Chapter 6: Wag kang magtatanong.. ayokong mayrong aminin
Kevin Seval: DES...kanino ka inlove? :)
******Destiny's POV*******
Hala...Hala.Hala.Halaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!
ano na sasabihin ko? alam ko na! lulusutan ko na lang ito..
*Chat*
Destiny Reyes: Wala...bakit mo naman natanong?
Kevin Seval: Halata naman sa mga wall post mo eh, tsaka panay asar kaya si Abby sayo tungkol sa love mo... buti pa si Abby alam na niya....
Destiny Reyes: Wala yun ! baliw baliw lang yun si Abby. Hahah!
Kevin Seval: Psh.. ayaw mo lang sabihin eh, di mo ko pinagkakatiwalaan..
Destiny Reyes: Tampo ka na niyan? haha
Kevin Seval: Oo, di tayo bati..>:p
Destiny Reyes: Hala, galit agad? ....
Kevin Seval: Sabihin mo na kasi...
Destiny Reyes: Eeeeeeeh......
Kevin Seval: Okay, wala talaga siyang tiwala sakin...sige.. wag mo na sabihin.. okay lang :| gudnight
Destiny Reyes: Halaa... sige na nga.. sasabihin ko na... nakakahiya kasi eh, bukas ng umaga... lapitan mo ko sa school. sasabihin ko sayo promise! :) gudnight! sweetdreams
*End of Chat*
Alam ko namang hindi ako pinapansin ni Kevin sa personal eh kaya i'm sure... hindi niya matatanong sakin kung sino ang crush ko. haha ang smart ko talaga :D
--------early morning sa school-------
"Ate! tulungan mo ko... nagtatanong na si Kevin tungkol sa crush ko. at nagtatampo siya pag di ko sinasagot yung mga tanong niya...ano na gagawin ko :((((((((((((" - Me
"Lagot ka!!!! Aminin mo na sakanya! crush lang naman eh! arte neto! haha" - Abby
"Baliw ka ba?! hindi ko nga maamin kina Jane, sakanya pa kaya?! Sabi ko nga kay Kevin sasabihin ko sakanya ng personal. Kelangan ko siyang iwasan!!!" - Me
"Ayan na si Kevin!" -Abby
Tumingin lang ako sa baba, baka sakaling di niya ko mapansin "( _ . _ )" -Me
Dumiretso lang si Kevin sa upuan niya at umidlip. Mukang puyat... Pano ba naman, anong oras narin nung magkachat pa kami. Late na non.
------------hours later-----------
*kriiiiiiiiiiiiiiiing! kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
uwian na! phew! di nako nalapitan ni Kevin..Thank you lord!!!!!!!!
nakauwi na ako sa bahay...tapos na lahat ng dapat gawin kaya nagcheck na uli ako ng fb..
*1 notification* Kevin Seval posted in your wall.
Kevin Seval: Des, nakalimutan ko itanong sayo kanina.hm.sayang!
Nag post din ako sa wall niya kasi hindi pa siya online sa chat..
*Kevin Seval's Wall*
Destiny Reyes: Wala ! Wala ! Kinakalimutan mo lang! wag mo na kasi alamin! haha :p
-------------------minutes later--------------
*Kevin Seval is now online*
*Chat*
Kevin Seval: DES! sorry na! nakalimutan ko talaga.. sino ba kasi siya?
Destiny Reyes: Wala! binigyan kita ng chance para malaman tapos kinalimutan mo lang. tsk wag na. HAHAH >:p
Kevin Seval: Sorry na nga eh :( dito mo na lang kasi sabihin..
Destiny Reyes: Nandito na Dad ko, I have to go.. bukas na lang..
Kevin Seval: Sige bukas ah! tatabi ako sayo..sabihin mo na kung sino ah :)
Destiny Reyes: Okay
*Chat ended*
Palusot ko lang yung pagdating ng Daddy ko para matapos na namin ang usapan namin ni Kevin.
Alam ko kasi, walang tigil nanaman yun magtatanong sakin tungkol sa crush ko T__T ang hirap kaya mag change topic sakanya pag tungkol sa crush ko na ang pinag uusapan.
Patulog na ako nung sumagi bigla sa isipan ko yung sinabi ni Kevin...
"Sige bukas ah! tatabi ako sayo...sabihin mo na kung sino ah :)"
Kinabahan ako bigla... tatabi kaya siya bukas? imposible... -__-
----------------------------------------------------------------------------------------------------
Malapit na... at mag uusap na rin si Des at Kevin ng personal...
Matuloy na kaya ang paglapit ni Kevin sakanya sa school bukas? o matakasan nanaman ito ni Des? ...
QUESTION FOR THIS CHAPTER: Ano sa tingin niyo ang the best na palusot na pedeng gawin ni Des pag tinanong na siya ni Kevin kung sino ang crush niya sa personal ? leave your comments !! :)
Theme song nga pala ng chapter na ito and from the title itself....
"wag kang magtatanong by Yeng Constantino" ----------------------------------->
play the video while reading this. sobrang nakakarelate siya sa chapter na to. believe me ! ;)
BINABASA MO ANG
Crush nga lang ba o Pag-ibig na? (Ongoing series)
RomanceSabi nila may stages daw ang pagmamahal... 1st stage - Like 2nd stage - Crush 3rd stage - (severe na to) LOVE....