Louis

1.1K 11 0
                                    


2012 ng tumira ako sa baguio para mag-aral ako ng college. bedspacer ako noon kase yun lang yung afford namin. ayos lang dahil dalawa lang kami sa kwarto. sa ibang araw apat-apat sila. mura rin ang renta kaya kinuha agad ng nanay dahil baka maunahan pa kami. Louis yung isang pangalan ng kasama ko sa kwarto. tahimik siya nung una seryoso lagi pero ng magtagal ay naging magkaibigan rin kami. 4th year siya med-tech student.

minsan naabutan kong umiiyak si Louis di daw siya gagraduate on time may bagsak nanaman raw. hindi niya alam kung paano sasabihin sa magulang. ang alam ng parents ni Louis eh matataas ang grade niya at dean's lister siya. noong 1st year daw siya unang nagkaroon ng bagsak. sinubukan niyang sabihin pero hindi niya nasabi. bilib masyado ang mga parents ni Louis sakanya. valedictorian ba naman noong high-school at elementary. hanggang sa dumating yung panahon na pinepeke na niya lahat yung grades niya.

her parents are expecting na gra-graduate na siya next-year. sobrang pressured at di alam kung anong sasabihin o ano bang gagawin sakanya ng magulang pag nalaman lahat. nakinig ako sa kanya pero wala akong nasabi. isang umaga nakita ko siyang nakangiti ang saya-saya niya kumakanta pa nga e. siguro nasabi na niya sa  parents niya. okay na siguro lahat. bumili pa nga siya ng pagkain tapos binigay niya sakin yung favorite shirt niya.

"good mood ka today ah, anong meron?" di kumibo si Louis. nakangiti lang siya habang kumakain kami.

kinabukasan wala na si Louis ilang araw siyang di umuuwi. kinakabahan na ako kaya tinawagan ko ang may-ari ng apartment para sabihin ang nangyayari. agad siyang pumunta sa apartment. tinawagan niya ang parents ko na ilipat na raw nila ako. pumayag naman ang mama ko dahil safe parin ang bayad at ganoon parin ang set-up.

ng mismong araw na iyon ay tinulungan ako ng may-ari para lumipat. dahil nga siguro wala na akong kasama sa kwarto. kinukuha ko ang number ni Louis para sana makapag-usap parin kami kahit dina kami magkasama. pero sabi sakin wala raw.

pagkalipas ng isang sem. ay nakita ko ang picture ni Louis sa isang school paper sa office ng student council. sobrang saya ko. ang nakasulat Justice for Louis Vergara academic break now year 2008. binasa ko ang buong artikulo. nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. nanigas lang ako sa kinatatayuan ko. nasusuka sa sobrang takot.

pero sino ba talaga ang responsibilidad sa pagpapakamatay ni Louis.

Horror Story TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon