Kasambahay

2.3K 52 2
                                    

simula ng mag-start akong mag-aral. ay kumuha na si mama ng kasambahay. para may mag-alaga saakin. dahil kailangan niyang magtrabho sa ibang lugar. wala din naman kaming tatay kaya walang ibang mag-aalaga. dahil nag-aaral naman ang mga kapatid ko.

si ate Brenda ang kasambahay namin. bata pa si ate Brenda 18 yrs old palang siya. kaya parang ate kolang siya. hatid-sundo ako sa school ni ate Brenda. pero dahil malapit lang ang bahay namin sa school ay kabisado kona kung paano umuwi.

may mga tricycle din naman. pero madalas ay naglalakad lang kami. 4 yrs old ako ng magsimulang magtrabaho samin si ate Brenda. apat na taon din naman siya saamin. minsan nagpaalam si ate Brenda. birthday ng kapatid niya. magcecelebrate sila kaya pinayagan naman ng mama ko dahil minsan lang din naman siya mag day-off. may pasok ako nun sa paaralan. ng uwian na ay ready na ako umuwi. mag-isa. bitbit ko na ang payong ko at hila-hila ang bag na may gulong.

hindi ko naman first time maglakad pauwi saamin kaya okay lang. ng nasa gate nako ay may biglang humawak saakin. si ate Brenda pala.

"Ate, akala ko wala ka ngayong araw?"

tahimik lang si ate Brenda habang naglalakad kami pauwi. bitbit niya ang bag at payong ko. ng nasa gate na kami ng bahay ay pinasok na niya ang bag ko at nagpaalam.

"eto na ang huling sundo at hatid ko sayo ha, mag-iingat ka lagi di nako makakabalik e."

"di kana babalik dito sa bahay Ate?" nginitian lang ako ni ate Brenda at bigla na siyang umalis.

iyak ako ng iyak sa gate ng bahay namin. napamahal na sakin si ate Brenda. para ko narin siyang nanay. pinuntahan ko ang mga ate ko sa loob ng bahay. habang umiiyak. nag-iiyakan kaming lahat. akala noon ay dahil malungkot sila dahil di na babalik samin si ate Brenda.

ng nasa highschool na ako. nagkwentuhan kami at biglang napasok si ate Brenda sa usapan.

"asan na kaya si ate Brenda ngayon? hanapin kaya natin siya sa facebook." sabi ko.

"nakalimutan moba? wala na si ate Brenda namatay siya noong 8 yrs old ka."

"ha?"

"umiiyak ka pa nga noon sa gate e."

"hinatid ako noon ni ate Brenda sabi niya sakin last na sundo sa school at hatid sa bahay na raw niya saakin yun dina siya babalik kaya ako umiiyak." nagtinginan lang ang dalawa kong ate.

"paano ka niya ihahatid? e umaga palang patay na siya baka ibang araw yang naalala mo."

Horror Story TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon