may bago kaming kaklase Grace ang pangalan at napakaganda niya.
"Grace, libre mo kame."
"ha? wala akong panlibre sainyo eh, pasensya na."
"poor pala tong si grace eh!" sigaw ni Yanna ang bully ng klase namin.
"hi! grace ako si Berna mayabang at masama talaga ugali niyan, pulis tatay niya eh lagi niyang panakot."
madaming nagkakagusto kay Grace hindi lang siya maganda, matalino din kaya mas lalo siyang pinag-iinitan ni Yanna minsan tinatalisod siya o kaya naman nilalagyan ng kung ano ano ang bag.
isang araw ay nag-away sila sa cr.
"ano bang ginagawa ko sayo bakit moko laging
inaaway nananahimik ako dito e kulang ka ata sa aruga.""wow! ang lakas ng loob mo ha sino kaba nagmamalaki ka dahil maganda ka."
"inggit kaba?" sagot ni Grace.
"kapal ng mukha mong babae ka!" sigaw ni Yanna pagkatapos ay sinampal siya. bumawi ng sampal si Grace. pero pinagtulungan siya nila Yanna kaya nabugbog siya.
agad akong tumakbo para tawagin ang teacher namin dahil alam kong wala akong laban sakanila. pagtapos ng araw na yon ay nagkita-kita agad ang mga ang magulang nila at parang walang nangyari. ilang linggong absent si Grace dina siya nilalapitan ng grupo ni Yanna pero madalas parin silang magparinig sakanya.
ng araw rin na iyon ay nadulas si Trisha nabugok ang ulo niya at binawian ng buhay. grabe ang iyakan sa classroom namin. lalo na si Yanna dahil bestfriend niya ito. pagkalipas ng ilang araw ay nadisgrasya naman si Brenda binawian din ng buhay. sobrang lungkot ng mga pangyayari. pagkatapos ng dalawang linggo ay si Gina naman ang nawala. natatakot na kaming lahat dahil isa-isa namamatay ang mga kaklase namin.
isang araw ay nakita ko si Grace na may kinakalkal sa bag ni Yanna.
"Grace anong ginagawa mo? bakit mo pinapakialaman ang bag ni Yanna?"
"nawawala yung libro ko e siya lang naman tong pwede kumuha nun."
nagduda ako kay Grace dina siya pinapakialaman ni Yanna dahil nagluluksa ito dahil sa pagkawala ng kanyang mga kaibigan. kinabukasan ay di pumasok si Yanna binalita saamin ng guro na binawian na ito ng buhay.
nagtaasan ang mga balahibo ko. natakot ako kay Grace. pakiramdam ko siya ang gumagawa ng lahat ng ito lahat ng nambully sakanya ay namatay. at sa reaksyon sa kanyang mukha ay parang wala itong pakialam. naglagay ako ng sulat sa loob na bag ni Grace. ang nakasulat.
ALAM KONG IKAW ANG GUMAGAWA NG LAHAT NG ITO TUMIGIL KANA!
agad kong hinanap ang bahay nila Grace para kausapin ang kanyang nanay. alam kung wala si Grace ng araw na iyon dahil may practice sa school. kaya lang pagdating ko roon ay sarado ang bahay nila. sinubukan kong sumilip sa bintana.
nakita ko ang nanay ni Grace. ang daming kandila sa paligid. nagdadasal ang nanay niya at may hawak na manika at litrato.
pagtingin ko sa litrato ay mukha ko ang aking nakita.