di madali ang magtrabaho sa isang ospital. araw-araw may mga nakikita kang umiiyak at nawawalan ng buhay. kahit anong pilit naming pagalingin sila may mga buhay na talaga kailangan ng mawala. ngayong araw may isa nanaman kaming pasyente na pumanaw. halos araw araw naman ganito pero hindi ko makalimutan dahil.
ng naghihingalo siya ay nakatingin lang ang kanyang asawa. at ng mawalan ito ng hininga. ay agad may binulong sa tenga ng patay na pasyente. hindi kona alam ang sumunod na mga pangyayari dahil. may iba pa kong pasyente na kailangang asikasuhin. ng araw rin na iyon ay nagkagulo sa ospital. ang isa sa doktor ay inatake sa puso. kinabukasan naman ay isang nurse ang namatay sa di malamang dahilan.
at kinagabihan ay isa nanamang nurse ang nawala. kakaiba na ang mga nangyayari kaya nagkaroon na ng imbestigasyon. pero wala talaga silang makita na foul-play. inatake daw silang lahat sa puso ayon sa imbestigasyon. pagkatapos nun wala na namang namatay na nagtratrabaho sa ospital. kaya nasa isip namin. coincidence lang ang mga nangyari.
habang nagi-iscroll ako ng page ng ospital sa facebook para tignan ang picture noong nag-volunteer kami. ay may nakita akong comment ng isang link. ito ay isang balita. isang ginang nagrereklamo dahil namatay ang kanyang anak sa ospital namin. ayon sa nabasa ko. ilalabas na raw dapat ang bata dahil magaling na ito. pero bigla itong binawian ng buhay sa di malamang dahilan.
nagtanong tanong ako sa mga ka-duty ko pero lahat sila iniiwasan na sagutin ang aking tanong. sa libing ng namatay na doctor ay nakita ko ulit ang ale ng namatayan ng asawa sa ospital. tinuro ko siya sa kaibigan ko.
"nandito yung ale ng namatayan ng asawa oh asawa ni Mr. Delvin." turo ko sa ale.
"hindi yan yung asawa niya ano kaba." sagot nito.
"ha? e sino yan, siya yung laging nagbabantay kay Mr.Delvin nung comatose siya."
"hindi ko alam, pero namumukhaan ko siya pero hindi yan yung asawa niya kapitbahay ko sila hindi siya yan."
ng pauwi na kami ay kinausap uli ako ng kaibigan ko. "naalala ko na siya, siya yung nagsampa ng kaso sa ospital kase namatay yung anak niya."
"quiet, kalang ha' alam moba panay chismis kase ang ginagawa nila kapag gabi kaya maling gamot ang napainom sa bata may allergy pala tapos ayun, syempre pinagtakpan ng ospital."
ang pinagtataka ko hanggang ngayon ay kung anong binulong niya sa namatay na pasyente. ayon sa mga sabi-sabi ang nahuling narinig ng namatay na pasyente ay pwedeng magkatotoo.