Chapter 20: Epic Fail

147 3 0
                                    

Chapter 20: Epic Fail

Themesong for this chapter: Pwede ba by Soapdish

Watch it here ------------------------->

Saktong sakto lang sa chapter na ito :""">


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pag mulat pa lang ng mga mata ko, kaba na agad ang unang naramdaman ko. Ito na ang araw na ipagtatapat ko ang tunay na nararamdaman ko para kay kevin.

Pag dating sa school, di ko alam paano ko iaabot ang sulat ko sakanya. Buti na lang bigla kong nakasalubong si jim.

"Jim!! favor? pabigay naman ito kay Kevin oh." - Me

"Sige sige" - Jim

"Salamat!! ^__^" - Me

Hindi ko na binantayan si Jim kung ibibigay na ba niya yung sulat ko kay Kevin. Kahit sobrang kinakabahan ako, pinilit ko yung sarili kong kumalma lang at hindi maparanoid.

Ilang oras na ang nakalipas, mukang di pa rin natatanggap ni Kevin ang sulat ko sakanya. Ugh! ang dami dami ko nang beses nakikitang mag isa si Kevin, bakit di parin binibigay ni Jim?? Sana naman walang makakita pag binigay ni Jim yun kay Kevin.

Uwian na, nakita ko si Melissa kausap si Jim. Lumapit ako sakanila dahil usapan naming magkikita kita kaming magkakabarkada sa labas ng hall para sabay sabay kami umuwi. Si Mel pa lang ang nandun.

Nung makalapit ako sakanila, nginitian ko si Jim. Nung una niya kong nakita, bigla siyang napasabi ng...

"Ay!" -Jim

Tapos biglang siyang tumingin sa paligid niya, tila may hinahanap na tao.

Kakalabas lang nina Kevin kasama ang barkada niya, bigla siyang tinawag ni Jim.

"Kevin! oh.." - Jim

Inabot ni Jim ang sulat kay kevin sa harapan namin ni Mel. Napatakip na lang ako ng muka at napabulong...

"Sh*%, ang stupid mo jim!!" - Me

Napatingin si Jim sakin at nagsabi pa ng...

"Ay sorry! haha" - Jim

Napangiti na lang ako sa sobrang gigil ko kay Jim tapos humarap ako kay Mel. Nakangiti siya sakin na parang nag iintay ng dahilan sa mga kung ano na ang mga nangyayari. Niyakap ko ang braso ni Mel, wala akong ibang binaggit kung hindi..

"Mel, sorry!! sorry talaga!!" - Me

Paulit ulit ko yun sinasabi hanggang makalabas kami ng school. Tinawanan lang ako ni Kevin nung makita niyang panay sorry ako kay Mel. Hindi ko siya pinansin nung uwian.

"Bakit?? Bakit ka nagsosorry?? haha" - Mel

"Basta sorry!!! sorry! sorry! sorry!!!" - Me

"Bakit nga??"- Mel

Alam kong kailangan ko ng umamin kay Mel, alam kong wala nakong takas sakanya dahil sabay kami pauwi at dahil parehas ang daan namin pauwi, matagal tagal kaming magsasama.

Nang makasakay na kami ng jeep, iba parin makatingin si Mel sakin at nakangiti parin siya sakin.

Huminga ako ng malalim at nag umpisa ng mag explain sakanya kahit hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya.

"Kasi ganito yun Mel, sorry hindi ko agad sinabi sayo. Sorry talaga!! Nagka..........gusto ako kay Kevin pero paghanga lang naman yun. Hindi ko naikwento agad sainyo kasi nung dati sabi ko simpleng paghanga lang naman yung naramdaman ko kay Kevin, alam ko sooner lilipas rin yun. pero medyo natagalan ata yung paglipas. Sorry talaga!!" - Me

Crush nga lang ba o Pag-ibig na? (Ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon