Chapter 19: The letter
Themesong for this Chapter: Wag na by Yeng Constantino
Watch it here----------------------->
One of my favorite music videos :"">
-------------------------------------------------------------------------------------------
Nang matapos kami mag lunch ni Kevin, sumama na ulit ako kina Abby. Tumambay muna kami somewhere in the school habang nag iintay ng dismissal time. Daldalan lang ng daldalan sina Jane and Abby habang ako, nanggugulo sa usapan nila..kumakanta ng "carried away" na kinanta kanina ni Kevin. Hindi ako maka-get over sa performance kanina ni Kevin. Inlove na inlove lang talaga ako sakanya nung mga oras na kumakanta siya. Gustong gusto ko lang talaga ang mga lalaking magaling mag gitara at kumanta.
"Tumahimik ka naaaaaa!!!!! Binging bingi na ko sa kantang yan! Parang awa mo na tumigil ka na!" -Abby
"Hay nako, matawag nga si Kevin para patahimikin itong si Des >:D"- Jane
"Tatamihik na po! :("- Me
"Hahaha, galing ko talaga!"- Jane
"Ay nga pala Des, nakagawa ka na ba ng letter mo para kay Kevin?" -Abby
"Ay shocks! di pa! bukas na nga pala yung last practice natin before graduation noh?"-Me
"Dapat bukas mo na ibigay, baka sa graduation di mo maibigay kasi siyempre busy na yun" - Jane
"Oo nga" -Abby
"Sige, umpisahan ko na ngayon. Wag kayo magulo! Moment ko ito! haha" - Me
Kumuha ako ng isang papel at panulat. Tinitigan ko ang papel na hawak ko, walang kaide-ideya kung paano ko uumpisahan ang aking liham. Halos limang minuto ata ako nakatulala lang at hindi alam kung anong isusulat ko sa liham. Nahalata ni Abby ang problemado kong mukha dahil wala akong maisulat sa liham ko para kay Kevin. Nilapitan ako ni Abby.
"Tuwing nakikita mo siya, anong ba yung unang bagay na pumapasok sa isip mo na gustong gusto mong sabihin sakanya pero di mo masabi?" -Abby
"...Mahal ko siya"- Me
"Edi yun yung ilagay mo sa liham mo para sakanya :)" - Abby
"Aaminin ko na sakanya na mahal ko na siya? :/"- Me
"Syempre, ano pa ang sense ng liham na yan kung di ka magpapakatotoo sakanya? diba?" - Abby
"Thank you Ate :)" - Me
Inumpisahan ko na ang liham. Dumating bigla si Jake. Si Jake ay isang matalik kong kaibigan simula pa lang nung 2nd year highschool kami. Siya na ang laging kong kasama umuwi simula nung makilala ko siya dahil malapit lang ang bahay nila sa amin. Sakanya ako natuto bumyahe kaya madalas siya ang kasama ko tuwing aalis ako.
Ito ang picture ni Jake ---------------------------------------------->
"Psst. Tara na, uwi na tayo" - Jake
"Uy, wag mo istorbohin yan. Nagmomoment yan! haha" - Jane
"Wala akong pakielam! uwi na tayo! :P" - Jake
"Tara na Des! Bye Jane :)"- Abby
"Eto na! eto na! susunod na ako"- Me
Naglakad na ako pasunod sakanila pero tutok parin ako sa sinusulat kong liham. Sumakay sina Abby sa medyo masikip na jeep, wala na akong nagawa kung hindi sumunod na lang sakanila. Nung nakaupo na ako sa jeep, tuloy parin ako sa pagsusulat ng liham. Magkatabi kami ni Abby sa jeep, pausog siya ng pausog hanggang masiksik na ako sa dulo. Di ko na lang pinansin kahit sobrang sikip na dahil busy parin nga ako sa pagsulat ng liham. Hanggang sa may sumabit pang dalawang tao dun sa pasukan ng jeep kaya natakpan yung liwanag ng araw na sumisinag sa kinauupuan ko. Hindi ko na tuloy masyadong mabasa yung mga sinulat ko dun sa liham. Nainis na ako dahil para namang wala ng ibang jeep sa mundo at talagang pinuno nila ng sobra yung jeep na sinasakyan ko.
"Wala ng bang jeep? Last na ito, last na talaga?! >:|" - Me
"Hahahaha! Malay ko sakanila bakit trip nila sumakay dito. haha" -Abby
"Grabe hah! invisible ata yung ibang jeep na nakapila sa likod eh at di nila makita. Kaloka!" - Me
Nang nakauwi na ako ng bahay, stressed na stressed ako dahil unting unti na akong nauubusan ng isusulat sa liham. Pakiramdam ko ang dami kong gustong sabihin pero di ko alam paano ko ipaparating sakanya.
Lumipas ang ilang oras at natapos ko rin ang sulat ko para kay Kevin...
*Letter to Kevin*
Hi Mr. Kevin Seval, mamimiss kita! Hmm, andami kong gustong sabihin sayo pero di ko alam paano sisimulan. Unang una, gusto muna kitang pasalamatan. Salamat sa pagiging mabuti mong kaibigan. Kahit na nalaman mo na may gusto ako sayo, nanatili ka pa rin nandiyan. Salamat kasi tinupad mo yung sinabi mong "Walang magbabago kahit ano pa ang malaman kong sikreto mo". Salamat dahil pinasaya mo at ginawa mong memorable ang huling taon ko sa pagiging high school. Alam mo sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit kita nagustuhan. Ang gusto ko kasi sa lalaki ay yung maputi, matangkad, mas matanda sakin kahit isang taon lang at malakas ang dating. Lahat yun wala ka dahil isang simpleng lalaki ka lang pero nagawa ko paring gustuhin ka. Sayo lang din ako nakaranas ng pakiramdam na hindi ako nagseselos kahit may iba kang mahal. Basta masaya ka, masaya narin ako walang halong biro. Never akong nainis kay Melissa nang dahil sa selos, pero nagawa kong mainis sakanya nang dahil sa hindi niya binibigyan ng pagpapahalaga yung pagmamahal mo sakanya. Lagi ka na lang malungkot, alam mo naman ayoko ng nalulungkot ka. Ramdam mo naman siguro na tuwing nalulungkot ka, nastrestress ako sa kakaisip ng paraan para mapasaya ka. Nakakainis dahil wala akong magawa para pasayahin ka. Kahit anong gawin ko, laging kulang dahil alam ko namang si Melissa lang ang tanging makakapagpasaya sayo. Basta kahit anong mangyari, nandito lang ako para sayo. Kapag kailangan mo ng kausap, I'm always here to listen. Alam mo, natutuwa nga ako dahil tuwing may maganda o kahit malungkot ka na balita, lagi mong kwinekwento sakin. Sabi nga nina Abby, wala ka na raw ibang bukambibig kung hindi tungkol kay Melissa. Puro tungkol kay Melissa na lang daw ang kwinekwento mo at sawang sawa na daw sila dun. Pwes, kung sila nagsasawa sa mga kwento mo, ako hindi. Kahit banggitin mo pa si Melissa sakin araw araw, kwentuhan mo lang ako ayos na. Alam ko naman dyan ka masaya eh :) Nga pala, kahit madalas tayong magtampuhan dahil sa kakulitan mo at sa kadramahan ko. Tandaan mo, never akong magagalit sayo, sinubukan ko ng magalit pero hindi ako nagsucess haha! nung una hindi ko alam kung bakit until na-realized ko...hindi ko magagawang magalit sayo, mahal kita eh :"> Dati hindi ko alam kung simpleng pagtingin lamang ba talaga ang nararamdaman ko, pero ngayon sure na ako...MAHAL KITA :)
"Always remember to BE HAPPY because you never know who's falling INLOVE WITH YOUR SMILE"
-Des ♥
*End of Letter*
-----------------------------------------------------------------------------
Abangan kung sa paanong paraan ipaparating ni Des ang sulat niya para kay Kevin ;)
BINABASA MO ANG
Crush nga lang ba o Pag-ibig na? (Ongoing series)
RomanceSabi nila may stages daw ang pagmamahal... 1st stage - Like 2nd stage - Crush 3rd stage - (severe na to) LOVE....