Sorry!! super tagal bago ako nag update. This past few days i don't feel like writing something about this story. I don't know why but i really tried kaso yung mga nagagawa ko walang puso :P Anyway, medyo okay na ako so I'll update na :) Enjoy!
Themesong for this chapter: Halaga by Parokya ni Edgar ---------------------------------->
Listen to it :) Favorite line ko dyan "Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko" ♥
Chapter 14: Valentines
-----------------------------------------------------------------------------------------------------
Binasa ko na ang mga sagot ng mga friends ko sa 'Define Love. Define Crush' survey..
"Ate.....Mahal ko na siya..."- Me
Binigyan ako ni Abby ng malaking kinikilig na ngiti.
"Siguro naman bilang matalik na kaibigan mo siya, dapat lang ata na malaman niya yung tunay mong nararamdaman. Almost 1 month na lang gragraduate na tayo. Sabihin mo na bago pa kayo magkalayo" - Abby
Tuliro ako buong araw, natatakot ako sa nararamdaman ko para kay Kevin. Bakit pa kasi ngayon ko lang natanggap sa sarili ko na mahal ko na siya kung kelan isang buwan na lang ang meron kami para magsama? Ang tanga mo Des!!
"Des! may kwento ako sayo, diba close kayo ni Kevin? " - Melissa
"hah? di naman masyado. haha bakit ano meron? " - Me
"Sabi ni Kevin....Mahal daw niya ako" - Melissa
Hindi na ako nabigla sa sinabi niya, alam ko naman na mahal na mahal ni Kevin si Melissa. Dun nga ako na-inlove lalo kay Kevin eh, sa sobrang loyal at martyr niya.
Nginitian ko si Melissa, aalis na sana siya dahil tinawag siya ni Hannah ng biglang pinigilan ko.
"Wait Mel! may tatanong ako, kung okay lang... Mahal mo na rin ba?" - Me
Ang tagal niyang sumagot,
"........Hindi ko alam" - Melissa
Hindi ko alam kung bakit pero nasaktan ako sa sinagot ni Melissa. Mahal na mahal siya ni Kevin pero siya..Hindi niya alam kung mahal din niya?!
---Dismissal Time---
Pauwi na ako nang may tumawag sa pangalan ko
"Des!" - Kevin
Tinignan ko si Kevin, tumakbo siya palabas ng classroom.
"Uuwi ka na?" - Kevin
"Hmm, diba uwian na? Oh, anong ginagawa pag uwian? haha!" - Me
"Ang corny mo! Sabay na tayo umuwe" -Kevin
"Hah?" - Me
"Sige na, samahan mo rin muna ako diyan sa may flower shop" - Kevin
"Bakit ka pupunta ng Flower Shop?" - Me
"Ay kasi bibili ako ng bahay! Haha" - Kevin
"Ha!Ha!Ha! Sinong mas corny ngayon? haha!" - Me
"Ano ba? Sasamahan mo ba ako o hindi?" - Kevin
Nako, sabi ng parents ko diretso uwi pagkatapos ng klase. Strict pa naman yung mga yun. Ay, bahala na! Pagalitan na nila ako pero kailangan ko samahan ang KAIBIGAN ko ;)
"Sige na nga! Papaalam lang ako sa friend ko na dapat kasabay ko" - Me
"Okay! (^_^)" - Kevin
Nagkaroon bigla ng malaking ngiti sa muka niya, at tinignan niya ako sa mata. Nalunod nanaman ako sa mga titig niya at napakatamis na ngiti niya. Nung makita ko ang mga ngiting iyon, napaisip ako na okay lang pagalitan ako ng mga magulang ko araw araw, masilayan ko lang ang mga ngiting iyon. Bihira kasi siya ngumiti, laging siyang nakasimangot. Kaya pag ngumingiti siya, parang ang swerte swerte ko para makita yun.
BINABASA MO ANG
Crush nga lang ba o Pag-ibig na? (Ongoing series)
RomanceSabi nila may stages daw ang pagmamahal... 1st stage - Like 2nd stage - Crush 3rd stage - (severe na to) LOVE....