marami nakong narinig na kwento sa balete
drive. mga kwento ng white lady at ng mga nadidisgrasya sa daan. kaya naman todo iwas ako sa lugar na iyon lalo na kapag gabi.isang hapon may lakad ako at kailangan kong dumaan sa balete drive. maliwanag pa naman ang daan at madaming sasakyan. kaya malakas ang loob ko. pero sa kinamalas-malasan ng panahon at lugar e na-flatan ako ng gulong sa daan. at hindi pako marunong magpalit ng gulong nung panahon na yon. at ang pinakanakakainis at takot na parte e kung saan ako natigil ay may kandilang nakatirik sa gilid. agad-agad kong nilabas ang cellphone ko pero walang signal.
para ako ng para sa mga sasakyan para humingi ng tulong. pero walang gustong tumigil. habang nagbabakasali sa daan ay may lalaking pumansin sakin at tinulungan akong palitan ang aking gulong.
"Buti, dika naabutan ng dilim." anito.
"Oo nga sir eh salamat sa tulong." sagot ko.
"Naku! wala yun sige tara na bago pa magdilim ng tuluyan."
napalitan naman ang aking gulong dahil sa tulong ni Kuya. pero may naiwan siyang kulay pula na maliit na bag. hindi kona naibalik dahil nauna na siyang umalis at di kona siya makita sa daan.
dahil nagmamadali ako ay tinabi konalang sa loob ng sasakyan. habang nagdr-drive ako ay may mabaho akong naamoy sa sasakyan di ko maintidihan ang amoy. natapos na ang lakad ko. at sasabay sakin umuwi ang dalawa kong kaibigan. pag-sakay nila ay may naamoy silang mabaho.
"Parang may patay na daga sa kotse mo tol."
"Oo nga e, magpapa-carwash ako bukas." sagot ko.
pag-uwi sa bahay ay nagtanong ang lola ko saakin. "Sino yang kasama mo sa sasakyan?"
"Ha? wala akong kasama la." tumahimik lang ang lola ko kaya pumasok nako sa loob para matulog.
kinabukasan ay kinausap ako ng lola ko. may babae raw sa sasakyan ko. hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinasabi ni lola. pero bigla niya kong tinanong kung may kakaiba bang nangyari sakin kahapon. kwinento ko ang lahat ng pangyayari. ipinakuha niya saakin ang maliit na pulang bag sa sasakyan. at ng buksan namin ito ay may buhok lamang sa loob.
ayun kay lola. ay sinasadya raw itong iwan ng lalaki sakin. para ako ang sundan ng kaluluwa at hindi siya. madalas raw itong gawin ng mga pumapatay. para hindi sila ang sundan ng mga pinapatay nila.