong dalawa una kong hahanapin mamaya ;)" - Kevin

"Oo na! Alis!" - Me

"Wait lang, eh bakit parang kanina pa mainit yung ulo mo? Share muna! :)" - Kevin

"Basta! tinatamad ako ikwento, nakakainis lang lalo" - Me

"Weeh..dali na Des, anong nangyari?" -Kevin

Naupo siya sa tabi ko nang biglang nag ring yung celphone ko. Nakapatong sa tabi ko yung celphone. Tinignan ko lang yung celphone at dinedma ko. Kinuha bigla ni Kevin yung phone ko.

"Wag mong sasagutin!!" - Me

"Eh sino ba itong tumatawag sayo? Unkown number. Kilala mo ba ito" - Kevin

"Unknown number nga diba? Edi sana may pangalan yan kung kilala ko" - Me

"Eh bakit di mo sagutin para matanong mo kung sino? Sagutin ko na ah" -Kevin

"Wag!!!! Nasagot ko na yan kanina" -Me

"Ano sabi? Sino daw?" - Kevin

"Wala! Eh parang sira eh. tinatanong ko ng maayos kung sino, siya daw yung huling nagpatibok ng puso ko. Ang kapal! Uugh! >:|" -Me

"Kapal nun hah! diba ako dapat yun? hahaha joke! SMILE na! Ano ka ba!" - Kevin

"laughtrip ka rin eh! haha oh, alam mo na kung bakit badtrip ako, alis na!" - Me

"Oookay.. bye Des! 4pm mamaya hah! wag mo kakalimutan. ay! tsaka wag mo ng sasagutin yang unknown number na yan hah!" - Kevin

"Opo! bye! hahaha" - Me

---4pm---

Dinala ko si Mel sa harap ng stage sa quadrangle ng school namin

"Anong gagawin natin dito?" -Mel

"Di ko rin alam, haha pero wait ka lang ;)" - Me

May nagsalita na sa stage. Mag uumpisa na daw ang "Battle of The Bands" kung saan magpapakitang  gilas ang mga music bands na nagmumula sa 4th year students.

Pinakilala na ng host ang unang magpeperform. At sa aking gulat, ang isa sa mga gitarista ng bandang iyon ay si Kevin. Lumabas siya sa stage ng may malaking ngiti sakanyang  muka. Dali dali siyang naghanap sa audience at nung makita niya si Mel na nandoon, nanlaki lalo ang kanyang mga ngiti. Dahil sa nakita kong mga ngiti niya, napangiti narin ako. Nawala yung init ng ulo. Natuwa ako na napasaya ko nanaman ang kaibigan ko at ang lalaking minamahal ko :"">

Crush nga lang ba o Pag-ibig na? (Ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon