Chapter 6.3

161 3 0
                                    

Yan po ang picture ni Melissa..ang pretty niya noh? (I do not own the pic) ----------->

****Melissa's POV****

Nagulat ako sa nakita ko nung umaga... Si Des at Kevin Magkausap?! Ano naman kaya ang pede nilang pag usapan?? close na sila?

Parang dati lang, si Des lang ang hindi pumapansin kay Kevin. Akala ko nga di niya trip maging friend yun eh tapos ngayon biglaan na lang sila mag uusap?! nakakapagtaka lang..

Umupo ako malapit sakanila....

Aba...di man lang ako pinansin ni Des?! at di man lang din ako tinignan ni Kevin.... akala ko ba gusto niya ko, kakasabi lang niya kagabi sa chat..eh bakit ngayon, parang di niya ako nakikita, todo titig lang siya kay Des -__-

"Uy Des! ano na! sino na nga kasi yung crush mo?! sabi mo sasabihin mo na sakin ngayon" - Kevin

"(O.O)"- Me

Crush?! May crush na si Des at mukang mauuna pang malaman ni Kevin kung sino ito.. Nakakapagtaka na talaga ah. Ganon na ba talaga sila ka-close para mag-share tungkol sa crush nila?!

---------Lunch Time-----------

"Yieee.....si Des may crush" - Nica

"Ikaw ah! lumalandi ka ng palihim. hahaha!"- Ralph

So alam na ng barkada ang tungkol sa crush ni Des? hmp! magpapanggap na lang ako na parang walang narinig..ayoko namang magmukang chismosa kung tatanungin ko bigla sila kung sino yung crush ni Des...

Lumapit na ako sakanila.....

"Ano meron ? (^_^)"- Me

Natahimik sila lahat bigla...mukang wala silang balak ipaalam sakin... hmp!

"Oh bakit natahimik kayo?" - Me

"Aah wala, nagaasaran lang kami" - Jane

Tinignan ko si Des..baka sakaling may sabihin siya.. pero umiwas lang siya ng tingin.

"Uy guys! tara punta tayo ng canteen, nagugutom na'ko eh. Lunch na rin naman" - Abby

"Sige, mauna na kayo. Di pa ako gutom eh. dito na lang muna ako..magbabasa lang ako" - Des

Magpapaiwan na rin ako.. baka sakaling i-share sakin ni Des ang tungkol sa crush niya

"Ako rin ! Samahan ko na si Des dito" - Me

Nakaalis na sina Abby...kami na lang ni Des ang naiwan. Hindi siya nagsasalita at umiiwas siya ng tingin sakin...

"Des, kwento ka naman.. tagal narin nating hindi nakakapagkwentuhan" - Melissa

"Wala naman akong makwento eh, ikaw na lang kaya..." - Des (Bitin na sagot ni Des)

Ikwekwento ko na lang ang pag amin ni Kevin tungkol sa crush niya ako para ma-open ang topic about "crush" baka sakaling magkwento narin si Des

"Ay Des, alam mo ba...may gusto sakin si Kevin...matagal na daw...kachat ko siya kagabi" - Me

(May binulong na sagot si Des)

"Ano sabi mo ?" - Me

"Aah wala! hmm Talaga? So...gusto mo rin ba siya?" - Des

"Oo..."- Me

"(0_0)..........( ^_^ ) yieeee!" - Des

Bakit mukang naging speechless si Des nung una, nung malaman niyang gusto ko rin si Kevin...

Ang weird na niya talaga ngayon... ramdam ko na talagang may hindi sinasabi sakin si Des...

at gagawa ako ng paraan para malaman yun...

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nako, malaman kaya ni Melissa ang tungkol sa sikreto ni Des? :)

QUESTION FOR THIS CHAPTER: Ano kaya sa tingin niyo ang pedeng gawin ni Melissa para malaman niya ang sikreto ni Des? Leave your comments!

Crush nga lang ba o Pag-ibig na? (Ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon