graveyard shift ako ngayon. konti lang yung pasyente kapag gabi kaya okay lang. next month pang-umaga na ang shift ko tiyaga-tiyaga lang.
"nurse, pakisabi naman sa katabi naming kwarto Room 15 pakihinaan yung tv di kase makapagpahinga ng maayos ang anak ko sa Room 14."
"okay po Ma'am pasensya napo."
mga pasaway din minsan ang pasyente. imbis na magpahinga ay may pa movie-marathon pa.
pagkalipas ng ilang araw ay nilapitan nanaman ako nung nanay. ang lakas raw ng music sa Room 15. napakasaway naman talaga kung kelan gabi e saka nakikinig ng kanta. pagkalipas uli ng isang araw e nilapitan nanaman ako ng nanay.
"nurse, ang ingay sa kabilang kwarto pakisabihan naman sila."
hayy ang jusko naman. ba't di nalang kase siya ang kumatok e tabing kwarto lang naman yun. andami kopa namang gagawin ngayong araw. nakakaasar natong pasyente sa Room 15. mayayaman na spoiled brat talaga gagawin ang kung anong gusto kung saang lugar. dito pa ata ang sleepover ng mga batang to.
halos araw-araw nakong pinupuntahan ng nanay para patahimikin ang nasa Room 15.
"hayy buti nalang umaga na duty ko next-week, panay ang tawag ng nanay sakin ng Room 14 para patahimikin ang maingay sa Room 15."
"ayy! true?"
"oo, lagi kong pinupuntahan sa er, yung medyo mataba na short-hair palakad-lakad sa hallway pag shift natin."
"ayy! di kopa siya nakikita sis."
kinabukasan andiyan nanaman siya para kausapin ako.
"ano yun Ma'am maingay nanaman ba sa Room 15? sige po puntahan kona." ani ko at aalis na sana ng pigillan ako nito
"ayy! nurse hindi pa-check sana yung anak ko, masakit ata ang tiyan niya Room 14." saad nito
"okay po Ma'am." sagot ko nalang at umalis na para tignan yung anak niya sa Room 14.
"hello, masakit raw yang tiyan mo?
"po? paano niyo po nalaman?" nagtataka nitong tanong
"sabi ng Mommy mo." sagot ko
"wala na po ang mommy ko." sabi nito
"ah, baka yung tita mo."
ha? sinong tita wala po akong kasama ngayon daddy kolang ang dumadalaw sakin."
"yung medyo mataba na short-hair may malaking nunal sa bandang bibig."
"ano pong sinasabi niyo wala po akong kilalang ganun." nilabas ng bata ang cellphone niya at may pinakita na picture.
"eto po ba siya?"
"oo yan nga, oh kilala mo naman pala e."
"Mommy kopo yan namatay siya 2 yrs ago."