Chapter 1: 1st Day
Unang araw ng klase,
bawat estudyante ay nagpapakilala na.
Habang ako, parang walang pakielam sa mundo.. gumuguhit ng kung ano-ano sa notebook ko.
"Hi, I'm Kevin Seval, 16 years old at ang hilig ko ay pag - gigitara"
Mahilig din ako maggitara kaya nung may narinig akong tungkol sa "gitara"
napatingin ako sa nagsasalita sa harap.
Kevin Seval ang pangalan niya.
Madalas natitipuhan ko ang mga lalaking magaling maggitara,
pero kung magaling man maggitara si Kevin, unang tingin ko pa lang.. alam kong hindi siya ang lalaking tipo ko.
Hindi siya gwapo.... pero cute siya hah :)
Bumalik ako sa pag-guhit, hanggang sa may kumalabit sakin.
"Hi, diba ikaw yung friend ni Christina na pinakilala sakin dati?
"Ako nga pala si Melissa"
Tinignan ko lang siya...hanggang sa maalala ko
Siya nga pala yung new student na friend ni Christina.
Magandang babae si Melissa, Chinita at Maputi siya pero sobrang mahiyain.
Kahit new student palang si Melissa, marami ng nagkakagusto sakanya.
"Aah, yaah... I remember you... Destiny nga pala ang name ko" -Me
"Kung okay lang sayo, pede bang sabay tayo mag recess at lunch? Wala kasi akong kakilala sa section natin maliban sayo" -Melissa
"Sure.." -Me
Dahil nga sa tahimik at mahiyain si Melissa, para akong may kasamang pipe.
Pero okay lang...mabait naman siya :)
Kami na ang laging magkasama ni Melissa simula non.
Hanggang sa makilala namin sina Abby, Jane, Nica at Ralph.
Magkakalapit lang ang mga upuan namin kaya naging close namin sila.
BINABASA MO ANG
Crush nga lang ba o Pag-ibig na? (Ongoing series)
RomanceSabi nila may stages daw ang pagmamahal... 1st stage - Like 2nd stage - Crush 3rd stage - (severe na to) LOVE....