nagbakasyon ako ng ilang-linggo sa baler. wala akong pinagsabihan. gusto kolang mawala saglit. magpahinga sa magulong buhay ko ng ilang-araw. nag-away nanaman kame ni Mommy. sobra akong nas-stress dahil sakanya.
habang nasa bakasyon ako ay. text parin siya ng text.
Sorry Na Anak, Sana Kainin Mo Ang Iniwan Kong Prutas.
diko siya nireplyan. nag-text nanaman siya.
Anak, Sana Kausapin Mona Ko.
pinatay ko ang cellphone ko. gusto ko ng katahimikan. malayo sa drama kahit ilang-araw lang. pagbalik ko ng bahay. ay hinanap ko sa labas ang prutas na iniwan ni Mommy pero wala naman. baka may kumuha na. kakauwi kolang pero may kumakatok na sa labas. pagbukas ko ay si Mommy.
"anak, dinalhan kita ulit ng mga prutas nagdala din ulit ako ng lutong ulam." nag thankyou lang ako. pagkatapos ay sinabi ko sakanya na gusto kong magpahinga.
sinundan ako ni Mommy sa kwarto. panay siya kwento ng mga ala-ala noong bata pako.
"kung andito pa sana kambal mo mas masaya tayo anak noh." nagising ako sa antok dahil sa sinabi niyang iyon.
"kambal? anong kambal? sinong kambal?" sunod-sunod kong tanong.
"may kambal ka anak, nasunog ang bahay natin noon nakalimutan mona."
"wala kong maaalalang sunog o kambal ma."
"akala ko ay ayaw molang pagusapan anak, nasunog ang bahay natin noong 10 yrs old ka ikaw ang una kong binuhat palabas pero di kona nabalikan ang kambal mo dahil sa sobrang laki na ng sunog." sobra akong nagulat sa nalaman ko.
"ma, gusto kong mapagisa pwede bang umuwi kana."
"sige anak pasensya kana kukunin kolang sa kusina ang mga baunan na dinala ko kahapon."
"kahapon? wala naman ako rito kahapon ma."
"anong wala sabay pa nga tayo kumain ng tanghalian."
"isang linggo nakong wala dito ma nagpunta ako ng baler kakauwi kolang."
"pang-apat na araw kona na dalaw sayo ngayong linggo ha anak."
"wag kang magbiro ng ganyan."
lumabas si Mommy at dumiretso ng kusina. narinig ko siyang nagsalita.
"paano ka nakapunta dito agad anak?"
agad akong tumakbo sa kusina. "Ma sinong kausap mo?"