mahilig kaming mag mountain-hiking ng mga barkada ko. madami na kaming napuntahan. kahit na taga-maynila kami ay pumupunta kami sa malalayong lugar para lang maghiking.
"bro, tignan mo to oh ang ganda sa laguna raw ito kailangan daw magpareserve muna 1 week before di pwede ng linggo."
"three thousand per, pa sa group of four mahal naman tapos two groups lang per day, ang mahal talaga hiking lang naman saka bakit ang onti lang ng pwede pumunta?"
"mahal raw diyan kase may ritual bago umakyat sa bundok, nag-aalay sila ng mga hayop tapos may mga padasal pa nga raw."
"oii, alam ko yan yung mga kaibigan ko pumunta diyan eh sobrang ganda sa bundok andami nga raw mga puno at bulaklak."
"Naku! 2021 na may mga paganyan pa."
"alam niyo wag tayong kumuha ng tour-guide susundin lang naman natin yung trail e pumunta tayo ng linggo oh di nakatipid pa tayo ng tag 3k diba."
"oo nga sige g!"
sobrang ganda ng bundok. totoo nga na maraming kakaibang bulaklak at puno dito.
"andali lang palang pumunta dito e."
"oh, diba sabi ko sainyo may trail naman kase nakasave pa tayo ng pera."
"oh siya pahinga muna tayo."
"sige sakto naiihi nako e."
pagmulat ko ng mata ko ay nakahiga nako.
"hala! nakatulog ako anong oras na." pagtingin ko sa mga barkada ko ay tulog din sila.
"oii! gising guys gagi nakatulog tayo."
ginising ko silang lahat. kakaiba ang ihip ng hangin. bakit lahat kami ay nakatulog anong nangyari.
gulat kaming lahat sa nangyari. nakaramdam kami ng takot kaya napagdesisyonan namin na bumaba na ng bundok at dina tumuloy sa tuktok.
"oii! teka lang asan si Vince?"
sigaw kami ng sigaw nagrupo grupo pa kami para hanapin si Vince pero di namin siya nahanap.
"oii! baka nawala na siya kailangan na talaga nating bumaba para huminga ng tulong."
agad-agad kaming pumunta ng barangay hall kung saan dapat magreregister pag maghihiking.
"sir yung kasama namin sa bundok nawawala tulungan niyo po kame."
"linggo ngayon ah asan yung tour guide niyo nako iilan na nga lang kayo may nawala pa."
"wala po kameng tour guide." nagulat ang lalaki at tinignan kami ng napakasama.
isang taon na ng mamatay si Vince di parin nahahanap ang katawan niya.
ayon sa mga tao na nakatira doon. ay siya daw ang kinuhang alay ng bundok.