Chapter 21: Hello College Life! Goodbye Highschool love?

112 2 2
                                    

Chapter 21: Hello College Life! Goodbye Highschool love?

Play the music video in the lower right corner  while reading this chapter. Somehow related naman yung song :) and this is from one of my favorite alternative rock band. Enjoy! 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 Ilang buwan na ang nakalipas, wala kaming komunikasyon ni Kevin. Busy kami pareho sa pag asikaso para sa college life namin. Nag umpisa na akong pumasok sa isang unibersidad. May mga bago akong kaibigan na nakilala. May mga personalidad yung mga bago kong mga kaibigan na di ganun kadaling sakyan. Meron silang "wild side" na lagpas na sa limitasyon ko pero kahit ganun sila, tanggap ko pa rin sila. 

Sa gitna ng oras ng klase....

*1 message recieved*

Psst. - Kevin

Napuno ng paru paro ang aking sikmura, di lang ata paru paro, kung hindi buong zoo na! haha. Nung matanggap ko ang text niya, dun ko lang narealize kung gaano ko siya na-miss pero ayaw ko naman masyado magpahalata kaya nireplyan ko na lang siya ng..

Uy! Kamusta :) - Me (sent)

Pagkatapos ko isend yung message ko, di ko na binitawan yung cellphone ko. Magdamag akong nakatingin dito sabik makatanggap ng reply niya. 

Agad agad rin naman siyang nag reply

Kevin Seval: Okay lang naman, may class ako ngayon. I heard same daw tayo ng university na pinapasukan?

Yup! pero sa main ako :) -Me (sent)

Hmm pero magkatabi parin school natin haha. - Kevin

Naputol ang usapan namin ni Kevin, di ko na siya nareplyan dahil kelangan ko kumopya ng notes. 

Lunch time na. Pumunta kaming magkakabarkada sa Mcdonalds tapat ng university namin. Dun namin naisipan na mag lunch.  Bago ako kumain, naalala ko si Kevin. Nakakain na kaya siya? Sino kayang kasama niya? Meron na kaya rin siyang mga new friends na nakilala sa school niya? kaya tinext ko muna siya para kamustahin.

Psst. Kumain ka na? - Me (sent)

Kumakain na, ikaw? - Kevin

Kakain na rin :) Saan ka kumakain? - Me (sent)

Mcdonalds - Kevin

Weeh! pinaglololoko mo ko eh. wala ka naman dito eh. Sa Mcdonalds rin kami kumakain eh - Me (sent)

Sa Mcdonalds espanya ako. Sa may tapat ka lang ata ng school eh - Kevin

Hmm dun nga ko hehe. Sino kasama mo? - Me (sent)

Wala - Kevin

Nalungkot ako bigla, mag isa lang kumakain si Kevin. Sana sinamahan ko pala siya. :(

Sayang, di mo sinabi kanina, sana sinamahan kita ng lunch time - Me (Sent)

Hindi ka naman nag reply kanina eh. Ayaw kitang istorbohin. - Kevin

Gigil na gigil ako sa sarili ko nun. Halos nawalan na ko ng gana kumain. Kung nireplyan ko lang sana siya agad kanina eh di sana nalaman kong wala siyang kasama kumain ng lunch time. Eh di sana nasamahan ko siya. Sana di siya nag iisa kumakain ngayon. Pero wala, tapos na, wala na kong magawa. Nakakainis! 

Sorry... - Me (sent)

Okay lang - Kevin

Di ako mapakali, naiimagine ko si Kevin mag isa. Walang makausap. Ugh! Dapat kasama niya ko pero wala! too late na! Nag isip ako ng paraan para makabawi kay Kevin.

Hmm Kevin? - Me (sent)

Bakit? - Kevin 

Gusto mo sabay tayo umuwi mamaya? - Me (Sent)

Okay lang, 5pm uwian ko. Ikaw? - Kevin

4:30pm, intayin na lang kita. Late naman usually kami pinapauwi nung prof ko sa last subject eh :) - Me (sent)

I lied. Hindi kami late pinapauwi ng prof namin sa last subject. Actually mas maaga pa nga kami lagi pinapauwi nun. Pero okay lang naman, kahit gaano pa ko maghintay masulyapan ko lang si Kevin walang problema sakin :"> 

Sure ka? okay lang intayin mo ako? - Kevin

Oo naman! :) - Me (sent)

Okay :) - Kevin

:D Parang gusto ko na matapos agad yung klase. Makikita ko na uli si Kevin after so many months!!!! Yay! 

*4:15pm*

"Okay class you may now go home. Just pass your seatwork tomorrow" - Phy Sci Prof

"Uy! tara! inom tayo, maaga uwian eh :D" - Katrina Gusan

"Tara!" - Sabi ng buong barkada

"Uuuhmm pass muna ko, may kasabay akong umuwi eh" - Me

"Yiee! boylet yan noh!" - Katrina

"Hindi, kaibigan lang. Sige na, mauna na ko. Bye! :)" - Me

Kahit wala akong maisip na iba pang paglilipasan ng oras habang nag iintay kay Kevin. Ayoko namang magpalipas ng oras kasama sila dahil ayokong mag amoy yosi pag nagkita kami ni Kevin. Yup! panay inom ng alak at nagyoyosi ang ilan sa mga kabarkada ko. Yun ang ilan sa mga bagay na tinutukoy kong "wild side" meron sila.

Nag abang ako sa harap ng isang resto sa may malapit sa sakayan ng jeep pauwi samin. Ayokong pumasok sa resto dahil ayoko nung papasok ako tapos wala naman pala akong bibilhin. Kaya tumayo na lang ako sa harap nito. 

*4:40pm*

Nandito na ko sa may sakayan ng jeep. Dito na lang kita antayin. :) - Me (sent)

Hindi nagreply si Kevin

*5pm*

Hindi parin nagrereply si Kevin

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ano na kayang nangyari kay Kevin? Sisiputin parin kaya niya si Destiny? Ano kayang nararamdaman ni Destiny ngayon na halos 45 minutes na siyang nag aantay sa walang kasiguraduhan kung magpapakita sakanya si Kevin dahil di nagrereply sa kanyang text? 

Crush nga lang ba o Pag-ibig na? (Ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon